Chapter 37 : IT'S A DATE

475 23 0
                                    

 Chapter 37 : IT'S A DATE

KEI'S POV

Kanina pa ako nagsesearch sa phone ng magandang lugar na puntahan pero wala naman akong makita. Ang hirap naman kaseng maghanap ng lugar para puntahan, baka kase di magustuhan ni Cha. Iba ata kase yung type na puntahan ng amazona na yun. 

Matawagan nga si Jun

" O pre ? anong problema ? " tanong ni jun na mukhang nagising ko ata

" May alam ka ba na Lugar na pwede naming puntahan ni Cha. Gusto ko kase sana syang yayaing lumabas " sabi ko kay jun

Narinig ko na napabuntong hininga si Jun.

" Langya ka pre. Tumawag ka ng ganitong Oras para magtanong lang nyan. Tao ka ba talaga ? " sabi ni jun

Nakita ko yung Wall clock. 3:30 am na pala.

" Di kase ako makatulog ng maayos. May nabasa kase akong libro tungkol sa mga babae pre " sabi ko kay Jun

" Ano namang sabi dyan sa libro na yan ? " tanong ni jun

" Ang sabi sa libro. Madali daw magsawa ang mga abbae sa mga Boring na Boyfriend kaya naman naisip ko na yayain sya na lumabas bukas " paliwanag ko kay jun

Nakarinig ako ng malakas na tawa kay mula kay Jun. Nahiya naman ako bigla. Pasensya naman. Mahal ko ee, takot lang siguro ako na magsawa sya sakin. Kaya kahit medyo bading ang dating okay lang basta para sa kanya.

" Bwiset ka din talaag ee noh. Kung ano ano na naman yang pumapasok sa isip mo. Bukas na natin pagusapan yan. Patulugin mo muna ako." sabi ni Jun sabay baba ng phone

" Teka !! " 

Binaba na ng kumag yung phone. Wala na kong nagawa kundi itulog na lang to. 

Pero hanggang sa pag gising ko hanggang sa pagkaen ko ng almusal yun pa din ang nasa isip ko. 

" May problema ba ? " biglang tanong ni cha saken.

" Wala naman. di lang ako nakatulog ng maayos? " sagot ko sa kanya

" Baket?? .. Kase di ka makapasok sa kwarto ko ? " natatawang asar ni cha saken

Ang sarap sabihin na oo, isa yan sa mga dahilan kung bat di din ako nakatulog ng maayos kagabi. Pinalitan ba naman yung Lock ng kwarto nya kagabi kaya hindi ako makapasok sa loob. Para tuloy akong timang ng makita ako ni Henry na pilit binubuksan yung pinto kabagi. Kundi pa nya sinabi sakin e hindi talaga ako titigil. Amazona talaga.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon