A/N: Hi, pakinggan ninyo iyong kanta ni Kate Perry na Unconditionally habang binabasa ninyo ito. Iba iyong feeling! Nasa taas iyong video. Hehe! And, of course, this one-shot story is dedicated sa mga tao na hindi pa dumadating sa buhay nila iyong tao na nakalaan para sa kanila. Please be patient. Trust God, and I know darating din. Matagal man, pero sure ako na magiging worth it ang paghihintay ninyo. You don't have to beg for love, because that person meant for you can give you his or her unconditional love. :)
HIS UNCONDITIONAL LOVE
"Tao po," pagtawag ko. Nag-doorbell na rin ako. Nandito kasi ako ngayon sa harap ng bahay nila Christian. Hindi ko alam kung nandito na siya. Ang huli kasi naming pag-uusap ay noong isang araw pa.
"Christian, may sasabihin ako."
Ngayon ko balak sabihin sa kaniya na may sakit ako sa puso at kailangan nang mag-undergo ng operation. Naka-schedule na ang operation. Base kasi sa doctor na nakausap namin, may donor na raw. Matagal ko na itong itinatago sa kaniya, nakaka-konsensya kasi kaya gusto ko nang sabihin. Ayaw kong maglihim sa kaniya dahil mahal ko siya, pero ayaw ko rin na mag-alala pa siya. Nagtatalo ang aking isipan, pero napagdesisyunan ko nang sabihin. Dahil una pa lang naman may karapatan na siya.
"What is it, bub?"
Handa na akong sumagot, pero sakto naman na tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ang tumawag.
"Why? Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko kay Christian pagkabalik niya. Nakasimangot kasi siya.
"Kailangan ko na kasing umalis, eh. May lakad kasi sila mommy. Nagpapasama sila sa akin, bub."
"Saglit lang ba?"
"I'm not sure, bub. Okay lang ba?"
Tumango ako. "Oo naman."
"Thank you." Lumapit siya at niyakap ako. "Before I go. Ano pala 'yong dapat na sasabihin mo?"
Natigilan ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba o hindi pa. Bigla na naman kasing nagbago ang isip ko. "A-ah... hindi naman importante iyon, bub. Next time na lang siguro."
"Are you sure?"
Tumango lang ako.
"Okay, take care. I love you," sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo.
Napangiti na lang ako. "Ikaw din. Magtext ka, ha. I love you too."
"Hope! Ikaw pala." Nabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa harap ko. Isa sa katulong nila Christian.
"Nandito na po ba si Christian?" Tanong ko.
"Wala pa sila. Ano ba 'yon? Tara, pasok ka muna," pag-aya pa ni ate.
Bagsak ang balikat ko. Mukhang hindi na naman ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap si Christian.
Umiling na lang ako. Hindi kasi ako puwedeng magtagal. Saglit lang ang ipinaalam ko kay mama. "Ah, hindi na po."
"Sigurado ka?"
"Opo, paki-tawagan na lang po ako kapag nandito na sila."
"Oh, sige. Walang problema. Mag-ingat ka!" Ngumiti pa siya sa akin.
❤️🩹
"Mama, wala pa rin bang balita kay Christian? Sasalang na po ako, oh. Kahit sana makausap ko lang siya. Baka po ka—"