Note:
The picture is not mine I got it from facebook so credits to the owner.
--------------------------ICHI POV
Napaka komportable naman ng higaan ko. Nakakatamad tuloy bumangon para pumasok sa school.
Unti-unti akong dumilat at ang una kong nakita ay
leeg?
Teka nga, itinaas ko pa ang tingin at mukha ni Yell ang nakita ko.
Tulog pa ito at nakayakap ang mga kamay nito sa leeg ko habang naka unan naman ako sa braso nya.
Nakayakap din ako sa katawan ni Yell and our legs are intertwined in a mess.
Naramdaman kong unti-unting nag iinit ang mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon ko sa tuwing magigising ako at nasa tabi ko si Yell.
Hindi ito ang unang beses na may nakatabi akong babae sa higaan pero si Yell lang ang babaeng nakatabi ko sa pagtulog at namulatan pagka gising.
"Oh so Baby Boy is awake" sabi ni Gibbs. Na gitla ako sa gulat at lalong namula ang mukha ko.
Nakakahiya, nakita ata ni Gibbs na nakanganga ako kay Yell.
Ibinalik ko ulit ang tingin kay Yell pero nakatingin na ito sa akin. Gising na pala ito at nakatitig sa akin.
Nagtangka akong bumangon at kumalas sa pagkakayakap ni Yell
pero humigpit ang pagkakayakap nito pati na ang pagkakapulopot ng mga binti nito sa akin.
"Are you okay now?" tanong nito ng tumingin ako sa kanya.
Mababakas talaga sa mukha nya ang concern para sa akin pero lalo lang nag iinit ang mukha ko dahil sa posisyon namin at ng presensya ni Gibbs.
"Are you sick?" tanong ni Yell at sinalat-salat ang noo at leeg nya. Inilapit din nito ang pisngi nya sa pisngi nito.
"Hey! anong masakit sayo, sabihin mo. Nag aalergy ka ba? bakit ang pula-pula mo?" utos nito sa akin.
Nagpapanic na si Yell pero hindi pa rin ako makapagsalita.
Nahihiya akong sabihin na nahihiya lang ako sa kanila ni Gibbs kaya namumula ako.
Tumawa naman si Gibbs at tumayo.
"Yell he's just blushing really hard" komento ni Gibbs tsaka lumabas na ng kwarto.
"Geez! yun lang pala akala ko naman kung ano na" sabi ni Yell at kumalas na rin sa pagkakayakap sa akin sabay tayo.
"Tara kain na tayo ng breakfast, may pasok tayo ngayon. Ipapadala ko na lang kay Gibbs ang gamit ko sa bahay nyo" sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Naiwan ako doon na nakahiga pa, pinapahupa ko muna ang pamumula ng pisngi ko.
Damn! nakakahiya para akong babae, tumayo na ako at naghilamos saka lumabas na rin.
Sakto namang nilalapag ni Gibbs ang dalawang cupnoodles sa harapan ni Yell.
Inilapit ni Yell sa akin yung isa. Nice, mukhang cupnoodles na naman ang pagkain namin.
Nagaalala na ako kay Yell dahil puro ganito na lang ang kinakain nya.
SCHOOL
Pagkababa namin ni Yell sa sasakyan ay kaagad itong pumasok ng school.
Grabe naman talaga itong babaeng 'to, hindi man lang ako inantay.
Hinayaan ko na sya at dumiretcho na ng admin ng school.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...