GIAN
Kaya pala kami pinalabas magpapractice pala ng sayaw para sa prom na yan tsss.
Hanggang ngayon malas pa rin ako kasi nandito nanaman tong babaeng to eh, buti na lang natulog ako kanina kasi di naman ako nakatulog ng maayos tapos ang aga pa nya kong ginising para singilin lang!!
"Ok yung mga magkakapartner pumwesto na alam nyo naman ang gagawin nyo eh." Nye nye nye dahil ayoko ng sayaw sayw na yan at wala naman akong balak umattend sa prom umupo na lang ako sa bleacher at pinanuod sila.
"Bakit wala syang partner ?"
"Maam absent po yung partner ni Rebbeca."
"Ah ganun ba oh sige paki ayos na yung sounds at magstart na tayo,Ah Rebbeca dyan ka lang at ihahanap kita ng partner."
Nakayuko ako sa bleacher ng biglang may bumatok sa ulo ko.
"Aray!!" Sigaw ko
"Hoy kala ma nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina akin na yung 100 ko !!!" Andito nanaman pala tong bruhang to dahil ayoko na syang patulan binigay ko na lang yung 100.
"Oh!" sagot ko at kinuha nya naman yung inabot kong 100 ,mukhang pera pala tong babaeng to.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sya umaalis dito pero bigla na lang nya akong hinatak papunta dun sa mga classmates kong nagpapractice.
"Rebbeca nakahanap na ko ng partner mo." sabi nya at kinuha yung kamay ni Rebbeca at nilagay sakin.
"Ano!! ayoko nga hindi naman ako sasali sa prom eh." sabi ko at hinatak ko yung kamay ko na hawak ni Rebbeca
Nga pala si Rebbeca sya yung classmate ko na kababaeng tao wala man lang kalinis linis sa katawan tapos pag ngumiti grabe gintong ginto yung ngipin!
"Anong karapatan mong maginarte ha!" sigaw nya nya dahilan para mapatingin samin ang mga classmates ko yung mga mata nya lalo nanamang lumaki nakakatakot pero nung mapansin nyang nakatingin lahat sa kanya medyo huminahon sya kaya lang may binulong sya sakin.....
"Magpapractice ka o bubugbugin kita pagkatapos ng klase? Umaayos ka ha!"
Hindi ko alam pero iba yung dating ng bulong nya sakin , bigla na lang nanghina yung mga tuhod ko sa takot kasi ramdam kong hindi naman sya nagbibiro kaya napilitan na lang akong magpractice.
Magkadikit kami nagayon ni Rebecca at amoy na amoy ko yung di maipaliwanag nyang amoy grabe yakkk! nakakasuka pero kaylangan ko tong tiisin kasi baka bugbugin nanaman ako na babaeng yun. Napansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko , nabigla ako kasi tapos na pala at eto sumasayaw pa kami ni Rebecca napabitaw ako ng bigla sa pagkakahawak nya sakin .
"Pre mukhang nageenjoy ka dyan ah!!" pangaasar ni Jacob lakas nanaman ng trip nya.
Napansin kong nagbablush si Rebecca na ewan kaya tiningnan ko na lang sya ng masama tsss akala nya naman gusto ko sya kinikilabutan ako.
"Ok lahat makinig, pinapasabi pala ni maam Melanie na pwede ang outsider yung mga partner nyo ngayon temporary lang yan ok yun lang at salamat." Nye nye nye wala akong pakelam basta di ako aattend.
"Uy pre ang sweet nyo naman ni Rebecca kanina hahahaha!"
"Pwede ba Jacob kanina ka pa ah!"
"Meron ka ba ngayon at ang sungit mo hahahaha!" Loko talaga to eh baka mabadtrip ako lalo pa pinatulan ko pa sya kaya diretso lang ako sa paglalakad papuntang room.
"Alam mo pre ang cute ni Maam Jian gusto ko yung mga mata nya nakaka inlove."
"Ano Gian??? " nagtataka kong tanong.
" Uy ayos din ano magkapangalan kayo pero alam ko J-I-A-N at hindi G Sana sya na lang magturo satin." Magkapangalan kami!! Ano ba yan kinikilabutan ako.
"Nagpapatawa ka ba ayoko nga gusto ko pa rin si Maam Melanie noh !" Kesa sa bruhang yun na walang ginawa kundi bigyan ako ng kamalasan .
" Ano ka ba Pre palibhasa di ka marunong tumingin ng maganda bakit di mo tingnan yung mga mata nya, yung pisngi.. yung labi .. at yung nunal nya sa pisngi." nagniningning ang mata ni Jacob habang sinasabi nya yun hay naku kung alam lang nya.
"Grabe ka rin ano lahat na pinagnanasahan mo kadiri ka dyan ka na nga!" Lakas talaga ng trip ng Jacob na to kahit kelan ano bang pinagsasabi nya wala namang kagandahan yung babaeng yun eh!
"Palibahasa may Rebecca ka na eh!!!!" Sigaw ni Jacob nakakahiya, pag nagkaroon ka nga naman ng baliw na kaibigan hay nako!