Chapter 13 : SPORTS DAY NA !!

711 33 5
                                    

 Chapter 13 : SPORTS DAY NA !!

 CHA'S POV

Bigla akong nagising sa pagkakatulog ko ng mahimbing oras na para makipag skype kay Tito Rick. Baka mamaya masermonan ako ni Tito pag hindi ako nagpakita sa kanya. Alam niyo naman Tito's girl kasi ako.

 "EIght Na pala." Sabi ko sabay tingin sa wall clock. Bumangon ako para makaskype  si Tito Rick.  

 "Kamusta na Pip? Ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sakin. Wag mo sabihing ipinagpalit mo na ko kay Kei?" Peste naman tong si Tito. Kakagising ko lang tapos pangalan na agad ni Kei ang pamungad niya sakin.

"Wag ka ngang mang asar diyan Tito. Di hamak na mas Pogi ka naman dun." Pambobola ko sa kanya. Alam ko naman na yun ang gusto niyang marinig. 

"Ows. Maniwala ako sayo. Kamusta naman sila at si auntie?" Muling tanong ni Tito. 

 "Okay naman ako dito medyo nagaadjust pa din di lang siguro ako sanay na may hatid at sundo akong mga men in black ang porma."  Natatawa kong sabi kay Tito.

 "Loko ka talaga pips, pinoprotektahan ka lang ng lola mo kaya may bantay ka palagi." Ako? Prinoprotektahan? Kanino naman? 

 

 "Kaya ko naman yung sarili ko Tito. Hindi ko na kailangan ng men in black o kung ano man sila para protektahan ako."  Pagmamalaki kong sabi kay Tito. 

 "Mukhang hindi ka pa ata sanay sa estado ng buhay mo ngayon. Hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng Song na nakakabit sa pangalan mo." Seryosong sabi ni Tito. Ngayon ko lang nakitang ganito ang reaksyon ni Tito. 

Napaisip ako sa mga sinabi ni Tito. Habang tumatagal lalong dumadami yung mga tanong na nabubuo sa isip ko. Lalo akong naguguluhan kung sino ba talaga ako. 

"Sige Tito tulog na ko. Mapapalaban pa ko bukas. Sports Day na kasi namin sa school." Masigla kong sabi para maiba yung mood.

"Okay sige piips. Goodnight ! ingat ka dyan at Goodluck sa mga game mo bukas. Sayang lang at di ko mapapanuod yan."  May lungkot akong naramdaman sa mga salitang iyon ni Tito.

Sa buong Highschool life ko never ko pang naexperience na may kapamilya akong nagpunta para magcheer sakin tuwing sports festival. Nakakingit nga yung ibang mga students minsan. Kaya nililibang ko na lang yung sarili ko sa mga sports kung san ako kasali para kahit papano. Mawala yung lungkot na nararamdaman ko.

 "Goodnight din po." Sabi ko sabay patay  ng laptop. Napabuntong hininga na lang ako. 

Kinabukasan maaga akong nagising dahil kami ang in charge kaya kailangan naming mauna sa event.  Inihatid ako ng mga Men in Black kasama si Henry. Si Kei? Ayun tulog pa. Bahala siya sa buhay niya as if naman na hintayin ko pa siyang gumising.ASA.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon