(Gian)
Sa wakas matatapos na din yung kadiring pelikula na kanina nya pa nya ine-enjoy panuorin
Nakakainis ang babaeng to di man lang marunong mang alok ng pagkain kanina pa kaya ako dito......
Tiningnan ko yung phone ko naku 8:13 pm na pala!!!!!!!
Bat kasi yang ulan na yan di man lang huminto nakakaasar talaga!!!!!!
"Nagugutom na ko." mahina kong sabi
"Wow naman nakikisilong ka na nga lang makikikain ka pa ,ayos ah!" Sagot nya tapos tumayo sya para patayin yung TV at DVD, tapos na kasi syang manuod.
"Alam mo ang sama talaga ng ugali mo!!!" Di ko na napigilan napipikon na talaga ako tsaka gutom na ako eh bahala na si batman kung susuntukin nya ako handa naman ako eh.
"Ang cute mo naman magalit lumalaki ang butas ng ilong mo. " sagot nya tapos tumayo sya at pumunta sa kusina.
Nakapagtataka dapat bubugbugin nya na ko dahil sa pagsigaw ko ah.... Anung nangyari tapos sabi nya cute ako ,alam kong cute ako pero iba yung dating nung sya na yung nagsabi.
Ang tagal nya sa kusina kaya sinundan ko na sya ,ang liit lang ng kusina nila pero malinis nakita ko sya nakatalikod,teka nagluluto ba sya para sakin??? Ang sarap tingnan ng babae na marunong magluto :)
"Hoy ,tinitingin-tingin mo dyan at naka tawa ka pa!Baliw ka ba??!" Ang lakas naman naman ng pakiramdam nito nahuli pa kong nakatawa.
"Ah-eh wala hehe." Sagot ko habang kinakamot ko yung batok ko pero inirapan nya lang ako ang laki talaga ng mata nya.
"Ano pa lang ginagawa mo?" tanong ko ang tahimik kasi eh.
"Malamang nagluluto!!!" Hay dapat pala di na ko nagtanong bumalik na lang ulit ako sa sala wala naman kasi syang kwentang kausap.
Ang bango naman adobo pala niluluto nya favorite ko yun :)
"Hoy ano ganyan ka na lang??" grabe nakakagulat tong babaeng to ah biglang sumusulpot
"Ano pwede na bang kumain gutom na ako eh." Tumalikod lang sya pero sumunod na ko sa kusina nakahanda na yung dalawang plato tapos sa gitna yung niluto nya di lang siguro sya talaga marunong mangalok.
Sabay kaming kumain ,nakita ko malakas din pala syang kumain , at ang sarap na niluto nya :)
Patapos na kong kumain ng biglang owww ang dilim !!!!!!
"Bwisit kumakain ako eh!!! " sabi nya tapos naramdaman kong tumayo sya.
"Uy san ka pupunta.??" Tanong ko pero di sya sumagot baka kukuha sya ng kandila
"WAHHHH!!" sigaw ko grabe tinutok nya kasi yung flashlight sa mukha nya tsaka nya ko kinalabit.
"HAHHAHAHHAHHAHHAHA!!" grabe lakas ng tawa nya parang di sya babae napapailing na lang ako
" Siguro bakla ka noh??" Sabi nya habang tinutok sa mukha ko yung flashlight
"Ano ba nakakasilaw!!!" Inis kong sagot
"Hahhahha di makasagot beki ka pala eh!!!" Grabe yung tawa ng babaeng to pangasar
"Hindi ako bakla , gusto mo lang yata ng kiss eh tutal tayo lang naman dalawa dito di ka ba natatakot sakin pwedeng may gawin ako sayo." Sabi ko tapos nginitian ko sya
"Gusto mo sumabog nguso mo!!!!!???" Amazona talaga to kahit naman sinabi kong pwede akong may gawin sa kanya hindi ko yun gagawin noh
Umupo muna ako sa sala no choice eh dapat uuwi na ko pero ang lakas nanaman ng ulan, kanina habang kumakain ako eh medyo tumigil naman pero ang lakas ngayon baka dito pa ko magpalipas ng gabi naku ayoko nga!!!
"Hoy maghugas ka ng plato sinuswerte ka yata dyan kung ako pa magliligpit at maghuhugas nito!!!!"
"Oo na!" Tumayo na ko at niligpit yung plato para dalhin sa lababo at hugasan ito kahit di ko naman alam kung pano
"Anong tinatanga tanga mo dyan ,wag mong sabihing di ka marunong maghugas!!??
"Syempre lalaki ako eh ano namang alam ko dyan?" sagot ko hehe para sya na maghugas mamaya mabasag ko pa to eh sisihin nya pa ko
"Eh bobo ka pala eh!! Syempre sasabunin at babanlawan mo lang yung plato parang ganito.." Kumuha sya ng isang baso at nilagyan ng dish washing liquid yung sponge at binasa at pinahid sa baso at binanlawan .
"Gawin mo lang yung ginawa ko ah ayusin mo!"
"Yes maam!" Sagot ko, ganun lang pala madali lang first time ko tong gawin ah Isa na lang yung huhugasan kong baso ng bigla ko tong mibagsak dahilan para mabasag ito ....
"Patay!! yun na lang ang nasabi ko at nakita kong nasa harapan ko na sya at pinupulot ang mga bubog.
"Ang tanga mo!" sabi nya , tumayo sya at kumuha ng dustpan at walis para walisin yung maliliit na bubog habang nagwawalis sya nakita kong nasugatan sya at tumutulo ang dugo nya sa kamay sasabihin ko sana pero tumalikod sya .
"Sorry." Mahina kong sabi ewan ko kung narinig nya ko .
May hawak syang tissue pinupunasan yung dugo nya sa kamay, tahimik lang sya parang hindi naman sya nasaktan sa nangyari kakaiba talaga sya siguro yung ibang babae iiyak o di alam ang gagawin pa nakakita ng dugo.
Matapos kong maghugas ng plato naupo na ulit ako sa sala.
"Haaaahhm inaantok na ko ." mahina kong sabi
"Uy ayos yan ah ! Nakisilong na, nakikain na at makikitulog pa grabe ang tibay mo di ah!" pangiinsulto nya
"Hindi ko naman ginustong gabihin ako dito ah , wala na kong magagawa gabi na din at umuulan pa." sagot ko
"Ok bahala ka na dyan No Choice na rin ako eh!!" sabi nya at akmang tatayo
"Teka san ka pupunta ?" tanong ko
"Malamang sa kwarto matutulog." sagot nya
"Eh ano san ako matutulog??? " tanong ko ulit
"Aba problema mo na yan!!" walang gana nyang sagot.
So dito lang ako sa sala habang sya nakahiga sa malambot na kama ni wala man lang kumot na binigay kahit unan wala din grabe talaga tong babaeng to oh ang dami pa namang lamok dito!