HIS REGRETS

30 3 0
                                    

HIS REGRETS


"Isaac, for you..." Napatingin ako sa hawak niya. Kaagad ko ring binawi ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil naman ako nang hawakan niya ako sa braso. Marahas kong tinanggal 'yon.

"What the hell is your problem?" Sigaw ko sa kaniya.

Napayuko naman siya. "G-gusto ko l-lang naman na ibigay 'to sa iyo, eh," sagot niya, sabay pakita pa nang dala niyang regalo.

"I don't need that!" May diin kong sabi, at tsaka ko siya tinalikuran.

❤️‍🩹

Papasok na sana ako ng room nang biglang may pumutok. Napapikit naman ako dahil sa gulat.

"What the f*ck!" Sigaw ko. Napatingin naman ako sa kanila. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila. "Who the hell planned this?"

Sabay-sabay nilang tinuro si Hazel.

Nandilim naman ang paningin ko. "You again?!" Turo ko sa kaniya.

Yumuko na naman siya. "I-I just want to surprise you. It's your birthday, kaya ko 'to gi—"

Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, pinutol ko na. "That's why you did this?" Pagalit kong tanong. "Well, fyi. I don't celebrate my birthday, and now because of what you've done," pagtukoy ko sa ginawa niya. "I'm starting to hate surprises."

❤️‍🩹

"Pare, oh! Mukhang nandiyan na 'yong stalker mo," pang-aasar naman ni Miko.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Ops! Chill lang!" Sabay taas niya ng dalawang kamay. Pero ang gago, tumatawa pa rin. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na ibato sa kaniya 'yong bottled water na hawak ko.

"Ang saki—oh, good luck, pare!" Sabi pa niya, habang humahalakhak. Nangunot naman ang noo ko kung bakit umalis 'yon.

"I-Isaac..."

Ngayon, alam ko na kung bakit.

"What?" Walang buhay kong tanong.

"Dinalahan kita ng water and sandwich." Hindi ko siya pinansin. "I made this." Itinapat pa talaga niya sa harapan ko.

Blanko ko siyang tiningnan. "I'm not hungry."

Nakita ko naman kung paano lumungkot ang mukha niya. "P-pero..."

Hindi na ako nakapagpigil. "Aren't you tired? Hindi na nga kita pinapansin, 'di ba? Don't you get it? I don't like you," inis kong sabi, dahilan para mapayuko na naman siya. "There's no way; I'll like you the way you like me."

❤️‍🩹

"Mukhang may hinihintay tayo pare, ha?"

"I'm just resting. Aalis din ako mamaya," sagot ko kay Miko.

"Sus!" Tila hindi niya naniniwalang sabi sa akin. "Kung hinihintay mo si Hazel, huwag na." Nakuha naman niya ang atensyon ko dahil doon. Nang mapatingin ako sa kaniya, seryoso ang mukha niya. "Wala ka nang mahihintay. Matagal na siyang umalis."

"W-what do you mean?" Kabadong tanong ko. Isang linggo na kasi ang nakalipas. "Did she transfer? Where?" Sunod-sunod kong tanong.

Umiling naman ito. "Bakit? Pupuntahan mo? 'Di ba, palagi mo naman siyang pinagtutulakan?" Naging matalim ang tingin niya sa akin. "Eh, bakit ngayon, mukhang interesado ka?"

Natigilan naman ako. Bakit nga ba ako interesado. "I'm just curious," kibit-balikat kong sagot.

Pagak naman siyang tumawa, na ikinagulat ko. "Curious, my ass! Kung gusto mo siyang makita. Sumama ka sa akin."

Wala akong choice kung hindi sumama. Sinundan ko na lang ang kaniyang sasakyan. Nagtataka ako kung bakit dito niya ako dinala.

"Why here?" Tanong ko, pagkababa ko ng kotse.

Walang buhay itong tumingin sa akin. "Sumunod ka na lang."

Dinala niya ako sa isang puntod.

"Why did you bring me here? Where is Hazel? Is she going here?" Sunod-sunod kong tanong.

"Bulag ka ba pare? Nasa harap mo na nga," sarkastiko niyang sabi.

Tumingin-tingin naman ako sa gilid. Sa harap. Hanggang napunta ang tingin ko sa ibaba.

Hazel Rosario

"H-how?" Tumingin ako sa kaniya, puno ng pagtataka. "And, how did you know?"

"Stepsister ko siya," tugon niya. "Isang linggo na lang ang taning ng buhay niya. Kinausap niya ako. She told me, he likes you. Sabi ko naman sa kaniya, hindi ba puwedeng iba na lang? Dahil kilala kita sa pagiging isang gago. Ayaw ko na sa natitirang araw niya na 'yon, mas masasaktan siya. Pero wala akong nagawa, 'yon ang huling gusto niyang gawin. Ang magpapansin sa iyo at ang mapansin mo. Pero dahil nga isa kang gago. Syempre, pinagtabuyan mo siya," puno ng sama ng loob niyang pagpapaliwanag. "Pero alam mo, na kahit sinaktan mo siya. Ikaw pa rin ang nasa isip niya bago siya mabawian ng buhay," pagpapatuloy niya.

Napalunok ako. "What do you mean?"

May inabot siya sa akin na mga regalo. "Hiniling niyang ibigay ko sa iyo 'yan. Kahit man lang daw sa mga regalo na 'yan. Maalala mo siya."

"This is not what I want, Miko," sabi ko. "I want her back."

"I'm sorry, pare. Gusto ko rin na bumalik siya, pero kahit baliktarin natin ang mundo, hindi na natin siya maibabalik pa." Tinapik niya ang balikat ko senyales na aalis na siya. Tanging tango lang ang iginawad ko sa kaniya.

Napatingin naman ako sa lapida na nasa harapan ko. Lumuhod ako. Nilabas ko ang panyo ko at ipinunas ko sa lapida niya.

"Nasa huli nga talaga ang pagsisisi, 'no?" Mapait akong napangiti. Kasabay noon ang pagbagsak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry, Hazel. I'm so sorry. Kung alam ko lang, I wouldn't waste any time just to spend those last days with you. I know, it's late. But I really hope you'll forgive me."

Kung pinansin ko sana siya. Kahit man lang sa isang linggo niyang pamamalagi sa mundo, naging masaya sana siya. If I wasn't an asshole, I shouldn't be having this regret right now.

WOUNDS OF YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon