LOVE IS BLIND

38 4 1
                                    

LOVE IS BLIND


"Hoy!"

Malinaw iyon sa pandinig ko, pero hindi ko nilingon. Malay ko ba kung ako iyong tinatawag o hindi. Mahirap mag-assume, 'no!

"Hoy!"

Sino ba kasi 'tong hino-hoy nito? At hindi na siya pansinin para tumigil na.

"Althea! Feeling ganda ka, 'no?" Ramdam ko ang sarkasmo sa boses niya. Kaya naman napalingon na ako.

"Maka-hoy ka naman kasi, 'di ba? May pangalan ang tao!" Asik ko sa kaniya.

"Pagbuksan mo ako," utos niya.

Mang-iistorbo na nga, sasabayan pa niya ng pangbibwesit sa akin.

"Abutin mo na lang. Kita mong busy ako, eh."

"Wow, ha! Bakasyon na bakasyon, busy ka," puna pa niya. Tumayo na lang ako at pinagbuksan siya ng gate baka kasi manggulo pa. Imbes na matapos ko na kaagad iyong ginagawa ko, matagalan pa.

"Oh, ayan na madam! Pasok na po," sarkastiko na sabi ko. Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kaniya.

Ang sakit, ha!

"Ako na nga ang bibisita sa iyo, ganyan ka pa. Ikaw nga mukhang wala kang balak na dumalaw man lang sa akin." May himig ng pagtatampo na sabi niya.

"Sus! Nagtatampo ang kaibigan ko," pang-aasar ko sa kaniya.

Inirapan naman niya ako. "Tigilan mo ako, Althea." Nauna na siyang naglakad at naupo sa tabi ng puwesto ko. Nasa may terrace kasi ako ng bahay namin. May tinatapos akong gawin, dahil kailangan ko mamaya bago ako umalis. "Ano ba 'yang ginagawa mo?" Pag-usisa niya.

"Para sa boyfriend ko," hindi nagdadalawang-isip kong tugon.

Napatayo naman siya, na siyang ikinagulat ko. Ang OA niya! "Ano?!" Sigaw niya. Aligaga ko naman siyang pinaupo, at baka marinig pa kami ng ibang tao dahil sa sobrang ingay niya.

"Huwag kang maingay," pabulong kong suway sa kaniya.

"Sino at bakit hindi ko alam 'yan?!" Kulang na lang ay malukot ang mukha niya.

"S-Si Francis."

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"Iyong boyfriend ni Angel?" Hindi makapaniwala na tanong niya. "Huwag mong sabihin na kabit ka."

Pinitik ko ang noo niya. "Gaga! Wala na sila."

Umarko na naman ang kaliwang kilay niya. "At naniwala ka naman?"

"Oo mahal ko, eh."

Umiling-iling naman siya, disappointed. "Malala ka na."

Nagkibit-balikat lang ako at hindi ko na siya pinansin pa. Tinuloy ko na lang iyong ginagawa ko.

"Tara na, kung sasama ka. Kung maiiwan ka, mag-isa mo lang dito," sabi ko kay Ria.

"Malamang sasama ako." Minsan talaga, gugustuhin ko na lang takpan ng tape ang bunganga nitong kaibigan kong 'to! Ang daldal, eh. "Wala naman akong choice, eh."

Bakit ginusto ko ba na pumunta siya rito? Siya kaya ang nakaisip!

"'Yon naman pala, eh... Oh," abot ko sa kaniya ng susi.

Tinaasan ako ng kilay. "Anong gagawin ko rito?" Sabay taas niya ng susi.

"Try mo kainin," pilosopong sagot ko. "Malamang ikaw ang mag-drive."

"Ang galing, ha!" Reklamo pa niya pero iniwan ko na siya. Nauna na akong naglakad papunta ng sasakyan. Gagawin din naman niya. Magrereklamo pa siya!

❤️‍🩹

"Oh, nasaan na 'yang sinasabi mong boyfriend mo?"

"Sandali lang, ha. Parang mas excited ka pa sa akin, eh," sagot ko. Kararating lang kasi namin na dalawa sa meeting place na napag-usapan namin ni Francis.

Tumingin-tingin naman ako sa gilid baka kasi nandito na siya. Sinubukan ko na rin tawagan pero hindi niya sinasagot ang kaniyang cellphone.

"Ayon, oh!" Turo ni Ria. Kaya naman kaagad akong napatingin doon, at tama nga siya dahil si Francis 'yon.

"Tara na!" Masiglang aya ko. Kaso nagtataka kong tiningnan si Ria nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Bakit?" Sabi ko pa, pero nanatili itong nakatingin sa tinuro niya kanina.

Sa puwesto kung nasaan si Francis.

"Hoy! Tara na baka naghihintay na 'yon."

Hindi pa rin nawawala ang tingin niya roon. "May kasama siya... Si Angel."

"Nakita ko naman," sagot ko. Gulat siyang tumingin sa akin. "Seryoso ka ba? Si Angel 'yon girlfriend niya."

Natawa naman ako. Bakit ba niya pinagpipilitan? Eh, wala na nga sila, matagal na. "Ex-girlfriend," pagtatama ko.

"Kung ex? Bakit magkasama sila?" Tanong pa niya. Halatang naguguluhan siya, pero wala namang dahilan para maguluhan siya.

"Magkaibigan," simpleng sagot ko.

Hindi siya makapaniwala na nakatingin sa akin. Kung hindi lang siguro niya ako kaibigan, baka kanina pa niya ako nasapak. "Nagpapatawa ka ba?" Litaw ang inis sa boses niya.

"Mukha ba?" Tanong ko. "Tara na, kung sasama ka pa," aya ko sa kaniya, medyo iritado na.

Ang dami niyang napapansin. Simula noong nasabi ko ang tungkol kay Francis.

"Alam mo... ngayon ko napatunayan ang katagang love is blind ay totoo. Sabihin mo bakit," utos niya.

"Bakit?" Pagsunod ko naman.

"Hindi naman siguro malabo ang mata mo, 'no?" Pati mata ko, nadamay pa. "Para hindi mo makita." Kumunot ang noo ko, dahil hindi ko makuha ang gusto niyang iparating sa akin. "Dalawang mata mo na ang nakakasaksi. Nagbubulag-bulagan ka pa." Doon ako natigilan, lalo pa nang marinig ko ang sumunod pa niyang sinabi. Parang bang pinaparating niyang gumising ako sa aking kabaliwan. "Masyado kang nabulag sa pag-ibig, sa paniniwala na totoong mahal ka rin ni Francis. Kahit naman ang totoo ay hindi. Kaya pati tuloy ang sarili mo, hindi mo mabigyan ng halaga dahil binigay mo sa ibang tao ang pagpapahalaga na dapat ay para sa sarili mo."

WOUNDS OF YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon