A bad morning

19 1 0
                                        

Jian

"Tok! Tok! Tok! Hoy Gian Lumabas ka dyan may pasok ka pa tanghali na!!!"

Nagising ako sa isang malakas  na pagkatok at pagsigaw.

Parang pinupukpok sa sakit ang ulo ko ngayon tapos sasabayan pa ng malakas na katok at hiyaw nakakabwisit!

Nagtaka ako nang makitang iba na ang suot ko at nagulat nang makita si Kuya  Kenji,Ate Mila at ang kapatid nyang bakulaw! Bakit naman sila nandito?

Nagtataka ko silang tiningnan tatlo silang nakatingin sakin at gulat na gulat ang itsura.

"Princess?" Sabay at gulat na sabi nina Kuya Kenji at Ate Mila.

Hanggang ngayon ay  nabibigla pa rin ako sa nagyayari.

Pano ba ako napunta dito?
Bakit iba yung suot kong damit?
Anong ginagawa ko dito?
Natulog ba ko kasama ang bakulaw na to?
Pinagsamantalahan ba nya ako habang tulog ako kaya iba na ang damit ko?

Masama kong tinitigan si bakulaw,pawisan sya at namumutla.Nakakabwisit yung itsura nya.

Nakita ko na lang na bigla nyang tinulak si Kuya Kenji at Ate Mila at nilock nya ulit ang pintuan.

Tumingin sya sa pwesto ko.

"Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko sa kanya.

"Teka wala naman akong gagawin sayo!" Sagot nya.

"Anong ginawa mo sakin kagabi ha? Manyakis ka! Kadiri ka---" Naputol na ang sasabihin ko dahil sumingit na sya.

"Wala akong ginawa sayo! Alalahanin mo,lasing ka kagabi diba?"

Pag kasabi nya ng lasing ako,dun ko naalala na inaya ko pala syang uminom ,naparami siguro ang ininom ko kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.

Pero teka, hindi ko maalala na nanghiram ako ng damit sa kanya!

"Hayop ka! Lasing nga ako! naalala ko yun! pero hindi ko maalala kung panong nangyari na iba na ang damit  ko ngayon!" Malakas na sigaw ko saka ko sya pinagpapalo ng kung anong bagay na hawak ko ngayon.

"Buksan nyo ang pinto !!!!" Malakas na sigaw ni Ate Mila.

Hindi ko iyon pinansin patuloy ko lang na hinahampas  ang bakulaw na to nagiinit ang dugo ko sa kanya!

"Tama na wala akong ginawa sayo magpapaliwanag ako!"

"AYOKONG MARINIG ANG PALIWANAG MONG MANYAKIS KA!ANG DAPAT SAYO PINAPATAY!" Malakas na sigaw ko inikot ko ang mata ko para humanap ng malaking bagay na pwede kong ihampas sa kanya,lampshade ang nahagip ng mata ko kaya yun ang kinuha ko para ipukpok sa kanya pero nakuha nya ang kamay ko pilit nyang kinukuha ang lampshade sa akin pero malakas sya nadaganan nya ko at nakuha ang lampshade na hawak ko at biglang bumukas ang pinto.

"Princess,Gian ano to?" Sabay na tanong ni Kuya at Ate Mila.

Malakas kong tinulak ang bakulaw na nakaibabaw sa akin.Kadiri! Ganun pa yung pwesto namin tapos kitang kita pa kami ni Kuya Kenji Nakakadiri!!!

"Pwede ba ipaliwanag nyo sa amin ang lahat ng to bakit? Ang babata nyo para gawin to!" Nagaalalang tanong ni Ate Mila. 

"Teka Ate wala kaming----- ano -- mali--hindi namin yun ginawa--mali ang iniisip nyo!!" Paliwanag ni bakulaw.

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon