Heartbreak

31 1 0
                                    

Gian

Nandito ako ngayon sa bahay.

Dahil Linggo ngayon nagsimba si ate kasama si Kuya Kenji sinasama nga ako kaya lang ang aga naman  tinanghali pa ko ng gising.

May ipapakilala daw si kuya sakin mamaya paguwi nila, dapat may lakad kami nila Jacob ngayon kaya lang lagot ako kay ate pag umalis ako.

Habang nakikinig ako ng music naamoy ko yung masarap na niluluto ng kasambahay naming si Manang Elen, sya na talaga ang nagalaga sakin maliit pa lang ako si Mama kasi nagtatrabaho abroad kasama si Papa.

Dingdong!

Mukhang ayan na sila ate.

Sinilip ko sa bintana sila habang bumababa sa kotse nakita ko yung ipapakilala sakin ni Kuya Kenji nakawhite dress sya hindi ko masyadong makita yung mukha ng babae kaya binaba ko na yung kurtina hindi naman ako interesado eh.

"Uy soundtrip ah di ako napansin, mamaya na yan at may ipapakilala ako sayo dali!" kinuha ni Kuya Kenji yung headset ko at dinala ako sa sala.

"Kuya Kenji naman kaya ko na wag mo na ko alalayan!" pagmamaktol ko at hinawi ko yung kamay nya sa braso ko.

"Mahirap na baka tumakas ka nanaman!" naalala pa pala ni Kuya yung ginawa kong noong pagtakas nung minsang maay ipakilala sya sakin.

"Jian meet Gian my little brother!!" sabi ni Ate tapos nag sabay silang tumawa ni Kuya Kenji.

"Nakakatuwa parehas pa sila ng pangalan hahaha!" bulong nila kuya pero rinig na rinig ko.

Halos nanigas ako sa pagkakatayo ng makita ko yung bruhang pamangkin ni Maam Melanie.

Nginitian nya ako pero halatang peke kasi bigla nya akong inirapan, kakaiba sya ngayon kasi nakaayos sya pero parang ang lungkot nya na ewan.

" Hoy Gian bat di ka makapag salita dyan? sigaw ni ate. "Bro pwede mo syang tawaging Princess para di kayo malito first name nya yun!" dugtong ni Kuya Kenji.

"Hello Ppppriiincess!" yun na lang nasabi ko mukahang mamalasin nanaman ako nito tsk tsk.

"Naku mukhang nagkakahiyaan pa yung dalawang to!" biro ni Kuya Kenji.

"Kuya Kenji salamat po ah pero uuwi na ko." Bakit parang malungkot yung boses nya?.

"Princess mamaya na kasi may sasabihin pa kami ng Ate Mila mo sa inyo kain muna tayo." pigil ni kuya pagkatapos ay kumindat kay ate.

"Kainan na !" sigaw ni ate Mila.

Umupo na kaming lahat at sabay-sabay na kumain. Tiningnan ko si Princess bruha pero nakayuko lang sya na parang ang lungkot talaga nya ngayon, hay naku bakit ko ba yun pinoproblema!

"Alam nyo itong si Princess mahilig kaming kumain ng ice cream nyan dun sa may playground hahaha ang cute-cute nga nyan eh lagi talaga akong excited umuwi galing school kasi inaabangan ko sya para may kasabay ako hahaha naaalala ko sa kanya yung step sister ko,nakalimutan ko pala isama sya sayang !" kwento ni kuya ngayon ko lang nalaman na close na close pala sila ng Princress Bruha na to!

"Ah Kuya Kenji may aaminin pala ako sayo!"

"At ano naman yun Princess ,mas lalo ba akong pumogi ha?"

"Gusto kit--ko aminin sayo na inimbento ko lang yung name ko na Princess hehe Jian lang talaga yung pangalan ko hehe!" grabe sinungaling din pala sya!

"Hahahhahaah! naku ikaw talaga di bale Princess pa rin ang itatawag ko sayo,Mommy bagay naman sa kanya ang Princess diba?"ang bait naman masyado ni kuya sa babaeng to!

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon