Chapter 25 : CANT HELP IT

617 34 3
                                    

 Chapter 25 : CANT HELP IT

Nakuha ng Section namin ang Third place sa katatapos lang na Sport's Festival. Sulit naman lahat ng paghihirap at efforts namin dahil nanalo kami ng eat all you can tickets sa paboritong kainan ni Mr.Principal. Mas okay na yung prize na ganito kesa sa One year supply ng tissue na napalanunan ng nag champion. 

Hindi namin mapigilang hindi matawa dahil mas mukhang kami pa ang nanalo kesa sa nag champion talaga."Grabe talaga si Principal. May factory ba sila ng tissue at yun ang gustong gusto niya gawing prize?" Pagbibiro ni Kate.

 Napansin ko na namang tahimik si Kei. Mukhang Bad mood dahil sa nangyari kanina. Kasalanan niya yan kaya bahal siya sa buhay niya.

Pero hindi naman ako masamang tao sadyang mataray lang ako minsan kaya naman magsosorry na lang ako para matapos na. Lalapitan ko na sana siya nang biglang.. "Kei!" Tawag ng kung sino mula sa malayo.

Napatingin ang buong klase kung saan galing ang boses.Nagulat ang lahat ng biglang may umakap na babae kay Kei. "I miss you Kei!" Sabi pa nito habang nakayakap at nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Kei

 Gulat na gulat si Kei sa nangyayari. Napahinto din ako sa paglakad ko at nagtataka kung sino yung babaeng 'yun.

 Sino ba siya? Kung makayakap naman siya daig pa niya ang linta. Napansin kong parang may iba sa mga tingin ni Kei dun sa babae. Bumitaw si Kei mula sa pagkakayakap nito.

 "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kei. So kilala niya pala kung sino yung girl na 'yun? I bet baka isa siya sa mga naging girlfriends ni Kei. Sa itsura ba naman niyang yan mawawalan siya ng girlfriend? Imposible.

 "Masama bang sundan ang Man of my Dreams? Gusto kasi kitang makita kaya pumunta na lang ako dito." Malanding sabi nung girl. Napailing na lang ako sa nakikita ko.  

Naka agaw ng atensyon mula sa ibang mga estudyante  ang babaeng kausap ni Kei.

"Kamusta na?" Bati ni Jun."Jun! Nice to see you again. Sabi ko na nga ba at magkasama kayong dalawa." Sagot niya.  

 Lumapit saken si Kate at Kathleen. "Kilala mo ba kung sino 'yun?" Tanong nila. "Hindi. Baka isa sa mga girlfriend niya?" Sabi ko na lang.  

 Aaminin ko. Maganda yung girl. Para siyang doll sa itsura niya. Kung itatabi nga naman siya kay Kei mapagkakamalan silang isang couple ng ibang tao. Ako kaya? Kung itatabi ako kay Kei ano kayang magiging impression samin? Malamang baka mag mukha lang akong yaya. 

"Bagay silang dalawa." Napatingin lang si Kate at Kathleen sakin with a clueless expression. Nagsimula na akong umalis sa lugar na iyon. Parang may iba na kasi akong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano 'to pero hindi ko gusto kung anong nararamdaman ko ngayon.

"San ka pupunta?"  Tanong ni Kate.

 “May aasikasuhin lang ako." Sabi ko.

 "Wag mo kalimutang pumunta sa bahay, dun tayo magcecelebrate.” Yaya ni Kate.

 "Oo, pupunta ako." Nakangiti kong sabi. 

Dirediretso lang akong naglalakad palayo sa kanila. Hindi ko  nga alam kung san ako pupunta. Ewan ko ba? Para akong tanga na naglalakad lang sa kung saan na wala naman talagang pupuntahan. Biglang nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad iyon.

Si Paul yung tumatawag."Nasaan ka na? Alis na tayo." Yaya ni Paul. Bigla bigla akong napakamot sa ulo ko. Oo nga pala may usapan pa kami ni Paul na magkikita kami after ng Sport's festival.

 "Kita na lang tayo sa may gate." Sabi ko sabay baba ng phone. Huminga muna ako ng malalim. Hindi maalis sa isip ko si Kei na kasama yung girl kanina. Bakit nga ba hindi ko man lang naisip na posibleng may girlfriend si Kei bago ko siya nakilala? Peste naman talaga. Ang tanga ko grabe! Hindi pa nga ako umaamin sa kanya pero nakakaramdam na ko ng ganito.

Ito na nga ba yung sinasabi ko. Kapag nagmahal ka dapat ready ka sa kahit anong pwedeng mangyari sayo. Hindi pa nga ako nagsisimula sa laban pero talo na pala ako. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala pa ba ako sa naging confession ni Kei. 

Nagriring yung phone ko. Hindi ko pinansin kung sinong tumatawag. Ayoko munang makita si Kei at yung babaeng linta. Oo na! Aaminin ko na! Nagseselos ako sa babaeng 'yun! and at the same time nasasaktan ako. 

Ganito pala talaga yung feeling. Ang weird lang. Natatawa na lang ako sa kung ano anong pumapasok sa isip ko. First time kong makaramdam ng selos at dumating na din yung araw na kinakatakutan ko na masasaktan muli ako. 

Pero bakit parang hindi malakas yung impact sakin? Siguro may part pa din ng sarili ko na ayaw maniwala sa nakikita ng mga mata ko? Mas mabuti siguro na kausapin ko si Kei para matapos na 'to habang maaga pa. 

  

TO BE CONTINUED ..

 NEXT CHAPTER : WHO'S THAT GIRL ?

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon