Chapter 21 : DONT TOUCH HER

659 32 4
                                    

 Chapter 21 : DONT TOUCH HER

 Napansin ko na lalong nagalit si Kei sa ginawa ni Mark kaya kahit sumasakit na naman ang paa ko pinilit ko pa ding makatayo para pigilan si Kei sa gagawin niya. "Kei. Tama na Please." Hinatak ko yung shirt niya. Napatingin lang siya sakin. 

"Ang ingay mo." Naiiritang sabi ni Kei. Aba't? Tama bang sabihan ako ng ganun? Nakakainis na ha? Napatigil ako sa pagsasalita. Heto na naman siya.  

"Sino ka ba? Boyfriend mo ba 'to Cha?" Tanong ni Kevin. Nagkatinginan muna kami ni Kei bago siya nagsalita.

 "Ako lang naman yung Fia – " Sabi ni Kei na agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Nako! Balak ba niyang ipagkalat sa lahat ang tungkol samin? Pansin ko lang ang hilig kong magkaroon ng DEJAVU sa storya na 'to. Dapat yata palitan ko na 'to ng title. 

 Hindi na napigilan ng mga kamay ko ang inis kaya naman nabatukan ko si Kei. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. "Pag sinabi kong tumigil ka na timigil ka na!" Full force kong sigaw sa kanya. Napansin ko na naman na pinagtawanan lang ni Jun yung ginawa ko sa kaibigan niya. Tumingin ako ng masama sa kanya dahil wala namang nakakatawa.

"Ano bang problema mo ha? Ikaw na nga lang 'tong pinagtatangol ko tapos ikaw pa may ganang magalit diyan" Galit na sabi ni Kei habang nakahawak pa sa ulo niya. 

"Diba sinabi ko na sayo na ayokong nagaglit ka kasi pumapanget ka? Pasalamat ka nga concern pa ko sa nagiging itsura mo." Sagot ko sa kanya. Nagsimula na naman kaming mag asaran.

 Wala akong paki alam kung may ibang taong nakakakita sa pagtatalo namin ni Kei. Hinding hindi ko siya uurungan kahit san pa kami magpunta! Nakakainis kasi siya. Lalo lang akong naguguluhan sa ipinapakita niyang concern sakin.

"Oii tama na yan. Hindi pa tayo tapos. Mamaya na yang LQ niyo." Awat ni Mark saming dalawa.

 "Wag kang istorbo!" Sabay naming sigaw ni Kei kay Mark. "Kung hindi mo siya Boyfriend e mag ano ba kayo? Dinaig niyo pa ang mag asawa kung mag away." Dagdag pa ni Mark. Natigilan kaming dalawa ni Kei sa sinabi ni Mark. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko. Parang gusto kong inutog sa pader yung ulo ko o di kaya magpalamon na lang sa lupang kinatatayuan ko. 

Naalala ko nga pala na nandito pa sila Mark. Tumingin ako kay Mark na malapit lang sa kinatatayuan ko. "Ayoko ng gulo Mark. Kaya please lang umalis na." Sabi ko. Itinaas ni Mark ang dalawa niyang kamay at nalalag yung hawak niyang Baseball Bat. "Okay sige. Mukhang busy ka na sa ibang tao ngayon. Nice to see you again Cha." Sabi niya sabay lapit sakin. Kiniss niya ako sa cheeks ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat at napahawak na lang sa spot kung san niya ko hinalikan.

Ngumiti lang siya. Ngiting alam mong nang aasar lang. Kumindat siya sakin at sinabing "Nakaganti na din ako sayo kaya patas na tayong dalawa." Sabay tumingin siya kay Kei. Nag smirk lang siya at umalis na din.

Dumating na yung mga teachers. Hindi na nila naabutan sila Mark at mga alipores niya. Para lang akong estatwa na nakatayo sa sobrang shock ko sa ginawa ni Mark. Bakit kailangang sa harap pa ni Kei mangyari 'yun? Langya naman oh!

 

Bigla akong binuhat ni Kei na ikinagulat ko. "Anong nangyayari dito Ms. Song?" Tanong ni Mr.Principal sakin. "Naaksidente po kasi si Cha kaya napasugod kaming lahat dito." Sabi agad ni Kei. Tumingin sakin si Mr.Principal at ibang mga teachers. "Ayos ka lang ba Cha? Mas mabuti siguro kung magpatingin ka muna sa doctor." Nag aalalang sabi ni Ms. Herrera. Tumango lang ako.

"Ako na pong bahal sa kanya. Maiwan na po namin kayo." Sabi ni Kei. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa kanila. Nakatingin lang ako kay Kei habang buhat buhat niya ko. Nakita ko na naka abang na sa gate ng school yung kotse. Dahan dahan akong ipinasok ni Kei sa loob. 

"Wag mo sabihing may gusto ka sa lalaking 'yun kaya ganyan ang naging reaksyon mo?" Biglang sabi ni Kei. Pumasok na din siya sa loob ng sasakyan. "Pwede ba tigilan mo nga ako. Imposible yang sinasabi mo. Nakaramdam lang ako ng pagod kaya ako ganito." Mahina kong sabi. Pero actually nashock talaga ako. Akala ko nga magrereact si Kei pero parang wala lang sa kanya.

 Nagstart na yung Kotse. Nakatingin ako sa kabilang side at nakatalikod kay Kei. Nakaramdam na ko ng antok kaya natulog na lang ako.

 Nagising ako. May kung ano akong nararamdaman. May humihinga sa may bandang noo ko. Nananaginip lang ba ko? May kung sino na nakayakap sakin kaya medyo di ako makahinga ng maayos. Unti unti kong binubuksan ang mga mata ko.

 Medyo may naaninag akong tao na katabi ko *kusot kusot ng mata* Sabay bigla akong nasampal ang sarili ko sa gulat. Tama ba yung nakikita ko? Si Kei yung nasa tabi ko!?

 LORD! Ano na naman po ba 'to? Bakit nandito siya sa tabi ko. Napansin ko na nasa kwarto na pala ako. Buti na lang at hindi nagising si Kei sa kakulitan ko. Ang himbing himbing ng tulo niya. Infairness mas cute siya kapag tulog siya.

Napasmile na lang ako sa nakikita ko. Sorry girls ang swerte ko ngayon. Quotang quota na nga ako. 

TO BE CONTINUED ..

 NEXT CHAPTER : YOU MAKE ME CRAZY 

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon