Chapter 50 : The new me

8 1 0
                                    

Chapter 50

Nakarating na kami sa bahay ni Shin. Ibang iba sa itsura ng bahay nila lola.
"Pakihatid na siya sa kwarto niya. Kailangan niya ng magpahinga." utos ni shin sa maid nila.

Wala lang akong imik na nakasunod sa maid nila. Tahimik dito. Feeling ko napakalungkot ng buong bahay na 'to.

Magdamag lang akong nagkulong dito sa loob ng kwarto ko.

Kei. Sana okay lang kayong lahat diyan. Alam kong dadating din yung time na makakasama kita ulit.

Ang nagpapalakas na lang ng loob ko ngayon ay ang pangako mo sakin kaya maghihintay ako Kei. Maghihintay ako.

Maaga akong nagising para pumasok sa school. Hindi naman porke nandito ako kayla shin ay hindi na ako pwedeng pumasok sa school.

Gusto ko nang makita si Kei. Gusto ko siyang yakapin ulit.

Tumatakbo na ko papalapit sa classroom. Naabutan ko naman yung iba kong mga classmates na malulungkot ang mga mukha. Si kate at kathleen din ay hind maipaliwanag ang mga itsura.

"Cha. Alam mo na ba ang balita?" sabi ni Kate. Masama ang kutob ko.

"Si Kei. Nag drop na siya sa school. Sa Korea na daw siya mag aaral ulit." nang marinig ko ang mga sinabi nila nagmadali akong umalis ng room.

Anong nagyayari? Akala ko ba hindi niya ko iiwan?!

Nakita ko sila lola mula sa itaas. Paalis na sila kaya sinubukan kong sumigaw. Pero hindi nila ako naririnig. Nagmadali akong bumaba.

Hindi pwede 'to. Ayoko!
Habang pababa ako nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.

Ganito na lang ba? Aalis siya nang hindi man lang nagsasabi sakin?

Nakababa na ko pero nakalabas na ng gate yung kotse nila. Kahit sobrang pagod na ang mga paa ko sinubukan ko pa ding habulin sila.

"Kei!!" sigaw ko.

Tuluyan na silang nakalabas ng school. Pinigilan naman ako ng isa sa mga body guards ni Shin sa pagtatangka kong sundan yung kotse.

"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" wala akong paki kahit na pagtinginan nila akong lahat.

Binitawan na nila ako.

Nawala na sa paningin ko sila Kei.

"Bakit? Bakit?" paulit ulit kong sabi habang nakaupo ako sa sahig.

Dumating na talaga ang araw na kinakatakutan ko. Iiwan din pala nila ako.

"Cha!" nakita ako ni Paul at inalalayan niya ako para makatayo.

"Paul.." lalo akong humagulgol sa iyak nang makita ko si Paul.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya sakin.

Nagsidatingan na din sila Kate, Kath at Trish.

Naramdaman ko na lang na niyakap nila ako.

"Cha.."

Ito na ata ang isa sa mga pinakamasakit na nangyari sakin after na mawala ni Mama at Papa.

Muli na naman akong iniwan ng mga taong mahal ko. Bakit ganito? Paulit ulit na lang bang mangyayari sakin 'to?

No.

I won't allow this things to happen to me.
Ngayon na narealize ko na paulit ulit lang ako g iiwan ng mga taong binibigyan ko ng chance maging part ng buhay ko, i will not force them to stay.

If they want to leave me. Then let it be.
But one thing is for sure.
I will not let them ruin my life and destroy my feelings again.

Maybe it's time for me to change the Old Cha Song that they now.

It's time for the new me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon