Chapter 1 : FIRST DAY

1.5K 62 21
                                    

CHAPTER 1 : FIRST DAY       

RING!! RING!!!!

"Ang ingay naman". Ayoko pang bumangon. Napagod kasi ako kagabe sa sobrang pagtratrabaho. Ang sakit ng ulo ko. Feeling ko lalagnatin ako. Malas naman. 

 Mga ilang minuto pa bago ako bumangon .."WAH!!! LATE NA KO!!" Dali dali akong naligo at nag madali na akong Nabihis.

Hi!! ako nga pala si Charlene Song, " Cha Song na lang para mas maikli at cute ". Fourth year high school student sa St. louie academy. 

 Ten years ng patay ang mga parents ko dahil sa isang car accident. Simula  ng kunin na sila ni Sir na nasa itaas natuto na kong tumayo sa sarili kong mga paa ( Syempre hindi yung literal talaga na nakakatayo, syempre ibig sabihin  self supporting.)

Kinupkop ako ng best friend ng papa ko na si Tito Rick. Pero simula ng maghighschool ako napilitan syang mangibang bansa dahil sa call of duties sa trabaho nya. Kaya naman naiwan akong magisa dito sa Pilipinas.

 Natakot ako nung una, pero ng tumagal nasanay na lang din ako. Mukhang ganito talaga ang kapalaran ko. Hindi ko naman talaga kamag-anak si Tito kaya hindi sya obligado na suportahan ako.

Mula ng umalis si tito papuntang Korea .. Lahat ng gawaing bahay na dating si Tito ang gumagawa natutunan ko na ding gawing magisa. Sabi ni tito kumuha na lang daw kami ng katulong kaso ayoko, dagdag lang sa mga bayarin ni Tito. Kering keri ko naman na ako lang magisa ang gumagawa lahat. Hello?! duties talaga ng mga babae na gumawa sa mga gawaing bahay para kapag nag-asawa na daw hindi ka Nga-nga lang sa bahay. * Yun yung sabi nila *

Wala akong kilala ni isa sa mga kamaganak ko. Both sa sides ng mama at papa ko. Hindi ko alam kung meron nga ba o wala. Sabi ni tito hindi din nya na meet kahit minsan ang mga kamaganak ni papa at mama. 

 Kaya naman kapag may okasyon, si Tito lang lagi ang kasama ko. Siya na ang kinilala ko bilang pangalawa kong Papa simula ng maulila ako. And im very thankful for that. 

 WUSH!!! ( nag ala flash na ako sa bilis ). Dali dali na akong lumabas ng bahay papuntang school. Buti na lang pala walking distance lang sya kaya hindi ako nahihirapan. Magisa akong nakatira sa bahay na iniwan sakin ng mga parents ko.

 Halos eto na lang ang natira sakin na alaala nila kaya naman iniingatan ko talaga."Grabe lunes pa naman ngayon. Lagot ako pag nalate ako. Tapos ganito pa ka init. WuuH!! "

 Eto ang ayoko sa lahat. yung kakaligo mo lang tapos mapapawisan ka na agad. Wish ko lang hindi ako mangamoy pawis. Nakakahiya naman kasing ishare sa iba tong napakabango kong amoy. 

 Mamimili lang naman ako sa dalawa. Una magpapaka Maria Clara ako sa paglakad para hindi ako mapawisan o tatakbo ako para makaabot sa unang class ko.

 "Kung bakit naman kasi kagabi pa dumagsa yung mga customers sa shop. Pero keri lang malaki laki din naman yung tip na nakuha ko.hihihi". Working student kasi ako since 1st year high school . Syempre ayoko kasing umasa na lang sa mga ipinapadala ni Tito para sakin. Tsaka hindi naman sagabal sa pag aaral ko yung trabaho ko. Mabait yung boss namin kaya kahit bata pa ko e tinanggap niya ako. 

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon