"Hoy Gian!! alas-7 na !!! baka gusto mong bumangon na??"
Kung pwede lang naman , BAka nakakaistorbo SAYO??!!!
(sigaw ni ate Mila may kasamang batok yun ah)
(author: Mila-AtE ni Gian maganda at sexy, sweet syang ate at may pagka-tapang din, super close silang mag-ate)
"Tinatamad akong pumasok nagyon eh" sabi ko habang humihikab
"Hoy Gian !! baka gusto mong ibuhos ko sayo tong kape ko ha ??!!" malakas na sigaw ni ate
"Oo na eto na tatayo na nga ohh ..." (hindi kasi nagbibiro si ate ,talagang bubuhusan ako ng kape nun.Sa katunayan nga eh ilang bese nya na akong nabuhusan ng kape para piliting pumasok..)
Tumayo na ako,kumuha ng makakain sa ref at pagkatapos kong kumain, naligo ako at nagbihis,harap sa salamin lagay ng konting wax at spray ng pabango #BANG!! Ready na ako para pumasok :D
Naglalakad ako palabas ng bahay at nakita ko si ate nagulat ako dahil bihis na bihis at naka-RED DRESS pa sya O.O wow ang ganda nya!!
"Te Mila san lakad natin ang ganda mo ahhh!!" tanong ko
"SECRET! tanong tanong ka pa diyan , eh alam mo naman na specila day ko to noh!" sagot ni ate
"Bbbakit?" nagtatakang tanong ko sabay batok nya sakin
"Baka gusto mong tumingin sa kalendaryo ha! HELOOOO!! Feb. 14 lang naman ngayon ... as in "VALENTINES DAY" maarteng sagot ni ate Mila sabay diin sa salitang VALENTINES DAY
"ANO???" sagot ko na halata ang gulat sa mukha ko..
"So kelangan ulitin ko ?? SHunga ka talaga dyan ka na nga! Naghihintay sakin si kuya Kenji mo" sagot ni ate .
(author : KENJI - sya ang sweet at romantic at super bait na boyfriend ng ate ni GIan si Mila)
Papalabas na ako ng gate at nakita ko si ate Mila at kuya Kenji na sweet na nakasakay sa kotse..
"Wait Gian !" tawag sakin ni kuya KENJI
"Bakit kuya??" tanong ko
"Ipagpapaalam ko lang sayo yung ate mo" nakangiting sabi ni kuya Kenji
"AHH yun lang pala ehh . Kuya may tiwala naman ako sayo ehh " nakangiting sabi ko
"Pano yan alis na kami goodluck na lang sa studies mo ha "
"Cge kuya ingat kayo !!! sabi ko at sumilip si ate Mila sa bintana ng sasakyan sabay sigaw
"MAG-GIRLFRIEND KA NA KASI !!!!!"
Napakamot lang ako ng ulo kay ate,, ganun lang talaga sya pero love na love ko ang ate ko :">
