Chapter 15 : GAME OVER

692 33 6
                                    

  Chapter 15 : GAME OVER       

        

Last minute na ng game pero pantay lang ang scores ng bawat team nakita kong pagod na pagod na ang team nila Paul at samantalang yung Team namin parang nakalimutan na yata ang salitang pagod.

"GO KEI! KAYA MO YAN!!" Sigaw na naman ng mga nakakrinding babae sa likuran namin. Napansin kong may iba kay Kei. Nakangiti na siya ngayon. Hindi katulad kanina a sobrang seryoso niya.

 Heto na. Ishoshoot na ni Kei ang Bola. Kapag pumasok yung Bola panalo kami. Wala halos kumikibo saming lahat dahil nakatutok lang kami sa pag shoot ni Kei. Napapikit ako sa sobrang kaba. Ano na kayang nangyari? Na Shoot kaya niya yung bola? Nagulat na lang ako ng biglang nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase ko.. at ganun din ako.Nanalo ang team namin."Cha!! Panalo tayo!"  Napadilat ako sa goodnews na narinig ko. 

 "Yehey!!!"  Sabi naming dalawa ni Kathleen habang tumatalon kami sa sobrang tuwa.  Tumakbo kami papalapit sa team para icongratulate sila. Naramdaman ko na naman yung sakit ng paa ko. Malas talaga."Panalo kami!!" Malakas na sabi ni Jun. Sa sobrang tuwa ng mga kaklase ko nag group hug kaming lahat. 

"Congrats!!" Bati ko sa kanilang lahat.  Ang saya saya naman nito.Lumapit ang Team nila paul samin. "Pare Congrats." Nakangiting sabi  ni Paul na nakipag shake hands kay Kei at Jun. 

 "Goodluck sa game mo mamaya." Nakangiti niyang sabi sabay kurot sa pisngi ko. Ayan na naman siya! PIsngi ko na naman ang napagdiskitahan. "Salamat." Sagot ko. 

"Asan na nga pala yung ka team mo na nakakainit ng ulo kanina?"  Tanong ni Kate kay Paul. "Ayun pagod na pagod. Di na nga makatayo." Sabi ni Paul sabay turo sa isang lalake na sa sobrang pagod e binuhat na ng mga kasamahan niya paalis.Nagtawanan lang kami sa nakita namin. Grabe pala tong si Kei at Jun. KAya pala pangiti ngit na lang sila kanina kasi may balak silang gawin. At yun na nga yun.  

Okay! Kami naman sa Next Game!

Malapit ng magstart ang laban ng team namin. Nakaupo na kami sa bench. Naramdaman ko na naman ang Presence ng isang di kaaya ayang tao. Alam niyo na kung sino. "Cha. Ready ka na bang matalo?"  Pagtataray niya sakin habang naka crossed arms pa ang bruha na may kasama pang mga alipores sa likod niya. 

 Ngumiti na lang ako. Ayokong mag padala sa pang aasar niya. Baka mawala yung focus ko sa game. Umalis na din siya agad. Nahalata niya siguro na wala ako sa mood na patulan siya. "Sarap talagang sabunutan ng babaeng yun." Gigil na sabi ni Kate. 

"Hayaan mo na. Wala lang magawa yun kundi mang asar." Sabi ko habang nag aayos ng buhok.

 "Nako! Tigil tigilan mo ko diyan sa hayaan word na yan. Infairness sayo babes masyado kang mabait sa kanya. Kung ako yan? Matagal ng kalbo yang bruha na yan." Sagot ni Kate. Heto na naman si Kate. Masyadong affected sa mga pang aasar ni Trish.

 "Kahit papano naging kaibigan ko din naman yang si Trish kaya iniintindi ko na lang. Ienjoy na lang natin yung game." Sa maniwala kayo o sa hindi naging kaibigan ko nga siya. Tsaka ko  na lang ikukwento sa inyo may game pa ko e.

Sumipol na yung referee para simulan na yung game. First quarter pa lang pero super close na ng game. Kahit na nakakaramdam na ako ng sakit sa paa ko DEDMA lang. Kailangan kong maglaro para sa team. "May masakit ba sayo? Pansin ko kanina ka pa namumutla?" Biglang sabi ni Trish sakin. Nagulat ako sa biglang pagbanga ni Trish sakin kaya na out of balance ako at tumumba sa sahig. 

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Kate at Kathleen. Nagsilapitan na din ang ibang mga players sakin. "Okay lang ako."  Nakangiti kong sabi habang pinipilit kong tumayo. 

 "Look oh! Kawawa naman si Ms. President. tsk tsk tsk." Nakangiting sabi ni Trish. Napansin kong nag init ang ulo ni Kate. "Abat! – " Sabi ni Kate na agad kong pinigilan. Napailing na lang ako sa kanya. Hindi ito ang oras para mag simula ng gulo. Lalo lang mag kakaroon ng chance si Trish na guluhin ang Team namin.

 "Sa susunod na gawin pa niya sayo yan pasensya na Cha pero baka hindi ako makapagpigil at makalbo ko na talag siya." Inis na inis na sabi ni Kate. Tuloy pa din ang game. Habang tumatagal lalong sumasakit ang paa ko unti unti ng nagiging manhid ang pakiramdam ng mga paa ko. Hawak ko ang bola. Ibang babae na ang bantay ko pero ang nakakapagtaka bakit tatlo sila? 

 "Cha!! Ipasa mo na yan!" Hindi ko maipasa ang bola sa iba. Masyadong mahigpit magbantay tong tatlong to. "O ano ka ngayon Ms. President? " Mahinang sabi ng nagbabantay sakin. Nakahanap ako ng way para makatakas sa knila. Pero naramdaman ko na sa pagtakbo kong iyon ay may mali. Natumba ako sa unang hakbang ko pa lang ng mga paa ko.

 "Cha!!" 

 "Oh ano game over na ba Cha? Tayo na di pa tayo tapos." Sabi ni Trish."Sumosobra na kayo aa!! Kala niyo ba di namin napapansin na kanina niyo pa pinagtutulungan si Cha!"  Galit na sabi ni Kate na pasugod kay Trish at sa mga ka team niya. Buti na lang at inawat siya ng mga ka Team ko. 

"Alam niyo na siguro kung anong dapat gawin sa mga taong ganyan." Makahulugan kong sabi. This time pinapayagan ko na sila sa gusto nilang gawin. Hindi na siguro tama na hayaan ko na lang ito. off mode muna sa pagiging mabait at ipakita sa kanila ang kakayahan ng team namin.

 "Kanina  pa namin hinihintay na sabihin mo yan." Nakangiting sabi ng mga ka Team ko. Tinuturuan dapat ni Leskyon ang mga tulad nila. "Hindi pa game over Trish. Nagsisimula pa lang ang totoong game." Nakangiti kong sabi kay Trish. Alam kong nasindak ko siya sa mga sinabi ko. Aba dapat lang. Siya ang nagpalabas ng amasona mode ko kaya humanda siya.

 "Yan ang gusto ko sayo Ms. president." Madiing sabi ni Trish. Oh ayan na, siya na mismo nagsabi na gusto niya daw kaya walang sisihan sa huli. Nakita ko naman na papalapit si Jun at si Kei samin. Nang makalapit na sila nagulat ako ng biglang pitikin ni Kei ang noo ko. "Pasaway ka talaga." Sermon ni Kei. 

"Ha? Anong ginawa ko?" Pagtataka kong sabi.

 

TO BE CONTINUED ...

NEXT CHAPTER : SWEET THING  

 

 

 A/n: Vote and comment lang po. Hindi po ako snob. Pm nyo lang ako o daan kayo sa MB ko para makipag chat sakin. ^_^ 

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon