TOO LATE

66 4 6
                                    

TOO LATE


"Pare, bilisan mo naman, oh!" Naiinis na sabi ni John.

Siya naman ang nag-aya. Ako pa ang minamadali niya.

"Nandiyan na!" Sigaw ko.

Saktong paglabas ko. Susi ng kotse ni John ang sumalubong sa akin.

"Ikaw mag-drive, pinaghintay mo ako!" Aangal pa sana ako, kaso pumasok na siya sa loob. Napailing na lang ako. Ang galing talaga, eh!

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko. "Hindi ka naman nagpupunta ng mall, tamad ka, eh." 'Yon kasi talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"Shut up! Sumunod ka na lang."

Wala akong choice kung hindi ang sumunod sa kaniya, kung bakit ba naging kaibigan ko pa 'to.

❤️‍🩹

"Seriously?! Umamin ka nga." Tiningnan ko siya nang nang-aasar na tingin.

Sino ba kasing hindi magugulat, 'no? Nandito kami sa tapat ng isang boutique. Ano naman kaya ang gagawin niya rito? Kung mamimili naman kasi 'to ng gamit niya. Imposible na rito.

"Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang." Sa tono pa lang ng boses niya, halatang pikon na.

Pumasok siya kaya wala akong nagawa kung hindi pumasok na rin. Nagtitingin-tingin ako dahil mukhang alam ko na ang ganap ng isang 'yon. Pinopormahan niya ang owner ng shop. Habang tumitingin-tingin ako, hindi ko sinasadyang may masagi ako.

"What the hell!"

"A-aray."

Halos sabay pa namin iyon na sinabi.

"Miss, hindi ka ba ma--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Sakto rin na nakatingin siya sa akin.

Si Arya.

Kaagad ko naman siyang dinaluhan at tutulungan ko sana siya nang tinapik niya ang kamay ko.

"Kaya ko!" Matigas niyang sabi at kaagad na tumayo.

"Sorry. Hindi kasi kita nakita," paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang," walang buhay niyang sabi.

Nang akmang aalis na siya. Hinarang ko kaagad siya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit?"

"Can we talk, Arya?"

Kumunot pa ang noo niya. "Tungkol saan?"

"May gusto lang akong sabihin, and..." Saglit pa akong huminto. "Puwede bang doon tayo mag-usap sa labas?"

Tumango naman siya, kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Bayaran ko lang 'to." Sabay pakita niya nang mga napili niyang bilhin.

❤️‍🩹

"Ano bang pag-uusapan natin?" Bungad kaagad niya nang nakaupo na kaming dalawa. Nandito kasi kami sa isang fast food chain.

"May gusto ka bang kainin?"

Umiling siya, medyo iritado pa. "Diretsuhin mo na ako, Julian!"

Napakamot naman ako sa ulo. "Ah... gusto ko kasi sanang mag-sorry, sa ilang taon kung hindi pagpaparamdam sa iyo."

Pagak siyang tumawa. Para bang nakakainsulto para sa kaniya iyong sinabi ko. "'Yon ba? Kaya mo ako gustong makausap?"

"Yeah. I'm sorry, it's not my intention," seryoso kong sabi.

"Oh, really?" Halata ang pagiging sarcastic niya. "Dahil ba mataba ako? Kaya ba ganoon ang ginawa mo?"

Hindi ko siya magawang sagutin.

"Alam ko naman na 'yon ang dahilan mo. Bakit ko pa ba tinatanong, 'di ba?" Habang tumatawa siyang nakangisi. "Na-turn off ka? Kaya hindi ka na nagparamdam?"

Hindi ko pa rin siya masagot. Nanatili akong nakayuko. Nahihiya.

"Naputulan ka na ba ng dila, ha?" Galit niyang tanong. "Kung hindi ka sasagot. Aalis na ako, nasasayang ang oras ko!" May diin niyang sabi.

"O-oo." Napatingin naman siya sa akin, akma na kasi siyang tatayo. Mas nadagdagan ang galit niya. "But... I want to make it up to you. Only if you'll let me."

Napangisi naman siya. "Ganoon na lang 'yon? Na porket ang layo na ng itsura ko noon at ngayon. Babawi ka na? Tsk!" Dinuro niya ako. "Diyan ka magaling, eh!" Habang umiiling-iling pa siya. Nakikita kong disappointed siya. Hindi ko siya masisisi, kasalanan ko naman talaga.

"I'm sorry, okay? Arya, please..." pakiusap ko.

Tumayo siya sa harapan ko. Tiningnan ako ng diretso sa mata. "Well, I'm sorry, too. But you're too late for that; three years already."

Sinubukan ko pa siyang habulin, pero totoo ang sinabi niyang huli na nga ako. Nakita ko kung paano siya sinalubong nang yakap ng isang lalaki na sa tingin ko ay boyfriend niya.

Stupid Julian!

WOUNDS OF YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon