SELFISH LOVE
"M-mahal, pakiusap huwag mo akong iwan." Kanina pa nakaluhod si Dereck, nagmamakaawa.
Gustuhin ko man, pero buo na ang desisyon ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay. Ayaw kong maiwan siya, dahil mas masakit 'yon para sa kaniya.
"D-Dereck, I'm sorry."
Nakita kong pinahid niya ang kaniyang luha. "Ganoon ba kadali 'yon para sa iyo? Ilang taon na tayo! Tapos iiwan mo ako sa hindi malamang dahilan."
"Dahil ba sa gagong 'to, ha?!" Nagulat ako dahil pagkatingin ko nakahiga na si Terrence.
Kaagad ko naman silang nilapitan. Hinawakan ko si Dereck, hinila ko siya palayo kay Terrence. "T-tama na," naiiyak kong sabi.
Hinarap naman niya ako. "Dahil ba sa kaniya?" Sigaw ni Dereck.
Taas noo ko siyang tiningnan. Masakit para sa akin, pero kapag dumating ang panahon. Ayaw kong magdusa siya. Kahit ako na lang ang mahirapan, 'wag lang ang lalaking pinakamamahal ko.
"Oo..."
❤️🩹
Ilang taon na ang nakalipas at isang milagro ang nangyari. Hindi ko inaasahan na mabubuhay pa ako sa sakit kong brain cancer.
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Terrence. Siya ang kasama ko sa ilang taon kong pamamalagi rito sa America. Lahat nang kailangan ko siya ang nagbigay.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Yes!" Ngayon ang uwi namin ng Pilipinas. Sobra ko nang namimiss ang pamilya ko, at siya.
"Thank you, Terrence."
"For what?" Tanong naman niya.
"Sa lahat. Ang tagal na nating magkasama. Hindi ko pa nasabi iyon sa iyo. Salamat, kasi hindi mo ako iniwan."
Ngumiti siya sa akin. "Maliit na bagay, Lara!"
"Gusto mo bang kumain muna tayo?"
"Sige," tipid kong tugon.
Pagkarating namin sa mall. Inalalayan ako ni Terrence, at nagpasalamat ako. Tanging ngiti lang ang itinugon niya.
Pinili namin na kumain sa Jollibee. Ito ang paborito kong kainan noong bata pa ako, na hanggang ngayon dala ko pa rin. Papasok na sana kami nang may mabangga akong bata.
Kaagad ko naman itong dinaluhan. "Are you okay?"
"Yes po. Sorry po, hindi ko po ikaw nakita."
Ginulo ko naman ang buhok niya at ngumiti sa kaniya. "Okay lang. Nawawala ka ba? Where are your parents?"
"Tinatakbuhan ko lang po kapatid—ayan na po siya."
Lumapit ang babae at hinawakan ang kamay ng bata. "Denver, let's go!" Masungit nitong sabi sa kapatid.
Bumaling sa akin si Denver. "Bye bye po."
"Denver, Daniella. Let's go! Mommy is waiting for us."
Napatingin naman ako sa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Familiar kasi sa akin.
Nagtama ang mata naming dalawa, ngunit siya ang unang umiwas. Iginaya niya palabas ang mga anak niya, kasama ang babaeng mahal niya, na naghihintay sa kanila sa labas.
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ang ngumiti siya sa akin at daluhan ako? Sabihing mahal niya pa rin ako, pagkatapos ko siyang ipagtabuyan at saktan? Isang malaking milagro kung mangyayari 'yon.
Kung hindi ba ako naging selfish at sinabi ko ba sa kaniya? Magkasama pa ba kami ngayon? Ako pa rin ba ang mahal niya? Titingnan pa rin ba niya ako, kung paano niya ako tingnan noon? Posible kaya 'yon?
Hindi pala lahat ng umaalis, na kapag ginusto mo nang bumalik ay may babalikan ka pa.
BINABASA MO ANG
WOUNDS OF YESTERDAY
Historia CortaCOMPLETED This book is a collection of sad stories.