(JIAN )
Nandito ako ngayong sa bahay ng tita ko, Si tita Melanie na isang teacher sa isang Private School
Balak ko sanang mag-apply ng trabaho ... pero si tita na ang bahala dun..
Nakakainip naman wala kasi dito si tita mamaya pang hapon uwi nun..
Makagala nga muna.
Naglalakad ako sa papuntang park.....
Ang daming nagde-Date ngayon, pero anong pake ko sa kanila.. hmmm
Bumili ako ng ice cream at umupo malapit sa mga batang naglalaro,Napansin kong may isang lalakeng nagbibigay sa kanila ng Chocolate at Candy at may hawak pa syang flowers.
Pasikat naman masyado tong lalaking to!..
Napansin ko namimigay din sya ng Flowers sa mga babae... Pasikat talaga tong mokong na to..!\ NAku Wag na nga syang pansinin kainin ko na lang tong ice cream ko
SARAAAAAAAP!! :D
Kumakain ako ng biglang may kumalabit sakin pagtingin ko yung lalakeng papansin pala
"Bakit anong problema mo??" tanong ko.
"Eto oh sayo na lang " inabot nya sakin yung isang rose na hawak nya. Tiningnan ko sya ng masama at hinagis sa mukha nya ang bulaklak.
"Anong gagawin ko diyan ???" Aamuyin ?! Eh ang baho kaya ng rose at tsaka hindi mo ba nakikita kumakain ako!!! Istorbo ka eh.... sigaw ko sabay irap sa kanya.
"Eh di wag!! Ikaw na nga tong binibigyan galit ka pa! galit na sagot nya sakin
"Bakit sinabi ko bang bigyan mo ako ng bulaklak na yan ha!" Hiningi ko ba sayo yan!! Ikaw tong lalapit-lapit dito Inistorbo mo ako sa pagkain ko ng Ice creammmm!!! malakas na sigaw ko.
"Dyan ka na nga!" sagot nya sabay talikod
"HOY wag mo akong tinatalikuran Ha! nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad.
"Hinahamon mo talaga ako ah"
ETONG BAGAY SAYO!!!!!!!!!!!!!
Boom,, sapul sya sa ulo
"HAHAHAHHAHAHAH!" tinawanan ko sya ng malakas.
Nakakatawa yung itsura nya nung malagyan sya ng ice cream sa ulo pati yung mga bata dito sa park pinagtatawanan sya.
"Buti nga saYO!!" nang-aasar na sabi ko sabay tawa , tapos tiningnan nya lang ako ng masama Nag belat naman ako sa kanya sabay talikod at kahit nakatalikod ako tawa pa rin ako ng tawa.
Nagulat ako ng Biglang may Humatak sakin.....
