Little Cute Fight

29 3 0
                                    


~~KATHERINE


"I am very excited with this project. I am so happy kasi finally, I will be with Gerald. Like what I've said kanina sa story conference namin, gusto ko talaga siyang makatrabaho."


INTERVIEWER: Is it true Arci na crush mo daw si Gerald Anderson?


Nahinto ako sa pagsubo ng popcorn sa tanong na yun. Bakit ko ba naman kasi nilipat pa yung channel sa TV Patrol? Okay na yung kanina eh. Nag-eenjoy na ko sa favorite kong The Proposal sa HBO. Nilipat ko lang kasi commercial break pero di ko na naibalik kasi nga eksaktong ipapakita yung interview nila Gerald at Arci.


Nakita ko kung paano napangiti si Gerald sa tanong na yun kay Arci. He was effortlessly handsome by simply rubbing his lips and chin with his fingers. Nakakaloka! Sa sobrang indenial ko noon na guwapo siya, parang kahit anong gawin niya ngayon, baka kahit kalikutin niya yung ilong niya sa harap ko, guwapo pa rin siya sa paningin ko. Ugh! 


Hindi din nakaligtas sa paningin at pandinig ko yung pagtawa ni Arci pagkatapos ng tanong sa kanya. Napataas nga yung kilay ko kasi yung tawa niya parang ano, uhm.. kinda flirty? Basta! I saw her leaned her shoulder beside Gerald then she held his shoulders and smiled.


"Who wouldn't have a crush on Gerald Anderson?" sagot niya sabay tawa. Ayun na naman yung tawa. Confirmed! May paglalandi nga! At guess what?! She clunged on my boyfriend's arm pa.


"Yes!!! On MY BOYFRIEND's arm!!!" I said out loud! Nakakaloka! Pagkalandi landi pala nitong si Arci eh! Parang gusto ko na tuloy paniwalaan yung sinabi sakin ni Gerald noon na ang babae ang nagbibigay ng motibo sa kanya. Pero nakakaloka! Bakit parang tuwang tuwa pa si Gerald kahit obvious naman na nilalandi siya ng Arci na yan! Grrrr.. Sa sobrang inis ko, inoff ko na yung TV. Nawalan na ko ng gana manood.


I've heard Mich's room opened. "Kath, anong problema? Bakit parang nadinig ko kanina na sumigaw ka?" she asked while drying her hair with a towel. Her body is wrapped with a towel too. Halatang kakatapos niya lang maligo. Oo nga pala, nagpaalam sya sakin na maliligo siya dahil may date sila ng boyfriend niya.


Should I tell her what happened? Baka pagtawanan niya lang ako. Tama! I won't tell her na lang. Baka sabihin pa niya ang OA ko namang girlfriend. And knowing her, malamang ipagtatanggol lang niya si Gerald.


"Huy, Kath? Kanina ka pa parang wala sa sarili? Okay ka lang ba talaga?" tanong niya ulit dahil hindi ako sumagot.


"Yes, I am okay. Nainis lang kasi ako kanina sa pinapanood ko kaya pinatay ko na lang yung TV."


"Huh? Eh diba The Proposal yung pinapanood mo? Favorite mo yun diba? Bakit ka naman nainis?" pagtataka ng kaibigan ko.


"Hindi. Nilipat ko kasi tapos ang pangit ng story! Hayaan mo na nga yun. Magprepare kana. Baka mamaya dumating na si Andrew, maghihintay na naman yun." I reasoned out so she will stop asking. Ayoko talaga kasing sabihin sa kanya.


Pagkaballik ni Mich sa room niya, eksaktong nagbeep yung phone ko. I checked it and saw that it was Gerald.

My ONLY StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon