Chapter 34 : CONFESSION

578 29 7
                                    

 Chapter 34 : CONFESSION

Maaga akong nagising para mag ready. Medyo kinakabahan ako pero syempre kailangang lakasan ang loob. Para 'to kay mama at papa. Hindi ko na 'to pwedeng atrasan. 

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Cha tara na nandyan na yung sasakyan sa baba." Sabi ni Kei.

Bigla akong na concious sa suot kong pink na dress witch matching pink high heels din. First time kong magsuot ng ganito. Hindi ako aware sa kung anong ginawang ayos ni Cindy sa buhok at mukha ko na nilagyan niya daw ng make up. 

"Palabas na ko." Actually hindi na ko tumingin pa sa salamin. Bahala na kung anong magiging reaksyon nila sa akin ngayon. 

Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa harap ko si Kei na naka coat. Saglit kaming napahinto ng makita namin ang isat isa. Medyo na shock na naman ako sa kagwapuhan ng nilalang na 'to.  

"Problema mo?" Buti na lang at nauna na akong nagsalita. Napansin kong umiwas ng tingin agad si Kei sakin. May mali ba sa suot ko?

"Nagtratransform din pala ang mga amasona kahit papano." Okay. Heto na naman po siya. Todo asar na naman sa itsura ko.

 Ngumit siya at tumingin sakin.

At bigla bigla na lang syang lumapit sa akin. Napapikit na lang ako. Mukhang alam ko na kung anong gagawin nya.

Habang nakapikit ako naramdaman ko ang paghinga ni Kei . Malapit lang sya sakin. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Kaya naman medyo idinilat ko ang isang mata ko para tigan kung anong ginagawa nya.

" Huli ka " muling sabi ni Kei

Bigla ko na lang naramdaman ang mga labi nya sa pisngi ko. Nangaasar ata tong lalaking to. akala ko kung ano na..

Pero teka? baket parang nag eexpect ata ako na hahalikan nya talaga ako ?! waaaah!!!

" Kita mo na. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko sayo " biglang sabi ni Kei

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakaloka na naman tong ipinapakita sakin ni Kei

Hindi na naman ako nakapagsalita pabalik kay Kei. Lagi na lang akong ganito tuwing ipinapakita ni Kei sakin kung anong nararamdaman nya. Na guiguilty ako sa sarili ko dahil nagiging unfair ako para kay Kei. 

" Tara na, baka malate pa tayo " sabi ni Kei na tumalikod na mula sa akin at nagsimula ng maglakad.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon