A/N: Magandang gabi! We are still in a pandemic, na kahit sabihin natin na medyo maluwag na. Nakakalabas na tayo anytime we want. We can go anywhere we want. But, of course, kailangan na mag-ingat pa rin.
Also, this is for people who are shy or who don't have enough courage to say to that certain person their real feelings. In our situation that we are facing up until now, we aren't sure what's going to happen. It is not in our control. So, before it's going to be too late for you, tell him or her now. :)
COVID-19
Huminga ako ng malalim. Eto na ang pinakahihintay ko! Bumukas ang pinto ng simbahan kasabay ang pagtugtog ng aming love song.
They see me out of my friend
I've something to say that's from within
It's our last memory
Try to think back I'll help you see
All of those nights we shared
All of those days you are there
Malayo pa lang ako, kitang-kita ko na 'yong lalaking gusto kong makasama habang buhay.
I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday we might just find a way
And we can love forevermore
Kita ko kung paano niya pinunasan ang kaniyang luha.
If I could turn back time
I would have never let you go
And you would still be mine
But here I am crying all alone
All of the love we shared
All of time you are these
Nang tuluyan akong makalapit kanila mama at papa. Sinalubong nila ako pareho nang mahigpit na yakap at matamis na halik. Tsaka ako hinawakan sa magkabilang braso.
I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday we might just find a way
And we can love forevermore 🎶
Pagkalapit namin sa harap, kung saan sinalubong kami ni Jasper. Nagmano naman si Jasper kanila papa at mama.
"Jasper, ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang anak ko. Alagaan mo siya," paalala ni papa.
Tumango naman si Jasper. "Makakaasa po kayo, papa."
Niyakap ko naman sila mama at papa, bago ako iginaya ni Jasper sa harap ni Father.
"Dearly beloved, we are gathered here today to join this man and woman in holy matrimony," panimula ni Father.
"Jasper Juan, do you take Daphne Ly to be your wife, to live together in holy matrimony, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
Tumingin sa akin si Jasper. "I do, father."
Bumaling naman sa akin father. "Daphne Ly, do you take Jasper Juan to be your husband, to live together in holy matrimony, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
"I do, father."
May lumapit naman sa amin para i-abot ang wedding rings.
Hinawakan ni Jasper ang kaliwang kamay ko. "I give you this ring as a token and pledge of our constant faith and abiding love." Pagkatapos na sabihin iyon ni Jasper, dahan-dahan niyang isinuot ang singsing.
Kinuha ko naman 'yong isang pares ng singsing. Nakangiti akong tumingin kay Jasper at hinawakan ang kamay niya. "I give you this ring as a token and pledge of our constant faith and abiding love." Hindi ko na pinatagal pa at isinuot ko na sa daliri niya ang singsing.
"Please hold each other's hands," sabi ni Father. Kaya naman naghawak kamay kaming dalawa.
"By the virtue of the authority vested in me, I now pronounce you husband and wife."
Matapos sabihin iyon ni Father ay ang palakpakan naman ng mga tao.
Tumingin si Father kay Jasper. "You may now kiss you—"
❤️🩹
Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa mukha ko.
"A-anak! Anak! Gising!"
Napabalikwas naman ako. Napahawak ako sa pisngi ko, umiiyak na naman pala ako.
"Napanaginipan mo na naman ba siya?" Nag-aalala na tanong ni mama.
Nanghihina akong tumango. Mabilis naman akong niyakap ni mama. Malaking pasasalamat ko, kasi iyon talaga ang kailangan ko tuwing nanghihina ako.
Nang humiwalay si mama. Kinuha ko naman ang litrato namin ni Jasper na nasa side table.
"I-isang taon na pala mama, 'no?" Mapait akong napangiti. Tuwing napapanaginipan ko si Jasper ay talagang mabigat pa rin sa akin ang lahat. Hindi pa rin kayang tanggapin ng sistema ko ang nangyari. "Isang taon na pala sana kaming kasal. Kung hindi siya namatay. Kung hindi lang siya nagka-covid."