Note:
= I am editing this book=
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
Anyway this is how I imagine Yell. She looks like the girl in the picture.
-------------------------------Bakit kaya pag nasasaktan ako mabilis sakin ang gumanti, ni hindi ko pa nga naiisip ang gumanti na kapanakit na pala ako tapos ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.
"Hindi ako natutuwa pag nasasaktan ako kaya automatic na sa akin ang gumanti" vengeful person kung baga.
High school na ako pero hind ko pa rin masabayan ang mga pag iisip ng mga ka-edaran ko.
Halos lahat ng tao dito sa school ilag sa akin, hindi ko naman sila inaano.
May mga kaibigan naman ako pero sa year level ko lang rin, in short mga kaklase ko lang.
Pag nag lalakad ako sa hallway kusang tumatabi ang mga tao kala mo red sea at ano? ako si moses ganun? ang aarte, mga pa bida ang daming sinasabi wala naman sa kanila ang kilala ako ng personal.
Ganito ba talaga sa high school? Pa mature kunwari pero mga isip bata naman.
Judgmental masyado ang mga tao hindi naman alam ang buong kwento pero may sarili na silang opinion, mas malala pa sila sa mga kapitbahay naming mga chismosa.
Minsan nabanggit sa akin ni Margaux, kaibigan ko yun, ang tungkol sa mga bali-balita sa akin.
Katulad ng pinaka bago.
May binugbog daw ako na junior sa likod ng principals' office pa daw mismo.
Hindi naman ako makatangi kasi totoo nga naman yun pero yung dahilan kung bakit ko yun ginawa at yung nangyari na napabalita ay mag kaibang magkaiba.
Napatingin na lang ako sa langit habang naka upo sa may bintana sa vacant na classroom.
Napa aga ang labas ko sa klase ko kaya ito tambay ako dito sa classroom na 'to mag isa pero ok lang atleast tahimik. Kakarelaks.
Isa pa yan, masyado daw ako rebelde lumalabas daw ako pag gusto ko at hindi daw ako sumusunod sa mga patakaran ng school.
Hindi naman nila alam kong anu talaga ang nangyari. Kaya nga daw imbes na bad boys ang problema ng school ko ee ako ang pri-noproblema nila dahil bad girl daw ako.
Ee mas mabuti ng lumabas kesa maingay sa loob ng classroom.
Naks di ko alam kung matutuwa ako kasi may namomoroblema sakin kahit na hindi naman talaga ako problema o madidismaya dahil imbes pag aaral ang atupagin nila ee kilos ko ang binabantayan ng mga tao dito.
Ni halos wala nga akong kilala aside sa mga ka section ko.
Sa mga taong importante sa akin lang ako nag papaliwanag at sinasabihan ko sila na hayaan na lang ang ibang tao sa iniisip nila dahil hindi ako apektado doon, sa kadahilanan na wala akong pakialam sa kanila, as in wala, nada, zero.
Tumunog ang bell kaya napilitan na akong bumalik sa classroom namin.
Ayan na naman yang mga tingin nila, kala mo ang sama sama kong tao kung maka tingin sila.
Humawi na naman sila, bali-balita kasi na binabangga ko daw kung sino man ang hindi tumabi.
Ee sa umaga ko lang naman ginagawa yun dahil nagmamadali ako dahil mala-late na ako at oo, palagi ako late sa umaga. Hindi kasi ako morning person, pang night ata ako tehehehe.
"Oi Yell saan ka na naman nag punta?" tanong sakin ni Aina.
Isa rin sya sa mga kaibigan ko at kaklase ko rin.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...