Pasilong Pleasssse!

9 1 0
                                        

Gian

Naabutan ako ng ulan nakakaasar tsk!

Wala pa akong payong hay anu ba yan!

No choice kaya babalik na lang muna ako dun

dun sa mataray na bruhang yun

.

.

.

.

Tok! Tok!

"Ay bakulaw!" sabi nya pag bukas ng pinto

"Pasilong naman oh o kaya peram na lang ng payong!"sabi ko

"A-YAW-KO!" sabi nya tapos akmang isasarado nya yung pinto

"Sige nanaman oh pasilong na please basang-basa na ako dito parang awa mo na"sabi ko

""Ayoko nga, kala m0 siguro nakalimutan ko na yun ginawa m0 sakin nun ha!" malditang sagot nya

"wala naman akong ginawa sayo ah" sabi ko

"Sige ipapa-alala ko sayo makinig ka: "Bahala ka dyan manigas ka antayin m0ng tumila ang ulan kung titila pa!" oh ano naa-alala m0 na!" sabi nya

Oo nga pala anu ba yan kaya nya pala ako binugbog .

"Oh sige dyan ka na ha! Sabi nya tapos isasarado na yung pinto giniginaw na ako kaya bago nya pa maisara yung pinto eh tinulak ko na kaya lang malakas sya kaya eto nagtutulakan kami sa pinto sya pasarado tapos ako pabukas

Nagulat ako kasi sa wakas nabuksan ko na ang pinto!!

Kaso ..

Naku..

delikado..

Mukhang babagsak ako dito ah..

.

.

.

.

boooooogsh!!!

Naku nadaganan ko sya patay lagot na!

Nakatingin ako sa malaki at bilog nyang mata ngayon tapos amoy na amoy ko pa ang hininga nyang am0y chichirya.

Magi-isang minuto na yata akong nakatitig sa kanya ng biglang...

Paaak!

"Tarantado ka tumayo ka na nga nakakadiri ka!"

"Tsaka alisin mo yung kamay m0 sa dibdib ko!"

Sa gulat at taranta ko bigla akong napatayo.

"Naku sorry sorry a-e an0 ka-kasi napalakas ata yung tulak ko sa pinto, wala akong balak na masama promise! Hi-hindi ko sinasadyang hawakan ang anu m0 a-ang dibdib m0"

sabi ko tapos tiningnan nya lang ako ng masama

"Umupo ka!"sabi nya

umupo naman ako.

"Pag tila ng ulan umalis ka na ha!" sabi nya

"Oo aalis ako agad wala lang naman kasi akong masilungan eh"sabi ko

Pagtapos nun parang walang nangyare umupo sya ulit tapos nanuod ng horror na palabas.

Mayamaya pa ay tumayo na sya pinause nya muna saglit yung pinapanuod nya tapos pumunta sya ng kusina saglit lang sya dun pero pagbalik nya may dala na syang umu usok-usok na cup noodles..

Hindi man lang sya nangalok umupo na sya agad at pinanuod ulit yung palabas na walang kwenta -_-

"Ang pangit naman ng palabas na yan!!"

"Pangit pala ah edi umalis ka dito, wala naman akong sinabing manuod ka eh!" sagot nya habang may laman pang noodles yung bunganga nya bastos naman nitong babaeng to nagsasalitang puno ang bibig.

Kabadtrip naman kasi tong ulan na to eh!

Bakit ba pag kasama ko sya minamalas ako??

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon