Chapter 9

694 31 2
                                        

Nakalipas ng ilang oras ay natapos rin ako sa mga ginagawa ko hanggang sa tinawag ako ni direk.

“Laucho maghanda ka na may bed scene na tayong gagawin” nakita ko naman si Brianna mukhang ready na talaga siya sa bed scene namin.

She's wearing a tight dress, I am not liking this.

Pinagnananaasan ako ng babaeng to eh “Sige na kiddo” tumayo naman ako at nagbihis saka tinulongan ako ng mga staffs ko. From make up, clothes, shoes and all.

Ready na ang lahat nasa cabin kami ngayon dito kasi gaganapin ang bed scene. Nakahiga na mismo sa kama si Brianna tinawag ako ni Direk nang magsisimula na ang shoot may napansin akong babae sa bintana naglalakad siya sobrang basa niya lumingon ito sakin saka natumba.

Fuck.

“Cut!” sigaw ko.

“Where are you going Laucho? We are getting started” lumabas naman ako sa cabin. Tumakbo ako at lumuhod nawalan siya ng malay. Binuhat ko naman siya.

“Laucho!” hindi ako nakinig sa kanila.

“Nasan ang clinic dito?” sigaw ko sa mga tao na nagtitinginan. Nakita ko naman sila direk nagulat rin sila sa nangyari kay Chanel.

“Hey?”

“Dito Nic!” tinawag ako agad ni manager. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa clinic.

“Hang on Chanel. I'm here” sambit ko at agad ko siyang pinahiga sa kama. Agad ring ginawa yung nurse ang trabaho niya, lumapit naman yung iba kong kasamahan sakin.

“What happened to her?”

“I-I don't know I just saw her uhm and uhm” my friend tapped my shoulder.

“Calm down Nic she's gonna ba okay”

Nakaupo lang ako habang binabantayan ko si Chanel na nakahiga hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising. The nurse said she was unconscious. Ang hindi lang namin alam bakit may mga pasa siya dumudugo rin ang ulo nito kanina. Sana magiging okay siya.

Bumukas naman ang pinto pumasok si Carter at Gab “Is she okay?”

“She's okay. The nurse said she's just unconscious” I replied.

“Why are you here?” dagdag ko pa lumapit naman si Gab sa higaan ni Chanel.

“I'm worried.” sabay nilang dalawa. Napahilamos naman ako sa mukha.

“Ayos lang siya kaya please lumabas na kayo” hindi sila sumunod. Nagmamatigas pa ang mga ito, parang hindi pa nila ako naririnig.

“Bodyguard mo lang siya Nic kaya wag ka ng magfeeling boyfriend diyan.” what the? Kwenilyohan ko naman si Carter at lumapit si Gab samin.

“Ang ingay niyo!” umayos naman kaming tatlo nang magising si Chanel. Bumulong naman si Carter sakin.

“I'll blame you if she scold me”

“What me?”

“Tumigil nga kayo! Kung mag aaway kayo lumabas kayo.” sabay hawak nito sa ulo niya habang nakatingin ito ng masama samin.

“Pero andito kami dahil nag aalala kami” sagot ni Carter.

“Labas!” sigaw niya samin. Sumunod na lang kaming tatlo. Kinalma ko naman ang sarili ko habang nag uusap kaming tatlo nakita ko naman si dad.

“What are you doing here?” tanong ko sa kanya. He tapped my shoulder before he enter the clinic nilock pa. Shit?

“Looks likesugar daddy niya daddy mo Nic” saad ni Brianna at tumatawa pa ito.

“You know kung walang matinong masabi ang bibig mo just leave” she smirked at me. And I don't care.

Umupo muna kami sa labas after 20 minutes lumabas si dad kasama si Chanel. Tumayo naman ako.

“Dapat nagpapahinga ka” saad ko pero umiiling ito sakin.

“Sobra na yung pahinga ko.” she stretched out for a while and faced my dad.

“Thanks sir. And now y'all don't have to worry I'm okay now” tiningnan naman ako ni Chanel at bigla niya akong hinila paalis sa clinic.

“Wait, walang hug or ki–” nagulat lang ako ng niyakap niya ako ng biglaan.  Fuck my heart stop beating stop sana di niya maramdaman. Kumalas naman siya sa yakap.

“Para kang bakla. Halika na gutom ako” I missed this. Aakmang hihilahin niya ako ako mismo ang humila sa kanya at niyakap siya gamit ang isang braso ko.

“I missed you” sambit ko habang nakapikit ang mga mata ko. And that's the time we hugged for several minutes sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang komportable ako sa kanya I feel so safe not because she can protect me but because my heart felt it. This feelings is unexplainable. Fuck! I don't wanna end this

Bumitaw naman ako at humiwalay sa yakap halos hindi siya makatingin ng deritso sa mga mata ko.

“Sorry. Tara kumain na tayo ng dinner” hinakawan ko ang kamay nito para kumain.

Dun kami kumain ni Chanel sa floating cottage ngayon ay nasa mga cabin na kami. Naalala ko ang mga tawanan namin. Bigla naman kaming tumahimik at naalala ko naman yung araw na nawala siya.

“So Chanel, I hope you don't mind if I ask..” nakatingin naman ito sakin habang sumubo ng pagkain.

“Nasan ka ba nung mga araw na yun?” lumayo ang tingin nito bago siya makasagot.

“May kinamusta lang ako, medyo natagalan akong kamustahin siya dahil sa sobrang miss namin yung isa't isa eh”

“You don't seem happy about it” matapos niyamg uminom ay padabog niyang nilapag ang baso sa mesa kaya nagulat ako.

“Nic, please stop asking questions about me, my life and everything. If you're curious about it don't force yourself. It scared you”

“But Chanel, nagiging close na kita. I'm worried what if that happens to you again? That bruises, it has a story behind them. That you can't tell”

“Fuck Nic stop!” natahimik ako bigla dahil sa pagsigaw nito.

“Sorry just don't ask me about those” dagdag niya.

“Sorry rin. So uhm let's continue our story about what happened to me this week” patuloy lang kaming nagkwentuhan. I don't want to ruin this day dahil lang sa mga katanungan sa utak ko. I hope one day masasabi niya rin sakin.

Lumipas ang isang buwan nakabalik rin kami sa Manila. Malapit na rin matapos tapos yung movie namin since hindi naman ako yung bida mamamatay rin naman ako sa movie na yun. Ako na mismo ang nagsabi kay Direk na si Gab ang bida at hindi ako ayokong si Brianna lagi ang makakahalik ko.

Nagpunta ako sa mall para bumili ng mga damit ko si Chanel naman naghihintay lang sakin sa labas ng penshoppe. May napansin akong lalaki na may dalang baril aakmang tutokan niya yung babae at pinigilan ko siya.

“Tumigil ka!” naitapon yung baril at nagsilabasan naman yung mga tao. Akala ko isa lang sila pero yung iba ay naka formal suit. Binangga ko sila pero nasipa nila ako nasuntok ko yung dalawa pero marami sila di ko sila kaya.

Nagulat ako ng may isang lalaki pa na lumapit sakin at nakasuot ng black hat “So you're Niccolo Laucho. Hmm I see” sinampal niya ako. Fuck bat di ko magawang maisigaw ang pangalan ni Chanel? Come on.

“Nasaan si Astria?” tanong nito sakin ng deritso.

“I don't know her!"pasigaw kong sagot sa kanya. Kwenilyohan naman niya ako.

“Ah hindi mo kilala. Osige ito nasan ang magaling mong bodyguard?” nagulat kami na may lalaking tumalsik sa gilid ko.

“Looking for me?”

My BodyguardWhere stories live. Discover now