Substitute teacher

13 1 0
                                    

(Jian)

Krrrrring!!!

5:30 am na pala hay!

Tumayo na ko para magtimpla ng kape

Ooooops! Uupo sana ako sa maliit na sala namin ng makita ko tong bakulaw na to.

Oo nga pala dito pala sya NAKISILONG,NAKIKAIN AT NAKITULOG kapal ng mukha!!!!! Kala nya siguro nakalibre na sya

YUN ANG AKALA NYA (evil smile)

"Hoy gising!"

Aba ang tindi matulog nito ah sampalin ko kaya?? Buhusan ko na lang kaya ng tubig yung galing sa ref para masaya ,hmmmmmm wag na baka manghiram pa ng damit pag nabasa sya eeww

"Hoy gising sabi eh!!!!!! Hoy!!!! Hoy Gisiiiiiing!!!!!!!" Sigaw ko habang tinatadyakan ko sya , mukha namang nagigising na sya.

"Ano ba istorbo natutulog pa ko ehhh!!" Sabi nya pero tinadyakan ko sya sa ulo dahilan para tuluyan na syang bumangon ,Ang sama ng tingin nya sakin ah pinandilatan ko naman sya ng mata.

"Bakit ka ba nananadyak!" Inis nyang sabi

"Kung hindi pa kita tinadyakan di ka pa magigising eh!" Sagot ko pero tiningnan nya lang ako ng masama.

"Hoy kapal ng mukha mong titigan ako ng masama ah!!" Sigaw ko tsaka ko sya binatukan kakaasar eh.

Iniwas nya na lang yung tingin nya sakin nabadtrip siguro sa pagtadyak ko.

Maya maya ay tumayo sya at pumunta ng cr. Pagkalabas nya ng CR dire diretso sya sa pinto palabas pero bago nya yun buksan hinawi ko yung kamay nya.

"Ooops teka lang ,aalis ka ng hindi ka nagbabayad ??,hindi naman yata tama yun!"

"Anong bayad??" Tanong nya

"Bayad sa PAGSILONG,PAGKAIN AT PAGTULOG MO DITO bale 500 lahat" :) sagot ko at nginitian ko sya yung pangasar na ngiti.

"Ano 500 Bakit naghugas naman ako ng plato kaya dapat may bawas yun!!!??" gulat nyang tanong.

"Dapat may bawas pero binasag mo yung baso tsaka nasugatan pa ko ohh akin na 500!" Pinakita ko sa kanya yung sugat ko sa kamay, sya kaya may kasalanan nito kaya dapat talaga syang magbayad.

"Oh sige na eto oh!" Inabot nya na sakin yung pera.

"1-2-3-4??? Hoy teka kulang!!!" Sabi ko pero tinakbuhan na nya ko.

Aba't tsk! tsk! tsk! Naisahan ako ng bakulaw na yun  ah!!!

Humanda sya sakin makikita ko pa rin naman sya mamaya eh.

Inubos ko na yung kape ko pagtapos nun yung natirang kanin kagabi sinangag ko sayang eh.

Pagkatapos kong kumain naligo na ko.

Dahil wala si tita Melanie ako muna ang magtuturo sa mga estudyante nya di bale ngayon lang naman to eh .

--------------------------------------------

Inhale , Exhale

Pumasok na ako sa room ,Sobrang ingay may nagaasaran , may nagliligawan ,may nagpupulbos etc.

"Ehem!" Lahat sila napalingon sakin pagkatapos parang walang nangyari tinuloy lang nila yung mga ginagawa nila inis na ko ah pero kaylangan kong pigilan.

"Ikaw lalaking nagpupulbos ,ibigay mo sakin yang pulbos mo,Ikaw akin na yang lipgloss mo, Ikaw lumipat ka ng pwesto !!" Nagulat sila sa ginawa ko at bigla silang tumahimik ,hay sa wakas nakaramdam din kayo.

"Uhmmm wala nga pala ngayon si tita, este Maam Melanie kaya ako muna , wag kayong magalala ngayon lang to bukas nandito na sya. Bago ako Magsimula ako nga pala si Jian Gallardo, GOODMORNING SA INYO."

"Good morning Maam Jian Maam Gallardo !" Anu daw! Ang gulo ah di bale na nga lang.

"Ok tumayo yun mga magrereport, 10minutes para sa dalawang magrereport ngayon, at pakilabas yung notebook nyo pakikopya yung nasa manila paper at makinig kayo sa kanila para sa quiz mamaya.

Nagsimula na silang magreport ayun yung dalawang nagreport kanina sila rin yung nagbigay ng tanong para sa quiz.

Pagtapos nun pinasa na yung papel sa mga nagreport sila na yata  yung magche-check nun.

"Ok pakiligpit na lahat ng mga gamit at pumila sa labas papuntang covered court."

"Yes practice na!! " excited na sabi nila

Nakapila na silang lahat kaya bumalik ako sa room para i-check kung may naiwan pa at ayun hindi nga ako nagkamali kasi may lalaki dun na sarap na sarap sa pagtulog at parang namumukhaan ko pa!

"Hoy ikaw baka gusto mong gumising!" Nagising naman sya agad.

"Panaginip ba to bakit may bruha dito hanggang ngayon iniistorbo nya pa rin ako sa sa pagtulog ko." Aba ang kapal ng mukha nito ah kung wala lang ako sa room na to sinapok ko na to eh.

"Hoy pasalamat ka nandito tayo sa room ,kung ayaw mong ipahiya kita dito tumayo ka na at pumila ng maayos!" Bulong ko nagulat yata sya dahil masyado akong malapit pero tumayo naman sya agad, estudyante pala sya ni Tita pag minamalas ka nga naman.

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon