Pasimpleng pinagmamasdan ni Kath ang nga kaibigan habang nag-aayos sila ng mga gamit. Kakalipat lang nila sa isang condo unit na binili nilang tatlo. Napagdesisyunan kasi nilang mas mabuti kung dun sila titira, mas malapit kasi iyon sa bago nilang opisina.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang pakikipagdate niya sa artistang kinaiinisan. Pero simula rin nang mangyari yun ay parang madalang ng makipagkulitan at makipagbiruan sa kanya ang mga kaibigan. Hindi na rin niya naririnig ang mga ito na pinaguusapan si Gerald Anderson.
"Ah, girls? How's our event for Jollibee tomorrow? Okay na ba yung mga staffs natin sa designated area nila?" pagkukunwaring tanong niya para mabasag ang katahimikan.
"Yes, Kath! Si Mich na bahala dun sa Metro Manila area, ako na sa Subic."
"Sure kayong ayaw nyong sa Cebu na lang tayong tatlo? Okay na naman kasi siguro kung yung nga staff na lang natin ang maiwan sa area nyo."
"Hindi na Kath! Okay na kami sa area namin ni Tine! And besides, ikaw naman talaga yung dapat nasa Cebu kasi nandun yung marketing head nila diba? Ikaw lang naman ang nakakausap nun!"
"Girls! Yung totoo? May tampo ba kayo sakin?!" hindi nakatiis na tanong ni Katherine.
Nagkatinginan naman sina Michelle at Christine dahil sa narinig pagkatapos ay sabay na tumawa ng malakas.
"Kath, yung totoo? Adik ka ba? Bakit mo naman naisip na nagtatampo kami sayo noh? Baliw ka!" tumatawang sagot ni Christine.
"Oo nga Kath! Baliw ka talaga! Magtatampo kami sayo dahil lang sa winalk-outan mo si Baby Gerald namin? Hahaha! Praning!"
"Eh bakit parang ang cold nyo sakin? Tapos napansin ko din na hindi nyo na pinaguusapan yung Gerald na yun?!"
"Eh kasi nga diba galit ka dun? Tsaka nagpromise kami sayo ni Tine na hindi ka na namin kukulitin about sa kanya kaya iniiwasan na namin pag-usapan siya para di ka mairita."
"Ganon?" hindi makapaniwalang tanong ni Kath.
"Hahaha! Oo noh! Kaya wag kang praning!" tukso ni Christine.
"Okay, sige! Sabi nyo eh! Kung bakit naman kasi hindi mawala wala yung paghanga nyo dun sa Mr. Feelingero na yun eh!"
"Oppsss! Wag mo ng laitin si Baby Ge! Okay na nga tayo dun sa hindi namin siya pag-uusapan ni Mich eh!"
"Okay, sorry! Ikaw na talaga ang Atty. Christine nun! Hmp! Sige, kayo na muna bahala dito. Will just buy food for our lunch! Baka kasi matagalan pa kapag nagpadeliver tayo eh! Nagugutom na ko!"
"Okay, bawal nga palang pinaghihintay yung tiyan mo! Hahahaha.."
"Oo na! Ako na matakaw! Kailangan pinamumuka pa Michelle Escalona?" tumatawang sabi niya pagkatapos ay tumayo at naglakad papunta sa pinto.
"Sige na, babush for awhile!" dagdag niya bago lumabas.
Pagka-alis na pagka-alis ni Katherine ay nilapitan agad ni Michelle si Christine at mahinang hinampas ito sa braso.
"Gaga ka! Pag nalaman ni Kath 'tong planB natin, malilintikan tayo dun! Hahahaha.."
"Sshhh.. Wag kang maingay sira! Baka biglang pumasok ulit yun eh! Basta okay lang 'tong plan natin! Malayong maisip niya na pakana natin ang lahat! Hahahaha.." sagot ni Christine pagkatapos ay nakipag-apir ito sa kaibigan.
---------
*ring ring ring*
Gerald awakened by the sound of his phone. He searched for it, still eyes closed.
BINABASA MO ANG
My ONLY Star
FanficOne of the closest story in my life. Hope you would still love it kahit sobrang bagal ng update. Salamat po sa lahat ng nakaka appreciate. :)
