Na-miss kita Kuya

14 0 0
                                        

Jian

Natapos din sa wakas.

Nasan na kaya si Tita? wala man lang syang text kung nakauwi na ba sya  ang gulo talaga nya kahit kelan.

"Bulaga!" gulat sakin ni Mikaela pero di naman ako nagulat ang ganda nya kasi kahit maghapon sya sa school maayos pa rin sya eh ako mukhang ewan bat ganun?

"Hoy tulala ! Di man lang nagulat to ,Nakakainis ka!" Sabi nya pero di sya galit parang naglalabing na bata yung tono ng boses nya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi di mo man lang sinabi na kamag anak mo pala si Maam Melanie tsaka di ka man lang nagtext na ikaw magtuturo samin!"

"Ah yun ba ! Sorry naman!"

Kahit kakakilala ko lang kay Mikaela palagay na loob ko sa kanya at alam kong sya rin, ewan ko pero may mga tao talaga siguro na bigla na lang magiging close at kumportable kayo sa isat-isa kahit di kayo ganun katagal magkakilala.

"Ang tamlay mo girl ! Ice Cream tayo!" aya nya sakin alam nya talaga na yan lang makakapag pasaya sakin.

"Sige tara!"

"Sabi ko na nga ba eh hahaha ,San ba tayo bibili 7eleven??"

" Ah kung pwede dun tayo sa park? Gusto ko kasi yung sa nilalako eh ."

" Ah sige no problem!" Sagot nya buti pumayag , isa sa mga nagustuhan kong ugali nya ay yung hindi sya maarte kahit mayaman sya.

"Ay teka wala ka bang sundo ngayon? Baka hanapin ka."

"Naku wag mong isipin yun akong bahala nandyan naman si Papa eh kakampi ko yun!"

Nakaupo na kami dito sa park nakakarelax talaga kumain ng ice cream ang sarap sa paki ramdam! Nakakagoodvibes :)

" Lam mo may tatanong ako sayo pero wag ka sanang magagalit ah!"

"Ano naman yun?"

"Eh kasi bakit ang tapang at ang sungit mo pag sa iba tapos sakin hindi?" gusto kong matawa sa tanong nya pero bakit nga ba mabait ako sa kanya?

"Bakit gusto mo bang sungitan kita sabihin mo lang." sagot ko.

"Hay di mo naman ako sinagot eh!" sabi nya.

"Edi "OO" na tayo na hahaha!" biro ko.

"Hahahah uy comedian!!" sabi nya habang tumatawa ,minsan lang makapagjoke eh.

"Uy may ice cream sa ilong !" sigaw nya tapos tinuro nya yung ilong ko.

"Uy ikaw din!!" pinahiran ko sya ng ice cream sa ilong.

"Ang daya!" Sigaw nya parang bata nanaman yung tono nya.

*flashback*

Pauwi ako nun galing sa school grade 5 o grade 6 yata ako nun.

Hawak ko yung tirang limang pisong barya sa baon ko para ipambili ng ice cream kaya lang habang hinahabol ko yung manong na nagtitinda biglang nalaglag yung mga barya ko.

Gusto kong maiyak nun kasi tinira ko pa yun sa baon ko tapos mawawala lang.

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon