Chapter 30 : MS. PRESIDENT - CHA SONG

594 30 8
                                    

Chapter 30 : MS. PRESIDENT - CHA SONG

Mula sa labas ng locker room rinig na rinig ko ang usapan nila sa loob."Sino ka ba?"

"Wala ka na dun. Hindi ganong babae si Ms. President kaya wala kayong karapatang pagsalitaan siya ng kung ano ano. Bawiin mo yung sinabi niyo kanina! Hindi siya Gold digger!" Malakas na sabi ni Mia.

"Ikaw ba yung new student?" Narinig kong hindi sumagot si Mia. Biglang nagtawanan yung mga babae sa loob.

"Lakas din ng loob mo para magsalita. Paguusapan namin kung sino mang gusto namin pagusapan." Sinipa ko na yung pinto. Bumukas naman ito agad. Nagulat at napatingin sa akin. Nadatnan kong napalilibutan na nila si mia.

"Si Ms. President .." Lumapit ako at hinawakan sa balikat ang isa sa kanila.

"Alis na bago pa magdilim ang paningin ko sa inyo." Agad namang tumakbo paalis yung mga babae. Napansin kong nagulat si Mia sa ginawa ko at tahimik lang na nakatingin sa akin.

Walang kibo akong nagsimulang magbihis. Nakatayo lang si Mia. Naghihintay yata siya na magsalita ako.

"Ayos lang ako Mia. Hindi mo kailangang gawin yun." Kelan pa nag karoon ng ganung chismis tungkol sa akin? 

"Pag inaway ka nila sabihin mo lang sakin. Nandito ako para tulungan ka." Padabog kong isinara yung locker ko. Sinadya ko yun para maramdaman ni Mia kung gano ako kagalit ngayon. Ayoko talagang mag bintang pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkalat ng ganung impormasyon tungkol sa akin.

 Iniwan ko si Mia at bumalik na sa room.

Kelan pa nila nalaman? At paano nila nalaman? Lalong dumadami ang mga tanong na nabubuo sa isip ko. Iilan lang naman kaming nakakaalam ng sikreto namin ni Kei at may tiwala ako sa mga kaibigan ko na hindi nila magagawang ipagsabi iyon. 

  

"Kainis!" Kailangan kong malaman kung sino ba talagang nagkakalat ng tsismis at kung si Mia nga ba iyon. Dapat hindi din makaabot 'to kayla Kei. Pag nagkataon baka lalo lang gumulo. Ayokong madamay pa sila sa problema kong 'to.

Isinumpa ata ako. Sa tuwing may mangyayaring maganda sakin laging may kasunod na problemang dumadating. Nakakatawa na nga lang minsan. Parang sinasadya talaga ng pagkakataon ang lahat.

 Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Habang busy akong nagbabasa ng libro."Cha! Samahan mo kami mamaya sa mall." Yaya ni Kate

"Pass muna ako. May kailangan akong asikasuhin sa council mamaya." Hindi naman talaga ako aatend ng meeting o kung ano. May kailangan lang talaga akong gawin na hindi nila pwedeng malaman.

"Sige next time na lang."  Sabi ni kate na mukhang nalungkot sa sinabi ko.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon