Jian
Nandito na ako sa bahay.
Nakapag-saing na ako pero wala pa rin si Tita Melanie.
Makapagbihis nga muna.
Ayan mas kumportable talaga pag naka-sando at shorts lang.
Manunuod muna ako ng dvd.
Horror movies ang mga favorite kong panuodin kaya eto makapwesto na nga
nakaupo ako sa sala set tapos may hawak na tagpi-pisong chi-chirya masarap pag may kinukut-kot habang nanunuod.
" Tok! Tok!"
aiyysh istorbo naman!
Si tita na siguro yan
"Tita bukas yan itulak mo lang!"sigaw ko habang tutok pa rin sa palabas.
"Ahm eto ba yung bahay ni maam Melanie Gallardo?"
"Ay bakulaw!" nagulat ako kasi boses lalake pagtingin tsss yung Bakulaw nga
"An0ng Ginagawa m0 ditong bakulaw ka ha!" tanong ko.
"Ah. eh. an0. kasi. Ano pinapahatid ni maam Melanie yung gamit nya,hindi daw sya makakauwe"sagot nya
"Ano! Eh bakit daw?" tanong ko ulit.
"Hindi ko alam sige alis na ako" tapos nilagay nya yung gamit ni tita sa may gilid
"Hoy panung hindi m0 alam eh nasayo nga yung gamit nya!!" sigaw ko
"Eh wala naman syang sinabi eh,tsaka bakit di mo na lang sya itex o kaya tawagan" sabi nya
"Oo nga tama, akin na yung cellphone mo dali" sabi ko
"Oh bakit cp ko pa!?" tanong nya
"Eh wala akong load eh ,akin na bilis!" tapos napilitan syang iabot yung cp nya.
"Hello tita,bakit di ka uuwi?"
"Ano kasi Jian may date kami...
"Sinö tita, wag mong sabihing sa Rafael nanaman na yun,diba niloko ka na nun?"
"Nagpromise naman rya sakin e "
"Ewan ko sayo tita,eh pano yan may klase ka bukas ah!"
"Oo nga kaya ko nga pinadala yung gamit ko dyan eh , ano kung pwede sana ikaw muna .... "
"Eh tita hindi naman ako makakapayag jan, may trabaho ako alam mo yan!"
"Sige na Jian plss.."
"Naku!" sabi ko hindi pwede may trabaho ako sayang ang kita
"Aahm ganito na lang ibibigay ko sayoh yung isang araw kong sweldo,tapos pasasalubungan kita at ipaglalaba pa kita tapos..."
"Wait lang tita, grabe di na ako makahinga ah sige 00 na payag na ako basta yung pangako mo ha!"
"Talaga...!!"
"Basta yung pasalubong, yung SWELDO,tapos ipaglalaba mo ako ha?"
"Oo, sige bye na Muah!"
"Bye Tita."
*CONVERSATION END*
"O ayan na celphone mo" sabi ko sa kanya tapos inagaw nya na sa kamay ko
"Eh ano pang tinitingin-tingin mo?" sabi ko kasi nakatingin pa sya sakin parang timang.
"Wala ka man lang sasabihin??" tanong nya tapos yung mukha nya medyo naiinis
"Eh ikaw nga tong walang sinasabi dyan , alam m0 mabuti pa umuwi ka na !"
"So ganun na lang yun ? Pagkatapos mong tumawag ng matagal gamit ang phone at LOAD KO ni wala man lang akong maririnig na THANK YOU dyan?"naiinis nyang sabi
"Ah yun ba , edi thank you ayan ok na!" sabi ko
"Ewan ko sayo maka-alis na nga!!" sabi nya tapos sinara yung pinto
"Paki-Lock na rin nung gate!"
sigaw ko tapos ni-Resume ko na yung movie
Nilaksan ko yung volume kasi biglang umulan di ko tuloy napansing may kumakatok na pala...
Tok! Tok!
Pagbukas ko ng pinto...