Chapter 26 : WHO'S THAT GIRL?

619 30 7
                                    

Chapter 26 : WHO'S THAT GIRL? 

Naglakad na ako papunta ng gate ng school. Malayo pa lang nakita ko na si Paul. Kaya naman nilapitan ko agad siya. "Tara?" Yaya ni Paul.

Nagtataka siguro kayo kung bakit mag kasama kami ni Paul? Well sasabihin ko na. Magpapatulong kasi ako sa kanya na gumawa ng isang special cake para sa section namin. Thank you gift ko 'to sa kanila dahil sa effort nila at syempre dahil sa tulong na ginawa nila sa akin.

"Nakita ko si Kei kanina na may kasamang babae. Kilala mo ba siya?" Biglang sabi ni Paul. Kala ko pa naman matatahimik na kahit sandali yung isip ko. Wrong timing naman si Paul."Hindi." Matipid kong sagot.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ni Paul. Napahinto ako bigla sa paglalakad. Ngumiti si Paul at lumapit sakin.“Alam na alam ko kung anong pakiramdam ng nagseselos kaya hindi ka pwedeng magsinungaling sakin." Sabi ni Paul. Medyo nailang ako sa ginawang paglapit ni paul sakin.

Ipinatong ni Paul ang ulo niya sa balikat ko at huminga ng malalim. Nagtataka ako sa ginagawa ni Paul.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalala kong tanong. "Mababaliw na yata ako.” Sabi ni Paul."Ha?" Nakakaloka naman si Paul. Ano bang pinag sasabi niya. Mababaliw? Bakit may gumugulo ba sa isip niya?

 Iniangat niya na ang ulo niya at tumingin sakin ng diretso. Tumatawa naman ngayon si Paul. Hala siya? Mukhang nababaliw na yata talaga siya.

"Ang cute mo kasi kaya hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Nakakabaliw na." Sabi ni Paul sakin at kinurot ang dalawa kong pisngi. “Baliw! Baliw! Baliw!" Asar ko sa kanya. Pambihira. Akala ko ba ako lang ang baliw dito sa story ko. Bakit pati Paul nadamay na din?

Nagtawanan lang kaming dalawa. Sa sobrang kwentuha naming dalawa habang nasa daan kami hindi namin namalayan na nakarating na kami sa Cake Shop. Sila Paul nga pala ang may ari ng Shop na 'to kaya nakakuha ako ng discount sa inorder ko.Chineck ko yung phone ko kung anong oras na. Nakita ko na madami ng missed calls at text messages.

"25 missed calls, 37 messages. Baka importante yan." Sabi ni Paul habang nakatingin din sa phone ko.  Binuksan ko yung inbox ko. Puro text messages nila Kate at Kathleen. Napahinto ako sa pag scroll down ng makita ko yung name ni Kei.

Nag message pala siya sakin.

Ito yung Text ni Kei.

"Nasaan ka na? Pupuntahan kita."

"Kanina pa kita tinatawagan, pakisagot yung phone."

"Sagutin mo yung tawag ko”

 "Tara na baka ma late ka pa." Sabi ni Paul. Nagpahatid na kami ni Paul sa driver nila. Mga ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay nila Kate.Bumaba na kami ni Paul ng sasakyan. Dala dala niya yung cake."Hanggang dito na lang ako Cha."

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon