Chapter 19 : IM SORRY

665 31 3
                                    

 Chapter 19 : IM SORRY

            

Habang nakaupo ako sa kama at nagpapahinga nakatingin lang ako sa may bintana. Medyo nawawala na ulit ang sakit ng kanang paa ko. Bbored na bored na ko dito gusto ko ng umalis dito.

 "Lunch time na pala. Naglulunch na siguro sila na sabay sabay." Nakangiti kong sabi habang nakatingin ako sa orasan ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa clinic at nakita ko sila Kate kasama ang buong klase na may dala dalang pagkain."Yow. Kamusta?" Bati ni Kathleen

 "Kayo pala kala ko naman kung sino na. Anong ginagawa niyo dito?" Lumapit sila sakin. "Tara kain na tayo. Alam namin na gutom na gutom ka na." Yaya ni Kate. Nakangiti lang akong pinagmamasadan sila habang hinahanda nila ang mga pagkain namin. Ang galing naman ng timing nila. Gutom na gutom na kasi ako.

At dahil mga pasaway sila at wala naman yung nurse sa clinic, nagsimula na silang kumain. Napansin kong wala yata yung mga kaklase kong boys. "Nasan na yung mga boys? May game pa ba sila?" Biglang napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila ang nagtinginan."Aa .. ee – Oo! May game pa sila." Sabi ni Kate. 

"Ginagawa? Ang alam ko walang game kapag lunch break." Nagtataka kong sabi. Napansin kong may itinatago sila sakin."Nasan sila? Magsabi kayo ng totoo sakin." Matagal bago sila sumagot. Nagtuturuan sila kung sinong sasagot sa tanong ko. 

"Cha. Kasi .. Ano .." Nabasa ko na ang mga ikinikilos nila."May itinatago ba kayo sakin?" Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Kei at alamin kung nasan sila."Cha. Yung bumungo sayo kanina. Nakilala namin siya." Mahinang sabi ni Kathleen. Nagulat ako sa narinig ko. 

"Pano niyo nalaman?" Tanong ko."Napansin kasi namin na may hindi ka sinasabi samin kaya nagtanong kami kay Kei kung anong nangyari sayo. Kaya nung malaman namin kung anong nangyari sayo hinanap namin yung may ari ng keychain at nalaman namin na yung lalaking bumanga sayo ay manliligaw pala ni Trish."  Coincidence lang siguro ang lahat. 

 

"Hindi naman sinasadya nung tao kaya wag tayong mag isip ng kung ano man." Sabi ko na lang. "Umamin na siya na inutusan daw siya ni Trish na sadyaing bunguin ka para hindi ka makapaglaro ng maayos sa game." Hindi na ako nakapagsalita pa sa mga sinabi ni Kate.

 "Alam na ni Kei ang tungkol sa ginawa ni Trish sayo." Nang marinig ko ang pangalan ni Kei kinutuban ako bigla. Sinubukan kong tumayo kahit na alam kong hindi pa ganong magaling ang paa ko."Nasan sila?!" Galit kong sabi. Walang nagsasalita kaya muli akong nagtanong. "Magsalita kayo!" 

"Sa likod ng gym." Dali dali akong naglakad palabas ng clinic para puntahan sila. Masama ang kutob ko. "Cha! San ka pupunta?" Pagpigil nila sakin. "Wag niyo na kong pigilan. Hinding hindi ko hahayaan na mapasama kayo ng dahil sakin." Bumitaw ako sa  pagkakapigil nila sakin at nagsimula na uling mag lakad.

 Habang papalapit ako kung nasan sila lalo akong kinakabahan. Ayokong may napapahamak dahil sakin kaya gusto ko silang pigilan sa kung ano mang gusto nilang gawin. Hingal na hingal akong nakarating sa likuran ng gym. Tumambad sakin ang eksenang nagkakahamunan na ang section namin at ang section nila Trish. Naloko na. "Pano niyo naman nasabi na ako ang nag utos sa kanya na sadyaing saktan si Cha?" Rinig kong sabi ni Trish. 

"Sa kanya to diba? Nakasulat ang pangalan niya dito kaya wag ka ng mag palusot pa si ginawa mong kalokohan."  Sabi ni Jun sabay labas ng keychain."Hahaha!! Ano naman ngayon sa inyo kung sinadya ko nga? Wala kayo sa posisyon para magalit sakin. Siya ang gusto kong iharap niyo sakin." Mataray na sabi ni Trish. Nagtago ako at nakikinig sa usapan nila. Wrong timing yung pag punta ko dito. Baka lalo lang magalit sakin si Trish.

"Ano bang atraso sayo ni Cha at ginagawa mo to sa kanya?" Muling tanong ni Jun. Nakita kong nawala ang mga ngiti ni Trish. "Masyado kasi siyang mapapel. Lahat na lang ng atensyon sa kanya napupunta. Siya ang magaling sa paningin ng lahat! She’s just an eyesore for me! Kaya naman gusto kong maramdaman niya kung anong feeling ng matalo. Gusto ko siyang hilahin pababa." Galit na galit na sabi ni Trish.

Natahimik ang lahat sa mga sinabing iyon ni Trish. "Aa alam ko na. Sa madaling salita na iinggit ka kay Cha." Sabi ni Kei. Napatigil si Trish sa mga sinabi ni Kei"Ako? Ma iinggit sa kanya? Imposible?! I am more better than her." Pagamamalaking sabi ni Trish. 

"Magkaiba ang salitang Bitter sa Better Trish. Sa nakikita ko sayo gusto mong mapansin din ng iba." Bigla kong sabi. Hindi ko na mapigilang mag reat sa mga sinasabi ni Trish. Nakapawalang kwenta kasi kung ingit ang dahilan niya. Nagulat sila ng makita nila ako.

"Nandito ka na pala. Ikaw ba ang nagpadala sa mga to? Pwede bang patahimikin mo na tong mga aso mo nakakairita na kasi."  Mataray na sabi ni Trish. Medyo nagririndi na ang mga tenga ko sa mga sinabi ni Trish. Hindi pa ba siya nag sasawa sa mga ginagawa niya. Oh hobby niya na talagang mambwiset ng ibang tao?

 Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayokong magkagulo."Bilis! Magsumbong ka na sa mga teachers natin para maging bida ka na naman sa paningin nila." Utos ni Trish sakin. Lumapit ako kay Trish. "Nasan na yung Trish na kilala ko dati? Masyado ka lang nag papadala sa ingit Trish. Kaya please tama na." Tawag ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"Wag mo kong hawakan!!" Sabi ni trish sabay tulak sakin papalayo. Nagsimulang humagulgol sa iyak si Trish. Bigla akong nakaramdam ng awa ng makita kong umiiyak si Trish. Alam kong maibabalik ko pa yung Trish na nakilala ko noon.

 "Alam mo ba  pinipilit kong maging tulad mo? Kung ako lang sana ang naging President noon edi sana.." Hindi na siya nagpatuloy sa pagsasalita. Alam ko kung anong pinagdadaanan ni Trish. Minsan niya ng nakwento sakin noong close pa kami yung tungkol sa parents niya na ate niya ang paborito at laging pinagbibigyan sa lahat ng bagay. Kaya siya tumakbo noon bilang Student Council President para ipagmalaki naman siya ng parents niya. Pero Kabaligtaran ang nangyari.Tanging ako lang ang nakaka alam ng sitwasyon niya. Pero hindi ko naman akalain na aabot siya sa ganito.

“Matalino ka Trish. Alam ko na alam mong hindi mo kailangang maging katulad ko para mapansin ng iba." Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Lalong humagulgol sa iyak si Trish na yumakap din ng mahigpit sakin.

"Alam ko na may mas malalim pang dahilan kaya ka nagkaka ganito. Nandito ako para makinig Trish kung kailangan mo ng makakusap. Hindi ko nakakalimutan yung Promise ko sayo noon nung una tayong mag kakilala nung freshmens pa lang tayo." Mahina kong bulong sa kanya. Kung ano man yung Promise na yun? Saming dalawa na lang siguro ni Trish yun. 

 

"Im Sorry Cha. Im Sorry." Humahagulgol na iyak ni Trish. "Tahan na. Ayos lang yun. Kalimutan na lang natin yung ilang taon mong pagtataray sakin." Nakangiti kong sabi sa kanya. Napatawa naman si Trish sa mga sinabi ko. 

 TO BE CONTINUED ..

 NEXT CHAPTER : THIS IS REVENGE

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon