Chapter 46 : TRUTH OR LIE

246 28 3
                                    

Chapter 46 : TRUTH OR LIE 

CHA'S POV

Naging successful naman ang plano ko nang pagiwas kay Shin. Ang kailangan ko na lang malaman ngayon e kung ano ba talagang kailangan ni Shin. 

Dumating na ang araw ng Courage test at Star gazing activcity ngayong Friendship week.

Mukhang madaming participants ngayong gabi. Buti na lang at napaghandaan namin ang lahat.

" Malapit na tayong magsimula sa Courage test " sabi ni Shin.  Sya kase yung naka assign ngayon sa courage test dahil kanila namang idea yun.

Inexplain muna ni Shin ang magiging takbo ng Courage test bago mag simula.

" Isang pair ang papasok every 5 minutes sa loob ng school. bibigyan namin kayo ng map para alam nyo kung saan yung tamang way. Meron lang kayong 15 mins para tapusin ang courage test. Dito natin masusukat kung gano kayo katapang " paliwanag ni Shin sabay tingin sakin.

Tingin na alam kong may kahulugan. Pagbibigyan ko sya sa gusto nyang gawin, malaman ko lang kung ano ba talagang gusto nya.

Nagbunutan na kami ng mga magiging Pair namin. At dahil kame ang Organizers ng event , dapat daw isa sa mga Organizers din ang kapareho namin para nagagawa pa din namin yung mga duties namin.

Nagulat na lang ako ng malaman kong si Shin ang partner ko.

" Excited ka na ba ? " masaya nyang tanong.

Hindi ko sya sinagot sa tanong nya. Expected ko na na mangyayari to. Dahil malakas yung feeling ko na planado nya ang lahat.

Nagsimula ng magsipasukan sa loob ng Building ang bawat pair. Bawat pagpasok ng pair ay may interval na 5 mins. 

Huli kaming papasok.

Kahit na medyo takot ako sa multo. Nilakasan ko pa din ang loob ko sa possibleng mangyari. Pagpasok namin sa loob. Halos madilim ang buong paligid. No doubt kung bakit courage test ang tawag dito. Dahil kung matapang ka makakakayanan mong maglakad sa madilim ng hallway ng building na to.

Buti na lang at may dala akong flashlight at nakikita ko pa ang dinadaanan namin. Tahimik lang sa loob. Naririnig ko lang yung mga sigawan nang ibang mga students na mas naunang pumasok sakin.

Aaminin ko , medyo kinakabahan ako .

" Okay ka lang ba ? kanina ka pa di nagsasalita dyan " biglang tanong ni shin.

 

" Okay lang ako. " matipid kong sagot.

 

Napa smirk si Shin sa sinabi ko.

FAVOR FOR A DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon