THE ONE
I and Paco have been together for so long already. It's a long-distance relationship. Ngunit kahit ganoon ay nasa point na ako ng buhay na siya na iyong nakikita kong makakasama ko habang buhay. Sa madaling salita, tapos na ako sa proseso na kumilala ng iba.
He's the only person I want to spend the rest of my life with—the father of our children and my husband.
Excited ako ngayong araw dahil magkikita kaming dalawa sa isang restaurant malapit sa lugar namin. Pagkauwi ko kasi kahapon galing Canada, dumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko. This is the first time that I will see him again.
I have a feeling that this will be good and something that will make our days both special.
Ako na ang nagdrive papunta sa Star Monica Hotel and Restaurant, kung saan kami magkikita. Nang makarating ako marami na ring tao, pero hindi naman ako nahirapan na hanapin siya.
Nakatalikod pa siya sa akin, kaya hindi pa niya ako nakikita. Napangiti na lang ako at naglakad na papalapit sa kaniya.
"Paco!" pagtawag ko sa kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil nakuha ko kaagad ang atensyon niya.
Kumaway siya sa akin. "Ira!" bati niya rin.
Mabilis akong lumapit at hindi napigilan ang sariling yakapin siya. Ramdam kong natigilan siya. "Namiss kita," saad ko.
Humiwalay siya sa yakap, at hindi mawari kung anong magiging reaksyon sa sinabi ko.
"Mahal... nakabalik na ako," sabi ko, na parang pinaparealize sa kaniya na totoong nasa harapan na niya ako.
Nagkasalubong ang kilay niya. "Anong mahal, Ira? Ano bang inaasahan mo?" Tanong ni Paco. "Alam kong nakarating ka na kahapon, nalaman ko sa kaibigan mo. Nangako ako sa sarili ko na pagbalik mo, kakausapin kita. Alam kong hindi maayos iyong huli nating pag-uusap bago ka umalis. I'm sorry, sana maging okay na rin tayo."
Hindi ko nagawang makasagot nang makita ko siyang nilapitan ng isang babae. Malawak ang pagkakangiti nito.
"Finally, you're here," malinaw kong narinig na sabi ni Paco, ramdam ang kasiyahan sa boses nito.
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang bouquet of roses na inabot ni Paco sa babae. Napansin ko na 'yon kanina nang makarating ako, inakala kong sa akin niya ibibigay.
Malugod itong tinanggap ng babae, tumingkayad pa at hinalikan sa pisngi si Paco.
Napataas ang kilay ko roon. "Thanks, babe," sabi pa ng babae.
Babe, huh?
Napatakip ako sa aking bibig nang makitang lumuhod si Paco sa harapan ng babae. "You're the only person I want to spend the rest of my life with, Kaia," emosyonal na sabi ni Paco. "Will you marry me, babe?"
Ngiting ngiti ang babae. "Y-yes, babe! Yes! I will marry you."
Kasabay nang pagsuot ng singsing ni Paco sa kamay ni Kaia ay ang pagbagsak ng luha sa aking mata.
Gustong gusto kong tawanan ang sarili ko. Nakakahiya! Iyong inaakala kong kasintahan ko pa, harap-harapan na nagpropose sa bago niyang kasintahan.
Simula noong nasa ibang bansa ko pa pala niloloko ang sarili ko.
"Huwag ka nang umalis, mahal," pakiusap ni Paco. "Tutulungan kita, hindi mo kailangan na magtrabaho doon."
Gustuhin ko man, ngunit hindi puwede. Hindi ko lang naman sarili ko ang binubuhay ko pati ang pamilya ko.
Umiling ako. "Buo na iyong desisyon ko."
Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha niya. "Sa pag-abante ng iyong dalawang paa palayo sa akin, huwag ka nang umasa na may babalikan ka pa."
Kung paanong buo pala ang desisyon ko nang umalis ako, ganoon din pala ang desisyon ni Paco.
Umalis ako para magtrabaho para sa pamilya ko. Kapalit pala no'n ay ang talikuran ako ni Paco, ang kaisa-isang lalaki na hinangad kong makasama habang buhay.
I was wrong when I thought I was still the one the moment I came back. On my return, I was just a nobody because he had just found Kaia, the one he wanted to spend the rest of his life with.