Gumaan at naging maaliwalas ang pakiramdam ni Katherine after shower. When she stepped out in bathroom, she immediately locked the door.
"Mahirap na! Baka biglang pumasok ng kwarto si mokong eh!" sambit niya habang papalapit sa closet.
Nang buksan niya ang closet ay namangha siya sa nakita. Very organized ang laman nito, nakaayos base sa uri at sa kulay.
She didn't expect it. Para kasi sa kanya, burara sa gamit ang mga lalaki, lalo pa sa isang tulad ni Gerald na parang walang time sa pag-aayos ng nga gamit.
Parang bigla siyang nahiya sa nakita kung gaano kaayos sa gamit si Gerald. Siya kasi ay slight na may pagkaburara. Maayos naman ang closet niya pero mas mukha pang closet ng babae ang closet ni Gerald kesa sa kanya.
"Eh baka naman may taga-ayos ang mokong?? Pero hindi pa din eh! Kung may taga-ayos siya malamang siya din nag-utos kung paano aayusin!" sabi niya habang naghahanap kung anong pwede niyang isuot.
"Bakit kaya walang mga damit na pambabae dito??" pagtataka niya. Naisip niya kasi na dahil sa playboy si Gerald ay baka marami na siyang babae na naisama sa safe haven nito kuno.
Nagkibit balikat na lang siya nang wala talaga siyang mahanap. Dahil sa purple ang favorite color niya, dun siya sa mga shades of purple naghanap. Nakakita siya ng light purple longsleeves polo. Ito na ang pinili niyang isuot dahil umabot ang haba nito 2inches before her knees.
Nakakita din siya ng mga new boxer shorts, nakaplastic pa ang mga ito. Nagamit pa naman niya ulit ang mga undies niya dahil nilabhan niya muna ito bago maligo at pinatuyo sa hand dryer. Yun ang dahilan kung bakit natagalan siya sa loob ng bathroom.
When she's done, she looked at the mirror and she smiled at her reflection.
"Cute mo sa suot mo, Kath!! Hahaha.. Cute pala tingnan ang isang babae kapag nakasuot ng damit panglalaki? Hehe.."
*knock knock knock*
"Miss Beautiful, dinner is ready. Matagal ka pa ba?" she heard him says.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang kinilig siya sa nadinig. Napakalambing naman kasi ng pagkakasabi ni Gerald. Bigla niyang natanong sa sarili kung ganun ba ang feeling ng may naglalambing na boyfriend.
Napangiwi siya sa naisip. "Praning! Gutom ka lang, Katerina!"
*knock knock knock*
"Miss Beautiful Katherine??"
"Eto na! Lalabas na!" she countered.
"Kaloka! Hindi ba pwedeng Katherine na lang??" reklamo niya habang papalapit sa pinto.
Pagkabukas naman niya ng pinto ay agad niyang naamoy ang bango ng niluto nito.
"Hey, sakto! Come here, dinner is ready!" abot tengang ngiti na pagiimbita ni Gerald.
Nang makalapit siya sa dining table ay nakita niya ang chicken curry na nasa lamesa. Napatitig siya dito habang nakahawak sa isang upuan.
"Why? Hindi ka ba kumakain ng chicken curry?" Gerald asked.
"Kumakain naman pero hindi kasi ako mahilig sa mga saucy food.."
"Really? You should try my chicken curry! Masarap 'to! For sure, malilimutan mo na hindi ka pala mahilig sa saucy food kapag natikman mo 'to!" he proudly said then winked at her.
She twitched her lips. "Yabang mo!"
He grinned. "Proud lang!" he said and pulled a chair for her.
"Talagang pinaninindigan mo yang kunwaring pagkagentleman mo ha!" she said but when she was about to sit down, he pushed the chair back to its place.
BINABASA MO ANG
My ONLY Star
FanfictionOne of the closest story in my life. Hope you would still love it kahit sobrang bagal ng update. Salamat po sa lahat ng nakaka appreciate. :)