I CAN'T STAY AWAY!!!

203 9 3
                                        

Kasalukuyang nasa biyahe si Katherine kasama ang kuya niya, mga kaibigan at ang mga boyfriends nito. Papunta sila sa MOA Arena para manood ng laban ng paborito nilang team sa basketball.

Ang kuya niya ang nagdadrive ng van at nasa passenger seat siya habang sina Christine at Michelle naman ay nasa likod katabi ang kanina kanilang boyfriend.

Saglit na napatingin si Katherine sa rearview mirror at nakita niyang sweet sweetan ang mga kaibigan. Lihim siyang napaismid.

Kinuha na lang niya ang cellphone at sinimulang magbrowse sa internet pero wala sa ginagawa niya ang isip niya.

Hanggang ngayon kasi ay inaalala pa rin niya kung bakit hindi siya kinocontact ni Gerald gayong hindi pa tapos ang usapan nilang punishment niya kuno. Sa katunayan ay nakakatatlong araw pa lang siya bilang secretary slash assistant nito. At sa tatlong araw na yun, hindi niya mapagkakailang naging masaya siyang kasama si Gerald, hindi niya lang iyon pinapahalata at lalong hindi sinasabi sa mga kaibigan niya.

Sa mga araw kasi na nakasama niya si Gerald, ay parang hindi naman siya assistant nito dahil mas madalas na siya pa ang inaasikaso ni Gerald. Kapag kasama siya nito sa tapings or shootings, hindi siya nito pinapayagang mapuyat. Lagi pang nakabantay ito sa kanya at sa mga kung sino man ang lumalapit at nagpapakilala sa kanya. Hindi rin ito pumapalyang pakainin siya sa tamang oras. Madalas pa nga siyang ipagluto nito. At ang pinaka pinagtataka niya, wala siyang nakita o nadinig na kausap nitong ibang babae, kung hindi siya ang kausap nito, mga staff or maids lang.

Napangiti siya ng maliit habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraang tatlong araw na kasama si Gerald. She really can't deny it to herself. She misses him, kaya naiinis siya kung bakit hindi pa ito tumatawag o nagtetext man lang.

Sa lalim ng pag-iisip, hindi niya namalayan na nakapagpark na pala ang kuya niya ng sasakyan.

Pagkapasok nila sa arena ay sobrang dami na ng tao. Buti na lang ay reserved seats ang nakuha nilang tickets. Championship game na ng favorite team nila kaya bilang suporta, lahat sila ay nakasuot ng color red. Ganon din ang ibang mga tao na manonood, dalawang kulay lang ang makikita. Blue at red.

"Ano, Kath! Let's make a bet?!" biglang sabi ni Michelle nang maiwan silang tatlo sa seats dahil bumili ng snacks ang mga kasama nilang lalaki.

"Sira! Bakit tayo magpupustahan eh parehong team ang gusto nating manalo!"

Napatawa naman sina Michelle at Christine sa sinagot ni Katherine.

"Malay ba namin! Baka namimiss mo na si Ge --- este namimiss mo ng makipagpustahan sa game diba!" tukso ni Christine.

"Tse!" pagsimangot ni Kath sa mga kaibigan.

"Hahahaha! Don't worry friend! Malay mo nandito din si Gerald! Endorser siya ng San Mig diba tsaka favorite team niya yun!" dagdag ni Michelle.

"Ano namang pake ko kung nandito siya?! Eh san mig naman siya! In short, sa kalaban siya!"

Christine arched her brow. "Weh?! Talaga? Kahit makita mo si Gerald dito, hindi mo siya papansinin??"

"Oo noh!!"

"Then let's make a bet!!!" Michelle countered.

"A. YO. KO!!! Ayoko na sa mga bet bet na yan! Napapahamak ako eh!" Katherine answered irritatingly that Michelle and Christine laughed.

..........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..........

"Woah!! Its a miracle! The Gerald Anderson is here!" natatawang sabi ni Rayver habang inaapiran ang mga bagong dating na sina Gerald at Fred.

My ONLY StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon