Possessive You and Me

33 2 0
                                    

~~KATHERINE


Tahimik akong nanonood ng TV habang kumakain ng kale chips. Yes, it is a veggie chips. Wala kasing ibang chips dito sa pad ni Gerald dahil hindi daw siya kumakain ng junk food. Healthy living ang mokong. But he still asked me if I want other chips, papabili na lang daw siya kay Jalal. Siyempre nahiya naman ako kaya okay na sakin 'tong kale chips. Masarap naman, infairness.


Nagugutom na kasi ako, eh magluluto pa si Gerald kaya hinayaan niya muna akong kumain ng chips. I asked him if he needs help, hindi na daw. Magrelax na lang daw ako at siya na ang bahala. He's currently cooking at lalo akong natatakam sa amoy ng niluluto niya. Gusto ko na din tuloy matutong magluto. Hindi naman kasi pwedeng lagi na lang ganito. My boyfriend is a very busy person, I know. Paano na lang pag kasal na ka--wait? Kath, anong kasal ang pinagsasasabi mo? Haay, gutom na talaga ako.


I stood up and went to the kitchen counter. Eksakto namang pagharap ni Gerald na may hawak na dalawang plates.


"Oh, Love! Tamang tama, I am done na. We can eat now." sabi niya sabay lapag sa lamesa ng niluto niya. I saw a rib eye steak with grilled veggies on the side.


"Wow!" I said with amazement. Paanong hindi ako maaamaze? Eh parang steak na sineserve na sa restaurant yung hinain niya. Grabe ang galing! Tingin ko kaya din naman ni Tin magluto ng ganito. Hindi lang talaga siguro ako marunong magluto kaya manghang mangha ako sa mga niluluto nila.


He pulled a chair for me. I sat down and he held my shoulders. "Wait lang, Love ha.." sabi niya sabay talikod. May kung ano siyang kinuha sa kitchen cabinet niya. Pagbalik niya, naglapag na siya ng bottle of red wine, wine glasses, tapos tumalikod siya ulit. Natatawa ako kasi parang natataranta siya.


Pagbalik niya, naglapag naman siya ng bowls of mashed potato and rice. "May kukunin ka pa ba? Pwedeng ako naman ang kumuha." I said, smiling,


He smiled at me too tapos napahawak siya sa batok. "Wala, wala na."


"Good. Umupo ka na and let's eat. Para ka kasing natataranta eh. Pwede naman kitang tulungan."


He sat down on the chair in front of me. "Siyempre, I want everything to be perfect for you."


"Sus! Wag ka ng mambola. Girlfriend mo na ko. Let's eat na, gutom na talaga ako eh." I said that he just softly laughed.


"Anong gusto mo? Mashed potato or rice?" he asked.


Napakunot noo ako sa tanong niya. Ang alam ko kasi kapag steak, madalas mashed potato talaga ang partner. Bakit kaya siya nagluto pa ng kanin? But honestly, I want both. Ang takaw lang diba! Haha.


"Pwede both?" I asked while smiling widely.


He smiled too pero hindi nakalabas yung mga ngipin niya. Actually feeling ko parang nagpipigil siyang tumawa?


"Of course you can have both. Yun nga yung reason kaya I also cooked rice. Alam ko kasing mahilig ka sa rice." he said and softly laughed.


"Natatawa ka kasi ang takaw ko noh?" lumabi ako.


"Of course, not! Sabi ko naman sayo diba? You are the most matakaw woman I've met and I don't care! C'mon, let's eat." sabi niya pagkatapos nilagyan niya ko ng kanin at mashed potato sa plato. Nakita ko naman siyang naglagay ng mashed potato sa plato niya pero konti lang yun.


"Hindi ka magrarice?" tanong sabay habang hinihiwa yung steak.


"Nah. I will just have mashed po. I don't eat rice. Actually, also meat."


I widened my eyes. Grabe naman sa diet yan. Daig pa ko!


"Bakit? Eh diba nung nasa safe haven mo tayo, nagluto ka ng chicken curry sabi mo kumain kana bago pa ko matapos maligo?" pagtatakang tanong ko.


"Oo nga. I ate. But only the chicken curry. I did not eat rice. Nung nagbreakfast naman tayo, I ate pancakes."


"Nagdadiet ka ba? Or health conscious ka lang talaga?" tanong ko ulit sabay subo ng pagkain.


"Both, actually. Before, I eat rice and meats. But simula nung mahilig ako sa triathlon, I stopped eating rice. Paminsan minsan I eat meats like this but I am making sure that I will burn this after. Nahirapan kasi ako tumakbo before. Feeling ko ang bigat ng katawan ko. Kaya nung tinry ko yung sinuggest ng coach namin sa triathlon. No rice and meats. Just vegetables and seafoods. Ganun."


Napanganga ako sa sinabi niya. Grabe naman pala 'tong boyfriend ko. Napaka athletic. Ang alam ko noon, sa basketball lang siya mahilig eh. Siguro dahil hindi na din pinag-uusapan nila Tin si Gerald sa harap ko, hindi ko na nalaman na nadagdagan na pala yung sports na gusto niya.


"Grabe! Sports active ka pala. Samantalang ako, puro kain lang. Wala pa sa vocabulary ko yung word na diet." I frowned.


He softly laughed again. "Okay lang yun, Love. You are still fit naman. Maganda naman siguro ang metabolism mo kaya ganun. Pero it is not bad to try being choosy on what you eat. Being on a diet is not only to maintain our nice body figure naman. It is for our health."


Tumango tango ako habang ngumunguya. "Pero wala akong exercise or kahit anong sports."


"Ang galing mo kayang magbillards!" he said and laughed.


"Tse! Di naman nakakapayat ang pagbibillards noh!"


"Joke lang, ikaw naman."


I rolled my eyes still. "Anyway, nasaan nga pala si Jalal? Bakit hindi siya sumama satin mag dinner?"


"Wala siya. Dumalaw siya sa family niya. Pinayagan ko na kasi ilang araw na din naman kaming nagwowork. Tapos magiging mas busy pa sa mga susunod na araw. Yung driver ko naman, pinauwi ko sa bahay ko sa QC."


Mas busy. Parang naiwan sa tenga ko yung mga salitang yun. Oo nga pala. They will start shooting their new movie with Arci. Ako naman magiging busy sa mga events. Particularly, yung event ni Luis. Speaking of that event, kailangan ko nga palang ipaalam sa kanya.


"Ge, by the way, my meeting ako bukas with Luis. Pag-uusapan namin yung event ng ate niya."


Napatigil siya sa paghiwan ng steak at napatingin sakin. "What time yun? Can I come?"


"Huh? Eh diba may work ka bukas? Bakit sasama ka pa sa meeting namin? Wala ka naman gagawin dun." I wondered.


"Pwede naman akong sumaglit lalo na kapag on break kami sa set. Gusto lang kitang samahan, para ipaalam ko na din kay Luis na girlfriend na kita kaya he needs to back off."


My eyes grew big. "What? Grabe ka naman. You don't need to do that. Wala namang gagawing masama sakin si Luis, for sure."


"I know, Love. But still, I want him to know and ako mismo ang magsasabi sa kanya. I know him, he's a friend. That's why I know that he likes you. Mas okay kung sa akin niya mismo malalaman."


Napailing na lang ako. "Seloso." I whispered.


"What, Love?"


"Wala. Sabi ko ikaw din pala possessive eh."


He moved his chair closer to me then bigla niya akong kiniss sa cheek.


"Siyempre, walang pwedeng umagaw sayo sakin. Kahit kaibigan ko pa."


Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kinikilig ako pero pilit kong itinatago yun. Hindi ko alam kung tama ba yung mga feelings namin na pagiging possessive. Siguro nga ganito talaga kasi pareho kaming first timer sa relationship. Pero at the same time, I am happy. Masaya akong maramdaman na mahal niya ko. Akalain mo yun! Sinong mag-aakala na maiinlove sakin ang isang Gerald Anderson diba? Kiber na lang sa mga gustong lumandi sa kanya. Basta ako, I will never give my position in his life to anyone. Kahit kila Tin at Mich pa!


~~

My ONLY StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon