Chapter 17 : ITS PAYBACK TIME

661 29 4
                                    

Chapter 17 : ITS PAYBACK TIME

Inaalalayan ako ni Kei habang sabay kaming naglakad pabalik sa court. Lamang ang Team nila Trish. Napansin ko naman na may matang nanlilisik ang tingin sakin habang nakaalalay pa din sakin si Kei. Oo nga pala, madami nga pa lang babaeng Fans si Kei. "Okay na ko dito." Sabi ko kay Kei. 

 Bumitaw na ko sa pagkaka alalay ni Kei. Halata naman nagtataka siya sa ginawa ko. Kaya naman itinuro ko na lang yung mga babae sa may Bnech na kanina pa kami sinusundan ng tingin. "Wag kang manhid. Kawawa naman yung mga Fans mo." Tumingin lang siya sa paligid niya na mukhang walang kamuang muang sa nangyayari. Pambihira. Ganyan ba talaga pag gwapo?

Naupo na ako sa may bench habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Papalapit naman ang team para magpahinga. "Oh Cha okay ka na ba?" Nag aalalang tanong ng mga ka team ko. Ngumit ako at tumango na lang sa kanila.

"Pasensya ka na Cha hindi namin nagawang makabawi masyado silang malakas. DInaig pa yung pagka amasona natin."  Sabi ni Kate habang naghahabol pa ng hininga sa pagod. Tahimik ang buong team. Pakiramdam ko nawawalan na sila ng pag asa kaya naman gumawa ako ng paraan.

"So ganito na lang ba tayo? Nawala lang ako saglit naging ganyan na kayo." Nagtinginan ang mga ka team ko sakin. "Magpapatalo na lang ba tayo sa kanila ng hindi binibigay yung Best natin? Nasan na yung mga amasonang tinawag ko kanina?"Nakita kong unti unti ng nabubuhayan ng loob ang mg aka team ko. 

 "Sa nakikita ko kasi parang nag wawarm up pa lang kayo habang wala ako. Ipakita natin sa kanila kung anong klaseng team tayo" Nagtawanan na lang kami sa mga sinabi ko. Okay! Oras na siguro para kami naman ang lumamang.

 Pumasok na ko sa game. Napansin kong nagtataka naman si Trsih at mga ka Team niya kung bakit biglang nabuhayan ng loob ang team namin. Kung akala nila nagtagumpay na sila sa gusto nilang mangyari. Pwes! Nandito si Ms.President para ipatikim sa kanila ang salitang "KONSENSIYA"

 "Welcome  Back Ms. President." Bati sakin ni Trish. This time napa smirk na lang ako sa kanya. Sabay harap ng palad ko sa mukha niya. "Ano yan?" Iritableng tanong ni Trish. "Wag mo kong kausapin wala ako sa mood makipag asaran sayo." Iniwan ko siya na may Big smile sa mga labi ko. Kala niya siguro hindi ko siya papatulan sa pang aasar niya. 

"Tignan natin kung hanggang san aabot yang tapang mo Ms.President" Sabi ni Trish. Sa tono ng boses niya mukhang umepekto yung pang aasar ko. Bawi bawi lang din pag may time. Hindi lang siya ang may karapatang mang asar. Kala niya hmpf! 

Sa Loob ng 3 mins nabawi naming ang lamang ng kalaban kaya nag tie na ang score naming sa score nila. Hinahanap ko kung nasan si Kei. Nararamdaman ko na naman kasing namamanhid na yung paa ko. Nang mahagilap ng mga mata ko si Kei, sinenyasan niya ko na kailangan ko ng tumigil sa paglalaro. Nag sorry sign ako sa kanya. Hindi pa ko pwedeng tumigil. "Oh bakit? Masakit na naman ba?" Pang aasar ni Trish.

Last 2 minutes na lang ng game nakalamang na ang team namin pero nabawian kami nila Trish at sila naman ang lumamang.. Halos iika ika na kong tumatakbo pero binabaliwala ko lang. 

 "Cha, Okay ka lang ba?" Tanong ni Kate. "Wag niyo kong intindihin. Tapusin na natin to." Seryoso kong sabi. Pinilit kong tumakbo para makapwesto. Last minute na ng game nasa team nila trish ang bola. Napansin kong pinapatagal nila ang bola sa kanila para maubos ang oras.

 Hindi na ako nakapagpigil kaya naman pilit kong inagaw yung bola sa kalaban. "Kate!" Tawag ko sabay pasa ng bola na mabilis kong naagaw. Napaupo na ako sa sobrang sakit ng mga paa ko. Tanging si Kate na lang ang pag asa namin para manalo. Last 30 secs na lang ng game.

Nawalan na ako ng bantay. Hindi na nila ako pinansin dahil nakaupo lang ako sa sahig. Pinilit kong makatayo. Dumami naman bigla ang bantay ni Kate. Masyado ng desperado ang team nila Trish. Nagkaroon ng chance na maibalik ni Kate sakin yung bola.

Tamang tama ang pwesto ko para maka three point shot. "Kim!! Ngayon na!" Malakas na sabi ni Trish sa ka team niya. Nagulat ako ng bigla may humarang sa harapan ko na malaking babae. 

 Pinilit ko ng ishoot ang bola kahit nahaharangan na ako ng malaki niyang katawan. Sana pumasok. Please!

 Tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na yung game. Muli ako po ay natumba na naman. Ginagawa ko na kasing higaan ang court ngayon. "CHA!!" Rinig kong sigaw nila habang papalapit yung mga yabag nila sakin. "PANALO TAYO!" Tuwang tuwang sabi ni Kathleen sabay hila sakin papatayo. 

Nakalimutan ko saglit ang sakit ng mga paa ko sa good news na narinig ko. Nag group Hug kami ng mga kapwa ko amasona. Maya maya pa biglang nanlabo ang mga paningin ko. Nako mukhang mag shushutdown na naman yung katawan ko sa sobrang pagod.

 Tapos biglang BLACKOUT na lahat. Ayun! nawalan na naman ako ng malay. 

TO BE CONTINUED .. 

 NEXT CHAPTER : DEEP INSIDE 

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon