Jian
Napasubo pa yata ako sa pagpayag dun sa bakulaw na yun na maging partner nya sa prom tsk! Pag di ko naman yun ginawa,sasabihin nya kay Kuya Kenji yung nalaman nya nakakainis bakit pa kasi nya nalaman yun eh!
"Oh Jian bakit naman ginabi ka na? Ano yang kahon na yan? At sino naman yung naghatid sayo dito,boyfriend mo?" Sunod sunod na tanong ni Tita tsk hindi pa nga ako nakakapasok ng pinto eh!
"Pwedeng pumasok muna ako?" Naupo ako sa may sala kinuha naman ni Tita yung kahon na dala ko.
"Oh Jian ang ganda naman nito! San mo naman gagamitin tong dress na to,parang bagay sakin ah." Inangat ni tita yung damit tsaka nya inilagay sa sarili nya at tumingin sa salamin.
"Tita ikaw magligpit nyan ah!" Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumain ,marami naman akong kinain kanina eh pero parang kulang pa rin dapat pala nag take out pa ko para lalong nagastusan yung bakulaw na yun! Sayang.
"San mo nga kasi to gagamitin?" Tanong ni Tita.
"Aattend ako ng prom." Tipid kong sagot.
"Oh akala ko ba wala kang hilig sa ganyan? Tsaka sino kasama mo?"
"Kakilala ko lang." Sagot ko tsaka ako sumubo ng pagkain.
"Kakilala sus baka boyfriend mo,yun bang naghatid sayo kanina ? Sus dalaga na talaga ang pamangkin ko!"
Umiinom ako ng tubig , pagkatapos sabihin yun ni tita naibuga ko yung ininom ko.
"Oh anong nagyari sayo dyan?" Hinagod ni Tita yung likod ko pumasok din kasi sa ilong ko yung tubig.
"Ikaw kasi Tita !Hindi ko Boyfriend yun! MALABONG MANGYARI YUN!"
"Sus parang yun lang! Masyado ka namang defensive tingnan mo namumula ka oh!"
"Ayoko na nga ,wala na kong gana."
"Sus ang sabihin mo nagdate kayo kanina kaya busog ka na."
"Tita naman eh!"
"Lumang style na yan,alam ko na yan."
"Tita hindi nga!"
"Wehh!"
"Makatulog na nga!"
"Naku umamin ka na Jian!"
Sinara ko na lang yung pinto ng kwarto ko.Kainis to si Tita!
Patulog na ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.
Tsk istorbo! Tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Mikaela bakit kaya?
"Oh napatawag?"
"Uy Jian excited na ko sa prom tomorrow!"
"Ah ok."
"Eeeeh sana kasama ka! Gusto mo hanap kita partner kakausapin ko yung ibang classmate ko ,pwede naman eh!"
"Wag na."
"Sige na please Jian please please please!"
"Meron na kasi akong....."
"Merong?"
"Aattend ako at may partner na ko bye."
Pinatay ko na yung cellphone ko at humiga.Pag di ko yun pinatay kukulitin ako nun at magtatanong ng kung ano ano.