THE TRUST

4 2 0
                                    

THE TRUST


Dalawang linggo na lang at magpapasukan na ulit. Kasabay ko ang best friend kong si Maria na magpapa-enroll sa university kung saan kami mag-aaral. Sa wakas, papasukin na namin ang buhay bilang isang college student.

Hindi man naging madali ang buhay sa high school, pero naging masaya naman kasama ang mga kaklase namin. Aware naman akong pagdating sa college ay posibleng hindi na ganoon, marami nang mababago. Maraming pagsubok, pero sigurado naman na kakayanin para sa pangarap.

"Pumila ka na muna. Mag-CR lang ako," paalam sa akin ni Maria.

"Sige, bilisan mo ha!" Medyo malayo pa naman ang pila namin, kaso mahirap na. Dahil baka isipin ng ibang estudyante ay nagpapasingit ako.

Iyong mga takbo pa naman ng isipan ng mga kabataan ngayon, kakaiba. Tamang akala.

Nang makabalik si Maria, mabuti na lang at wala namang sinabi ang mga nasa likod namin. Mabilis lang din ang naging proseso nang makalapit kami sa nag-a-assist.

❤️‍🩹

"Diyan sa harapan ng university, mayroon daw. Try natin baka may bakante pa sila," saad ni Maria.

Tumango lang ako, at sumunod na sa kaniya. Naisipan namin magboarding na lang. Malayo pa kasi kung mag-uuwian pa kami.

"Magandang umaga po, may available pa po ba? Dalawang tao po," bungad ko sa nagbabantay ng paupahan.

"Sakto, mayroon pa sa baba. Isang kuwarto, pero dalawa na 'yong kama," sagot nito sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Maria. "Okay na ba sa iyo 'yon?" Tanong ko.

Tumango lang siya. Hindi na rin ako umarte pa, kasi mura naman ang offer at babae lang lahat ang umuupa sa bahay. Maganda na rin kasi malapit lang sa university na papasukan namin, as in tatawid ka lang talaga.

Nang matapos kami, minabuti naming dalawa ni Maria na kumain muna. Naabutan na rin kasi kami ng tanghalian.

"Saglit lang bes, ha. May sunduin lang ako sa labas," imporma ko kay Maria.

"Sige lang bes." Ngiti naman niya sa akin.

Saktong kaka-serve lang din ng orders namin nang pumasok kaming dalawa ng boyfriend ko.

"Maria, si Jeff nga pala. Boyfriend ko," pagpapakilala ko kay Maria. Halatang nagulat siya, kasi hindi ko naman nasasabi sa kaniya. Binalingan ko naman ang boyfriend ko. "Jeff, si Maria. Best friend ko."

Nagkamayan naman silang dalawa, at sabay kaming tatlo na kumain.

❤️‍🩹

Limang buwan na rin nang magsimula ang pasukan namin. Minsang bumibisita si Jeff sa boarding house kung saan kami tumutuloy, dinadalahan ako ng pagkain kapag hindi kami nakakapagluto.

Malapit lang kasi siya sa university kung saan kami nag-aaral, pero sa ibang university siya pumapasok.

"Dito muna kayo ha, may bilhin lang ako sa labas," paalam ko kay Jeff at Maria.

Kailangan ko kasing bumili ng folder para sa isang activity na gagawin sa isang major subject namin. Akala ko kasi may nakatago pa ako, wala na pala.

"Gusto mo ba samahan pa kita, love?" Tanong pa ni Jeff.

Natawa na lang ako at umiling. "Kaya ko na."

Ano ako? Bata? At kailangan pang samahan niya.

Sa may labas lang naman ng boarding house ako bibili. Hindi ko naman kailangan na pumunta pa ng bayan.

Bumalik na rin kaagad ako matapos akong makabili, dumaan na rin ako sa bilihin ng ice cream. Ramdam ko kasi ang init ng panahon ngayon.

Pagpasok ko sa loob ng boarding house. Wala akong nadatnan na Jeff at Maria. Sa may sala ko lang naman sila iniwan na dalawa.

Saan kaya nagpunta ang dalawa?

Habang naglalakad ako papunta ng kusina para sana ilagay muna sa ref ang binili kong ice cream, hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng kakaibang ingay.

Habang lumalapit ako, mas lumalakas ang ingay. Hindi na ako nagdalawang-isip at binuksan ko na kaagad ang pinto ng kuwarto naming dalawa ni Maria.

Nabitawan ko ang dala kong ice cream, at napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa gulat. Hindi na pala nila kailangan ng ice cream, kasi nagpapainit na silang dalawa.

"A-anong ibig sabihin nito?!" Halos hindi ko marinig ang sarili ko nang bitawan ko 'yon. Sobrang panghihina ng katawan ang nararamdaman ko.

"K-kelsy," mahinang sabi ni Jeff, nagawa pa niyang maitulak si Maria. Na hindi na rin magawang makatingin sa akin. "Ipapaliwanag ko, love."

Kung hindi ko lang siguro nahulog 'yong ice cream, baka naibato ko na sa kaniya.

"Hindi naman kailangan, Jeff. Malinaw naman na sa akin lahat," matigas kong sabi, at iniwan silang dalawa.

Naging kampante ako na hindi ako magagawang lokohin ni Jeff dahil alam kong mahal niya ako. Gayon din kay Maria na best friend ko, nakataya ang tiwala ko sa kaniya. Alam kong hindi niya ako bibiguin, pero nagkamali ako.

They both betrayed me. They ruined the trust I gave them. 

WOUNDS OF YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon