Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
~ Ichi and Vicet
----------------------------YELL POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi at nakalimutan kong i-sara ang blinds ng bintana ko.
Mas okay sa akin na nagigising ako sa alarm clock dahil feeling ko obligasyon kong tumayo at patayin sa palo ang alarm clock
Pag sikat ng araw ee parang nakakaasar lang dahil wala kang magagawa kundi bumangon na dahil umaga na.
Tirik na tirik ba naman ang araw sa pagmumukha mo ee ma i-dedeny mo pa ba?
Tinatamad akong tumayo at deretchong lumabas ng kwarto, pumuntang kusina, kumuha at uminom ng tubig ng nakapikit pa
oh ha?! yan ang talent
Teka . . .
Napamulagat ako bigla sa naalala ko. May pasok pala ako sa school ngayon!
Dali dali akong humarap para bumalik sa kwarto at magbibihis sana ng may mahagip ang mga mata ko sa sala.
Dahil maliit ang bahay ko, nakikita ang sala mula sa kusina at doon . . .
prenteng nakaupo at nanunuod ng tv ang mga kaibigan ko.
Kasama pa sila Vicet at Ichi. Kasama din nila si Baby Dus na nakaupo sa pagitan nila Margaux at Aina.
Si Aden at Cade naman ay share sa isa pang sofa at si Ichi ay nakaupo sa pang isahang upuan.
Si Vicet ay walang pakundangan na naka hilata sa sahig na may carpet habang kumakain ng popcorn.
Naka tingin si Ichi sa akin na parang sinusukat nya kung anong mood meron ako ngayong araw.
Simula nung nangyari ang pangalawang pag subok dalawang linggo na ang nakakaraan
Na busy na kami sa school dahil isang linggo na lang ang natitira at graduation na.
Dahil busy ay hindi na kami nakapag usap ng masinsinan ni Ichi. Madalas pa rin na magkasama kami, magkasabay kumain at sa bahay ko pa rin sya natutulog pati si Vicet
Pero doon na ako natutulog sa mini library ko. Madalas pa rin naman nya makasama yung mga kabarkada nya
Napapansin ko lang, sumasama lang sya pag hindi nila kasama si Britina.
Si Aden at Emma naman ay official ng magnobyo ngayon. Nangyari yun pagkatapos ng National High School Basketball Championship last week.
Ayaw pa nga sana ni Aina manood dahil kay Quint pero napilit pa rin namin.
Masyadong mainit ang dugo ng dalawa sa isa't-isa.
Si Cade naman hinahanap pa rin yung babae sa SC nung dare games namin.
Si Margaux ay ultimate fan pa rin ng fake love team namin ni Ichi but this past few days
Napapansin kong masyado syang masaya at mukhang may itinatago sya sa amin and I am determined to find out what it is.
Mula nung mangyari ang pangalawang pagsubok, mas madalas na kaming maglaro nila Cade.
Nung practice nga nila para sa nationals ay pinilit ako ng dalawa na turuan sila ng trick shots na magagamit nila sa laro.
Dahil nga nagchampion sila, I guess it worked.
Naiiritang ibinalik ko ang tingin kay Ichi. Nakatitig pa rin ito sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit asar na asar ako sa kanya simula pa last week.
Tumayo ito at lumapit sa akin. Na paatras naman ako hanggang mapasandal ako sa lababo ng kitchen.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...