Ngiting Tagumpay

21 0 0
                                        

Gian

"Wooooh! Ang galing mo talaga Gian! The best ka talaga! Ang gwapo mo!"

"Hoy Gian anong sinisigaw sigaw mo dyan ha!?"

Sigaw ni Ate.

"Wala." Sagot ko ng nakangiti habang bumababa ng hagdan.

Akalain mo nga naman ,ako na ang boss ng Bruha na yun hahahaha!

Buti na lang talaga nalaman ko yung secret nya na may gusto sya kay Kuya Kenji may panakot tuloy ako sa kanya,tsaka ganti ko na rin sa kanya yun noh! Basta susundin nya lang ang gusto ko at mananahimik ako.

"Ano namang nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Wala lang ,masama bang ngumiti?" Sagot ko habang nagsusuot ng sapatos,madalas ko kasing iwan yung black shoes ko sa sala bago umakyat ng kwarto ko.

"Ewan ko sayo! Hoy ikaw siguraduhin mo lang na may date ka na sa prom ha."

"Bat ba pinoproblema mo yun ate ,ako ng bahala dun wag kang-----"

Pinutol ni Ate yung sasabihin ko.

"Ikaw kanina ka pa ha!" Sigaw ni Ate habang pinipingot ang tenga ko.

"Aray ko! Bakit mo ko piningot tsk!"

"At nagtanong ka pa talaga kung bakit ha! kanina mo pa ko sinasagot ng pabalang eh." Sigaw ni Ate habang pinipingot yung kabila kong tenga.

"Eh Ate naman eh nagtatanong ka malamang sasagot ako."

"Abat hihirit ka pa ha! gusto mo putulin ko na yang tenga mo ha!"

"Anong kaguluhan to?" Napalingon ako sa nagsalita,pagkalingon ko si Kuya Kenji pala.

Tumakbo ako sa likod ni Kuya.

"Kuya Kenji si Ate oh inaaway ako."

"Mommy tama na yan para ka namang bata eh." Sabi ni Kuya habang pinoprotektahan ako sa likod nya pilit kasi akong inaabot ni Ate eh.

"Excuse me,bata pa naman talaga ako ah."

"Ate height mo lang naman ang pambata eh hahahaha!" Pangaasar ko kay ate.

"Ikaw talaga titirisin kita !!! Lumapit ka dito!!!" Sigaw ni ate.

"Mommy paawat ka na!" Kinuha ni Kuya Kenji yung kamay ni ate tsaka nya binuhat si Ate, ang sweet nila tingnan.

"Gian ,sige na." Kinuha ko na yung bag ko at nagmamadaling umalis na para pumasok narinig ko pa si ate na sumisigaw ng "ibaba mo ko sabi eh sasabunutan ko lang yang batang yan!" Hahaha.

"The best ka talaga Kuya!!" Sigaw ko bago ko  pinaandar yung motor ko.

Nandito na ko sa school ayun sobrang ingay kanina pa nila topic yung prom bukas na kasi at ayun wala naman kaming teacher kaya konti lang kami dito sa room yung iba kasi nagpapratice ng cotillion dun sa covered court.

Itext ko kaya yung bruha ano kayang pwedeng iutos??? Nakakatawa talaga yung itsura nya kahapon eh akalain mo yun lang pala kahinaan nya! Takot pala syang malaman ni Kuya ang nararamdan nya hahahaha! Grabe paulit-ulit talaga sa isip ko yung nangyari kahapon! Sa totoo lang akala ko hindi nya ibibigay sakin yung number nya eh buti na lang gwapo ako hahaha este takot sya na sabihin ko kay kuya ,syempre pag di nya binigay number nya pano ko naman sya makocontact para utusan diba?

To:Bruha

Nauuhaw ako tubig please.... ^^

Send!

Nasa canteen naman sya nagtatrabaho eh hahaha eh yung room namin malapit sa canteen swerte sya!

After 4 minutes may kumalabit sakin.

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon