The event ended late afternoon. Katherine and her staffs together with the guests were invited by the company heads for a small gathering and to have some merienda.
"Miss Kath, ano pong feeling?" Lyka playfully asked her while they were eating at their table.
"Huh? Feeling ng ano?"
"Yun pong nangyari sa show kanina? Yung hinarana po kayo, niyakap at bineso ng gwapong gwapo si Gerald Anderson?"
"Oo nga, Miss Kath! Nakakakilig po kayo at the same time nakakainggit din! Grabe!" Anna, who can't hide her giddiness butt in.
"Huy kayo ngang dalawa! Wag nyo ng kulitin yang si Miss Kath! Alam naman natin na ayaw niya dun sa Gerald Anderson na yun! Si Piolo Pascual lang ang crush nyan!" Louie said.
Katherine smiled a bit. "Yeah, girls! Louie is right! For me, nothing compares to Papa P! Hahaha.. Si Christine at Michelle lang ang may gusto dyan sa Gerald na yan! At yung nangyari kanina, wala lang yun! Show lang yun or gusto lang talaga akong asarin nyang Mr. Feelingero na yan!" she explained and just continue with her meal.
Habang kumakain ay nagpatuloy pa sa usapang Gerald Anderson ang mga kasama niyang babae. Hindi naman siya kumikibo dahil pilit niyang pinapaniwala ang sarili sa sinagot niya sa mga ito.
Hanggang sa mga oras na yun kasi ay hindi pa din nawawala sa isipan niya ang sinabi ni Gerald. First time niya kasing marinig sa isang lalaki na sabihan siyang "beautiful".
At nakakatawa pa na hindi lang basta basta ang lalaking nagsabi nito sa kanya, yung lalaki pang matagal na niyang kinaiinisan. Walang lalaking nagsasabing maganda siya kundi mga kaibigan o kamag-anak niya lang.
NBSB o No Boyfriend Since Birth kasi siya. Hindi naman sa walang nanliligaw sa kanya kaya wala pa siyang nagiging boyfriend. Masyado lang kasi siyang naging pihikan pagkatapos niyang maranasan ang kanyang first heartbreak.
Naputol ang pag-iisip ni Katherine ng bigla siyang kalibitin ni Lyka.
"Miss Kath tingnan mo yang si Lovie Poe! Kanina pa yan sa backstage hindi humihiwalay kay Gerald eh! Sa tingin mo may something sila?"
Tiningnan naman ni Katherine si Gerald na nakikipagtawanan at kulang na lang ay makipaglampungan sa babaeng kausap nito. Isa yun sa dahilan kung bakit pilit niyang inaalis sa isipan niya ang nangyari sa show.
Bukod kasi sa naalala niya ang pagiging playboy nito, pakiramdam niya ay pinagtripan lang siya nito. After kasi ng event ay hindi na siya muling kinausap o tiningnan man lang ni Gerald.
"Who cares, duh!!" she mumbled.
"Ano po yun, Miss Kath?" Lyka asked.
"Ahh.. Wala! Sabi ko, hindi ko alam kung anong meron sa dalawang 'yan! Kung sina Michelle ang tinanong mo baka may maisagot sila!" she lied.
"Ayy oh! San kaya sila pupunta??" Anna suddenly said.
When Katherine glanced at Gerald, nakita niya itong umalis kasama si Lovie Poe na nakakapit pa sa balikat niya.
"Eeew!! Hanggang dito ba naman sa Cebu!?" sabi niya sa isip.
-----------
Padilim na nang matapos ang gathering. Isa isa ng nag-alisan ang mga tao.
"Miss Kath, sure po kayo hindi kayo sasabay samin pabalik sa hotel?"
"Yes, Anna! Mauna na kayo. May dadaanan pa kasi ako."
"Eh saan po kayo sasakay nyan, Miss Kath? Gusto nyo po samahan na lang namin kayo?"
"No its okay Louie. I'll take a cab na lang! Saglit lang naman ako."
BINABASA MO ANG
My ONLY Star
FanfikceOne of the closest story in my life. Hope you would still love it kahit sobrang bagal ng update. Salamat po sa lahat ng nakaka appreciate. :)