New Journey With You

58 3 0
                                    


~~KATHERINE


"Ready ka na bang maging secret Mrs. Anderson?" I asked myself as I am looking at my reflection in the full length mirror. I smiled upon seeing the dress that I am wearing. Natutuwa ako dahil kahit na madalian at biglaan ang kasal ko, at least, I got to wear a dress that I personally chose. I did my own hair and make up too. I opted to wear light make up and I just curled my hair in big waves.



I am wearing a plain white lace overlay off shoulder A-dress. Nakakatawang isipin na nakuha namin ang dress na ito ng madalian. After our passionate lovemaking, pareho kaming natawa dahil naalala namin na wala kaming damit para sa wedding. Kahit naman kasi secret and simple civil wedding lang naman ang mangyayari, we have to dressed ourselves properly because it is still a memorable moment of our lives.



Gerald called his stylist slash friend na si Joey para magpatulong sa pagkuha ng susuotin ko. Yung kay Gerald naman kasi ay si Joey na ang bahala. Sinabi na rin niya sa kaibigan ang plano para makuha na din itong witness bukod kina Mang Roman at Aling Lydia. Binilinan niya din si Joey na sabihan sina Fred at Jalal.



Joey contacted first his one of colleagues in the fashion industry and they have sent us pictures of ready to wear dresses. Nang makapili ako ay agad sinabihan ni Gerald si Joey para makuha ang dress.



Joey with Fred and Jalal brought my dress and Gerald's attire here in my soon to be husband's secret place. Which became OUR SECRET PLACE now. But technically, hindi na siya secret place dahil alam na mga kaibigan at ng Daddy ni Gerald pati na din ang Judge na magkakasal sa amin, ang lugar na ito.



"Ma'am Katherine, ready na ho ba kayo?" nadinig kong tawag ni Manang Lydia sa labas ng walk in closet.



"Opo, sandali lang po at lalabas na ako." I answered back.



I looked at myself from head to toe for the last time and take a deep breath. "Woooh! This is it, Kath! Let's go!" I cheered myself dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na masaya. Basta, bahala na. Ginusto ko 'to eh!



Malaki ang ngiti ni Manang Lydia pagkakita niya sa akin. I smiled back at her.



"Ako na ho ang pinagsundo ni Sir Gerald sa inyo dahil gusto niya daw po kayong hintayin sa baba ng hagdan. Naku Ma'am! Ang ganda nyo ho! Bagay na bagay kayo ni Sir Gerald. Ang gwapo gwapo niya ho sa suot niya!" tuloy tuloy na sabi ni Manang Lydia.



Naexcite tuloy akong makita si Gerald. Hindi ko din naman kasi alam kung anong yung dinala ni Joey para sa kanya. Ganun din naman niya sa akin. Hinayaan niya lang kasi akong mamili ng dress na gusto ko. Sisilip sana ako sa terrace para makita ang mga nasa ibaba pero pinigilan ako ni Manang Lydia. Nasa ibaba daw kasi ng hagdan naghihintay si Gerald.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ONLY StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon