Chapter 9 : PROBLEMA MO?

790 36 16
                                    

Chapter 9 : PROBLEMA MO? 

Lutang pa din ako sa mga nangyari kagabi kaya ako heto medyo masakit ang ulo ko. Yung first kiss ko kasi ninakaw sakin ng taong pinaka hate ko sa lahat. Sa inyo kaya gawin yun?

At dahil hindi naman ako makatulog ng maayos maaga na lang akong naghanda sa pagpasok ko sa school. Sana hindi mag krus ang landas naming ng lalaking yun.

 Papunta na ako sa dining area. Buti na lang at di ako naligaw. "Good --- " Napatigil ako ng makita ko si Kei na nagaalmusal na. Bakit nandito siya?

 "Goodmorning din po Ms. Cha." Bati sakin ni Henry at ate Cindy.

 "Ms. Cha pasensya na po kayo kung hindi ko na kayo naantay sa pagaayos ng gamit nyo kagabi. Kaya ako na po ang nag ayos." Mahinang sabi ni ate Cindy.

"Salamat ate" Maikli kong sagot. 

"Ms. Cha umupo na po kayo para makakain na po kayo ng almusal." Bigla akong kinabahan. Feeling ko kasi parang may mali. Hindi ko magawang tumingin kay Kei at kumilos ng natural . parang sasabog ako sa sobrang kaba na hindi ko malaman.

 "Hindi na, tama na siguro ito" Sabi ko sabay kuha ng isang pirasong tinapay sa mesa.

 "Ms. Cha?" Alam kong nagtataka sila sa ginagawa ko. At nasesense ko na naman na nakatingin si Kei sakin. Syempre ako naman todo iwas.

 "Magrereview pa kasi ako Henry, Kaya kailangan ko ng umalis .. bye bye!!" Nagpalusot na lang ako at tumakbo paalis. 

"Kainis!" Hingal na hingal ako pag dating ko sa labas ng mansyon. "Alam ko na .. iiwas muna ako. Tama dapat umiwas na lang ako para di ko na maramdaman ito." Para akong tanga sa ginagawa ko. Pero mas Okay na ito kesa naman sa lalo pa kong maguluhan sa nararamdaman ko pag nakikita ko siya. Naaalala ko lang kasi yung Kiss. 

  Nakarating na ko sa school. Maaga pa kaya wala pang ganong estudyante at dahil sa sobrang aga ko ako lang naman ang pinaka unang tao sa school .. oh diba? First time ito. Kaya dapat icongratulate ako ni Kate at Kathleen mamaya.

"Makapag review na nga lang." Nagsimula na kong magreview. Mga after 5 mins sumuko na ko. Hindi ako makapag isip ng tama. Hindi ko alam kung bakit?

 "Bakit walang pumapasok sa utak ko?" Naalala ko naman yung Kiss na nangyari kagabi. Sa sobrang inis ko ginulo ko yung buhok at inuuntog yung ulo ko sa desk.

"Ouch!" Nakaramdam ako ng sakit sa katangahan na ginagawa ko. Peste ka talagang lalaki ka. Bakit mo ba kasi ginawa at sinabi yun sakin?

Habang nagaayos ako ng buhok napansin ko na may lunchbox sa desk ko. Lumingon ako para makita kung sinong naglagay. "Ke – kei?" Gulat na gulat kong sabi. Nananaginip ba ko? Bakit nandito si Kei sa harap ko? Nagkusot kusot pa ako ng mata baka namamalikmata lang ako.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon