Jian meets a Friend

29 1 0
                                    

(Jian)

Pagkatapos kong turuan ng leksyon ang mokong na iyon ay umuwi na ako kaagad baka kasi hanapin na ako ni tita.

Habang naglalakad ako pauwi ay may isang babaeng maganda ang kumalabit sakin

"Miss may nalaglag ka ohh" nakangiti sya sakin sabay abot ng lollipop.

"Hindi sakin yan" sabi ko sabay talikod.

"Hindi sayo talaga to " :) kinuha nya yung kamay ko at inilagay ang lollipop sa palad ko.Napatingin lang tuloy ako sa kanya.

"Bago ka ba lang dito?" tanong nya

"Oo" sagot ko

Nagpatuloy  kami sa paglalakad tapos may narinig akong iyak ng kuting kaya tumakbo ako para hanapin yun

"Teka sandali hintayin mo naman ako!!" sigaw nung babaeng nagbigay sakin ng lollipop

"AY nakalimutan ko may kasabay nga pala ako :')" sabi ko sa sarili ko

Nakita ko may dalawang kuting kawawa naman :3

"Ano yang hawak mo??" tanong nya

"Obvious ba eh di "Kuting"?? Ohh eto sayo yung isa alagaan mo yan ha :3" sagot ko

0_ _ _ 0 "No thanks sayo na lang" sabi nya.

"Bakit ayaw mo eh ang cute cute  kaya!  sabi ko

"Sige na nga , Eh ano naman ang ipapangalan natin dito??" tanong nya.

"Basta ako "JI-Ji" ang ipapangalan ko, Ikaw mag-isip ka na ng ipapangalan mo dyan" sagot ko.

"Eh bakit naman JI-Ji ang ipapangalan mo  jan ?? tanong nya

"Eh kasi Jian ang pangalan ko kaya yun!! Bakit ba kasi ang Dami mong tanong!!" sagot ko

"Ahmmm Jian ako nga pala si Mikaela hindi pa pala ako nagpapakilala sayo :)" sabi nya

"Oo nga anu, nice meeting you Mikaela kanina pa tayo nagkwe-kwentuhan pero ngayon lang tayo nagka-kilala" :D:D

"HAHAHAHAHHAHAHA !! :D sabay kaming tumawa.

"So ang ipapangalan  ko sayo ay "Mik-Mik" ayan may pangalan na kayong dalawa" sabi ni Mikaela,

 Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi ko maiwasang mapatingin kay Mikaela kasi ang ganda nya mukha syang mayaman kasi naka-curl pa yung buhok nya tapos ang dami nyang accessories na suot.

"Bakit may dumi ba ako sa mukha?/" tanong ni Mikaela

"Wala lang nagagandahan kasi ako sayo eh :) " sabi ko

"ahh yun ba maganda ka rin naman ehh kulang ka lang sa make-up :"> " sabi nya

Nginitian ko lang si Mikaela nung sinabi nyang maganda ako alam ko kasing hindi totoo yun eh hindi naman talaga ako kagandahan .. 

 "Jian dito na ako ha salamat sa kuting hehe :"> " sabi ni Mikaela

"Ddddyan ka nakatira 0_ _ _ 0! "  nanlaki ang mata ko kasi wow super laki ng bahay nya .

"OO bakit? Tara gusto mo mag-dinner tayo sa bahay? alok nya sakin 

"Mag-aalala si tita ehh next time na lang " sabi ko

"Ahh ok penge na lang ng number mo par txt-txt tayo :)) " sabi nya tapos inabot nya sakin yung c.p. nya nagulat ako kasi "IPhone5" yung cp nya

"Ayan ok na-save ko na :)" grabe medyo nanginginig pa ko sa pag-gamit ng cp nya 

"Thanks Jian, pano yan dito na ako ha thanks sa kwentuhan :)))" sabi nya

"Sige bye na din next time ulit :) " sabi ko

 Naglakad na ako ulit medy malapit na naman yung bahay nit tita ehh . Buti nagkaroon na ako ng kaibigan dito kahit isa :)) Ang gaan ng loob ko kay Mikaela kahit ngayon lang kami nagkakilala :)

"Tita Melanie andito na po ako " sigaw ko 

"Ohh e bakit ngayon ka lang dumating tsaka ano yang hawak mo ha?? " tanong ni tita 

"Ehh tita obvius naman diba kuting tong hawak ko napulot ko lang dyan sa tabi-tabi kawawa naman kaya ayun kinuha ko na.." sabi ko

"Ikaw talaga Jian piosopo ka ha.. Halika na dito at Kumain "

"Wow tita ang sarap naman ng ulam ginataang Alimasag siguradong mapapa-dami kain ko nito :D!!"

"Syempre ako pa :)) sya nga pala Jian may trabaho na akong nahanap sayo " 

"Talaga ano po tita??" tanong ko, Excited na ko hindi na ako mabo-boring sa wakas may work na ako:)

 "Ok lang ba sayo sa Canteen sa School taga sukli ka lang naman dun ehh"

"OO naman tita kahit ano hindi naman ako mapili eh. Kelan ba ako mag-uumpisa?" sagot ko.

"Naku Jian ehhh masyado ka namang excited gusto mo Bukas na bukas din ehh pwede ka ng mag-umpisa naka-usap ko na naman si Maam Cruz yung head dun sa Canteen"!! 

"Wow sige tita matutulog na ko sabay na tayo bukas :D !!!!" sabi ko na nanlalaki ang mata sa sobrang tuwa..

Cutie couple :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon