Sweet Morning

51 4 0
                                    

Nagising ang diwa ko sa naaamoy ko. Parang ang sarap. Amoy, uhmm..roasted garlic? Hindi ako sure pero mabango. Napangiti ako ng bahagya dahil sure ako nagluluto na ng breakfast si Tine.


Dahan dahan akong bumangon at nag-inat. Ang sarap ng naging tulog ko. Ang gaan gaan kasi ng pakiramdam ko. I lightly scratched my eyes and slowly opened it.


Bakit medyo madilim? Tapos kailan pa naging dark gray ang kurtina ko sa kwarto? Kaya pala madilim eh. Sa pagkakantanda ko, kulay light purple ang huli kong nilagay sa bintana ko.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iba din ang kulay ng kama. Nagmadali akong tumayo at hinawi ang kurtina sa bintana. Nang magliwanag ang paligid, lalo akong nagulat.


"Hindi ko kwarto 'to!" I said out loud.


Bigla akong napatapik sa noo nang maalala ko yung nangyari. Nasa condo unit nga pala ako ni Gerad. Shit! Ibig sabihin dito ako natulog sa kwarto niya? Siya kaya? Tabi kaya kaming natulog dito?


Nakakaloka, Katerina! Wala pang isang araw nagiging kayo, sa condo ka na niya agad natulog! Ano na lang iisipin ng mga pamilya at kaibigan mo? Tsk.


Nagpunta ako sa harap ng full length mirror at tiningnan ang itsura ko. Ganun pa din naman ang suot ko, walang nagbago. After awhile, I heard footsteps. Feeling ko papalapit siya sa pinto. Dali dali akong bumalik ng kama, nahiga ulit. Nagkunwari akong tulog.


I heard the door softly creaking. Halatang maingat ang pagbukas nito at ayaw makagawa ng ingay. Alam ko ng si Gerald ang pumasok kahit nakapikit ako. Sino pa bang iba diba? Pero bakit parang ang tagal niyang lumapit kung balak niya akong gisingin?


Ang tagal talaga! Nainip ako! Ang hirap kayang magpanggap na tulog ka kung alam mong may tao sa paligid mo na gising at hindi mo alam ang ginagawa. Dahan dahan akong dumilat at nakita ko syang nakangit sakin. Hala! Ayun lang siya. Nakatayo at nakatingin sakin. Almost 5minutes yun ah? Ganun lang siya?


"Good morning, Love." bati nya sakin tapos umupo sa tabi ko.


Ang gwapo niya!!! Nakakainis! Parang kagigising lang din niya. Mas gwapo siya pag ganito kesa yung ayos na ayos siya. Haaay! Jackpot ka din talaga, Kath eh!


Hinaplos haplos niya yung mukha at buhok ko habang ako nakatingin lang sa kanya. He lowered his face to mine, "Good morning.." he said again but it was just a whisper.


He kissed me on my lips that shocks me. "Ehhhh.. Geraaaaald!!!" I scremed and pushed him away. I automatically covered my lips.


He laughed softly. "Why, Love?"


"Di pa kaya ako nagtutoothbrush! Kumikiss ka na diyan! Hmph!" I said while covering my mouth.


Gerald laughed loudly and removed my hands that was covering my mouth that I mum. He placed my hands on the sides of my head and trapped my wrist. Tinikom ko lang talaga yung bibig ko. Nakakahiya baka bad breath ako!


"I don't care kahit hindi ka pa magtoothbrush ng one week!" sabi niya sabay kiss ulit sakin tapos iniwas ko yung bibig ko pero hinahabol niya pa din.


Hindi ako nakatiis. "Weh!! One week talaga?"


He smiled sweetly. "Yeah.." he whispered and kiss me again.


Shit! I couldn't deny it. He is a good kisser! I just found myself responding on his kiss. My golay! Parang kagabi lang kami nagkiss pero bakit parang marunong na marunong na ko?


My ONLY StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon