Chapter 44 : DONT TRUST HIM

404 27 4
                                    

 Chapter 44 : DONT TRUST HIM

CHA'S POV

2 days na ang nakakalipas simula ng duamting sila Shin dito sa school. Pero wala naman nangyayaring problema. Nakakaramdam ako ng awa para kay Shin. 

Nakaupo ako magisa sa may garden. nagpapalipas oras lang dahil breaktime naman. 

" Pwede ko bang malaman kung anong iniisip mo ? " biglang tanong ng tao sa likod ko.

Naramdaman ko na lang na may sumandal sa balikat ko.

Si Kei.

" Kapareho lang pala natin si Shin na naiipit sa nakaraan ng mga pamilya namin. " kwento ko kay Kei

" Depende naman sa isnag tao kung habang buhay syang magpapatali sa nakaraan nya. At hindi iyon ang pinili nating gawin. " sagot ni Kei

Tama si Kei. Kung hinayaan ko ang sarili ko na mabuhay sa nakaraan, malamang hindi ko kasama ang tinuturing kong bagong pamilya ngayon, at malamang na hindi ako magiging masaya.

" Thank you .. " mahina kong bulong sa kanya

" Bakit ka nag tha- thank you ? " tanong ni Kei 

" Kung hindi dahil sa pagdating mo.. Baka hanggang ngayon galit pa din ako sa sarili ko. at hindi ko matututunan na maging masaya. " nakangiti kong sabi

Bigla na lang yumuko si Kei

" Argh! amazona ka talaga .. " bigla nyang sabi

" Problema mo ? " naiinis kong tanong

Teka .. parang alam ko na kung anong nangyayari kay Kei

" Hahaha!! wag mo sabihing kinikilig ka sa sinabi ko ? " pang aasar ko sa kanya

Hindi kumikibo si Kei na umiwas ng tingin sakin.

" Kainis .. " mahina nyang sabi

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon