OUR DESTINY
"Good morning, mahal." I smiled and put the tray on the bed.
"Morning, mahal," tugon niya at kumagat sa pancake. "Thank you."
Umupo ako sa gilid niya. "How are you feeling?"
He's been here in the hospital for like one week already. He got into an accident, and until now I still don't have any idea of what really happened.
"I'm fine, mahal."
Ngumiti ako. "That's good!" Masigla kong sabi. "May pupuntahan lang ako, just call me when you need something."
"Sure, mahal."
Hinagkan ko siya sa pisngi, bago tinungo ang palabas ng hospital. I will be meeting the investigator I hired to find out what really happened.
"What did you get?" I asked.
Inabot niya sa akin ang isang folder. Hindi ako nagdalawang isip na buksan 'yon. Natigilan ako sa nakita, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Kaya ba hindi niya ako napuntahan sa monthsary namin?
"May Flashdrive na rin diyan ma'am, laman ay kopya ng CCTV footage," imporma sa akin ng inutusan kong investigator.
Pinahid ko ang luha ko, bago tipid na ngumiti. "Salamat."
Bago ko tinungo ang pabalik ng hospital, pinanood ko muna ang laman ng Flash Drive at hindi ako nagkamali. Mas nilinaw lang no'n ang ebidensya.
❤️🩹
Paghawak ko pa lang sa hamba ng pinto, halos matigilan ako dahil sa narinig kong nagtatawanan. Nang tuluyan kong mabuksan, doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa.
Dez and Tine.
"P-pat," Si Dez, nag-alala ang tingin.
"I just came to see him," depensa naman kaagad ni Tine.
Hindi ko pinansin si Tine. "Y-you know what, Dez? I did everything for you," hindi ko napigilan ang sariling isumbat 'yon sa kaniya. "But I guess it's not enough for me to have for the rest of my life."
"M-mahal..."
Mahal? Hindi mo nga magawang tumawa kapag kasama ako.
Tumalikod na ako. "M-maybe... you are really for Tine, not me. After all, before I had you, she had you."
I took the risk, but still, not enough.
And, I guess, that is our destiny.