ILLEGAL WIFE
Matagal na kaming magkakilala ni Noah at matagal ko na rin siyang gusto. Simula pa lang mga bata kami, kaso hindi naman niya ako napapansin. Hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na magtagpo ang landas namin, dahil madalang lang naman akong lumabas ng bahay.
Tuwing nagkakaroon kasi ako ng pagkakataon na lumabas ng bahay, ako pa ay nabubully ng iba. Aminado naman akong hindi ako kagandahan, na siyang matitipuan ng kahit sino man.
Pero, tao naman ako. Deserve ko rin ng respeto. Kaya minsan, kahit gustuhin kong lumabas pinipigilan ko na lang ang sarili ko. Nananatili na lang ako sa bahay.
Kahit pa ngayon na tumanda na ako. Mabuti na lang may mga company na work from home.
"Bessywaps!" Narinig kong tawag ng kaisa-isang kaibigan ko mula sa labas ng bahay namin.
Agaran naman akong lumabas. "Ano ba 'yon?" Halata kasing aligaga siya.
"Buksan mo muna kaya! Bilisan mo!" Akala mo talaga may naghahabol sa kaniya, hindi ko rin tuloy maiwasang kabahan sa kaniya.
Nang tuluyan na siyang makapasok, pinaupo pa niya ako.
"Huwag kang iiyak ha," sabi niya, dahilan para mangunot ang noo ko.
Pinakita niya sa akin ang isang post. Naglalaman ng picture ni Noah at ng isang babae, na base sa picture ay kakakasal lang nila.
Malinaw sa akin na asawa niya 'yon.
"Sabi kong huwag kang iiyak!" sita sa akin ni Ava.
Natatawa naman akong nagpahid ng luha. "Ikaw kasi," paninisi ko pa sa kaniya.
Napabuntong hininga siyang lumapit sa akin. "Alam mo gano'n talaga ang buhay bessywaps! Hindi laging nakikiayon sa atin. Kaya ngayon, kailangan mong tanggapin ang katotohanan... Kasal na si Noah."
❤️🩹
Tulad nga nang sabi kong work from home ako sa isang kompanya, kaya naisipan kong magpakalayo-layo muna.
Kailangan ko lang sigurong magpahangin, at matatanggap ko rin.
Kasalukuyan akong papunta sa tutuluyan kong hotel, abala ako sa pagchecheck ng Google Maps ko kung malapit na ba ako, o kung tama ba ang pinupuntahan ko.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakarinig ako ng malakas na pagkabangga ng isang sasakyan. Ayaw ko man sanang mangialam, kaso may nagtutulak sa akin na tingnan 'yon. Pinigilan pa nga ako ni Manong Driver, pero hindi ko na siya pinansin.
Lumabas ako ng sasakyan, at nagpunta kung saan ko narinig iyong ingay.
Malayo pa lang napatakip na ako sa aking bibig, malinaw sa aking mata kung kaninong sasakyan 'yon.
It was Noah's car.
Halos lahat yata ng tungkol sa kaniya, at mga gamit niya. Alam ko...
Mas napatunayan ko 'yon nang makalapit ako, at makita siya sa loob ng sasakyan. Walang malay, puro duguan.
"Tulong!" Sigaw ko. "Kailangan natin siyang dalhin sa hospital."
❤️🩹
Ang plano kong isang linggo ay naging isang buwan.
Isang buwan na simula nang maaksidente si Noah, at hindi pa rin siya nagigising.
Abala akong kausap ang client ko nang mapatingin ako sa kaniya, at gumalaw ang isang daliri niya.
Kaagad akong napatayo at tinawag ang doctor niya.
Nang makabalik ako ay nakabuka na ang kaniyang mata. "W-where am i?" hirap niyang tanong. "W-who are you?" dagdag pa niya.
Hindi pa man nakakapasok ang doctor niya, nagawa ko na siyang sagutin. "I am your wife."
"W-what?!" Tila hindi niya makapaniwala na sabi.
Kahit na rin ako, hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. Ngunit, ang tagal ko nang pinangarap na mapansin niya, at ito lang nakikita kong pagkakataon na matupad iyon sa sarili ko.
Mukhang nakikiayon pa ang tadhana sa akin dahil sabi ng doctor niya, may amnesia raw siya.
Noong una, naiintindihan kong hindi niya matanggap. Hanggang sa ipinaliwanag ko sa kaniya, kasama na rin doon ang sagutin ang mga tanong niya. Unti-unting naintindihan din niya, at masasabi kong gumaan ang pakikitungo niya sa akin.
"Ma, tawagin mo na lang ako kakain na tayo ha," sabi niya sa akin. "Maglalaro lang ako diyan sa tapat."
Ngumiti ako at tumango. "Sige, hal. Halika lagyan ko muna ng towel 'yang likod mo."
Lumapit naman siya sa akin, at tumalikod. "Thank you, ma," nakangiting sabi niya sa akin. Hinagkan pa niya ako sa pisngi, bago siya tuluyan na lumabas.
Napangiti na lang ako. Sana magtuloy tuloy na.
❤️🩹
Naging kampante ako sa pag-aakalang 'yon na ang magandang simula namin. Pero, hindi pala.
"You are a liar!" sigaw niya sa akin, nang makapasok siya. Nagpaalam kasi siya sa akin na magbabasketball siya malapit lang sa transient na tinutuluyan namin.
Kumunot ang noo ko. "What are you talking about, Noah?"
Pagak siyang natawa. "I remember everything now! You are not my wife. You are a liar! You take advantage of my situation!" galit niyang sigaw sa akin.
"L-let me explain," habol ko pa sa kaniya. Kaso itinulak lang niya ako, dahilan para mawalan ako ng balanse.
Tuluyan siyang nakaalis, at naiwan akong mag-isa. Gusto kong tawanan ang sarili ko sa ginawa kong 'yon. Sa sobrang kagustuhan kong mapansin niya ako, maging akin siya. Kinailangan kong ibaba ang sarili ko para sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na sa pagkagusto ko sa kaniya, kahit alam kong mali ay ginusto ko pa ring maging illegal wife niya.